ALEX MABILIS na lumipas ang araw. Naging abala kaming dalawa ni Klaus sa paghahanda sa kasal. Kay bilis nang pangyayari. Hindi ko na lamang namalayan na ilang araw na lamang pala at magaganap na ang pag-iisang dibdib namin ni Klaus. Sa halip na tuwa at pananabik ay takot ang namamayani sa aking puso sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan. Gusto kong paniwalain ang aking sarili na wedding jitters lamang ang nararamdaman kong ito ngunit alam kong hindi lamang iyon ang tanging dahilan kung bakit hindi ko magawang maging masaya sa kabila nang nalalapit na kasal namin ni Klaus. This is what I've dreamt of. Building a life and a family with Klaus. Pero hindi ko inaasahang magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. I'm still being positive about the situation. Wala namang masyadong mangyayar