JORDAN NAGISING ako sa hindi pamilyar na silid. Bahagyang kumikirot ang aking ulo kaya nahirapan akong bumangon. Pilit kong inalala kung bakit ako naroon. Hindi nagtagal ay unti-unti nanumbalik ang aking alaala. Natatandaan ko pa ang naging paguusap namin ng aking ama at ni Thanos. Natuptop ko ang aking bibig nang maalala ang naging rebelasyon ni Thanos tungkol sa tunay na ugnayan nila ng aking ama. “H-He's my brother…” bulalas ko. “That's a gross thought,” turan ng isang pamilyar na tinig. Agad akong napalingon sa pinto kung saan nanggaling ang ang boses na iyon. At hindi nga ako nagkamali, namataan kong pumasok mula sa pinto si Thanos bitbit ang isang tray na may lamang pagkain. “Where are we? What am I doing here?“ inis kong bungad sa kaniya. “Somewhere safe,” he answered vaguely

