ALEX “GO AHEAD, I'll wait you here downstairs. May mga ilang trabaho lang akong tatapusin habang naghihintay,” turan ni Klaus nang makarating kami sa bahay. “Okay. I won't be long,” tugon ko. “I doubt it,” asar nito. Matalim ko lamang itong inirapan bilang tugon. Alam kasi niyang imposible ang sinabi ko. Girl got to do their thing you know. Dumiretso ako sa hagdan paakyat sa pangalawang palapag kung saan naroon ang aking silid. Habang si Klaus naman ay inilatag na ang kaniyang laptop sa ibabaw ng center table na nasa may sala. Kahit saan talaga ay hindi nito magawang iwan ang trabaho. He's just twenty six but he's working like a forty year old man with ten children. Matapos kong makapasok sa aking silid ay agad akong pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Makalipas lamang ay isang