ALEX MULI akong bumalik sa loob ng bar upang humingi ng tawad sa nangyari. Dali-dali akong nagtungo sa lamesa kung saan naroon ang mga ito. Kasalukuyang ginagamot ng iba naming mga kaklase ang pumutok na labi ni Julius. Akmang magsasalita ako upang humingi ng paumanhin sa mga ito nang mabilis akong hilahin ni Ellyse patungo sa may sulok. “Ano bang nangyari, Alexis? Ayos naman ang lahat bago ko kayo iniwan ni Klaus sa lamesa. Bakit tumalikod lang ako saglit, eh, nakipag-boxing match na agad 'yang boyfriend mo?“ “To be honest, hindi ko rin alam kung anong nangyari. Bigla na lang kasing nagalit itong si Klaus nang mag-ayang sumayaw itong si Julius,” wika ko. “Ano pa nga ba? Eh, 'di nagselos 'yong malamang kaya bigla-bigla na lang nanununtok. At talagang si Julius pa ang pinagselosan n'ya,