JORDAN KAGAYA nga nang sinabi ni Thanos kanina, iwanan nitong hindi naka-lock ang pinto. Nagtatalo ang aking puso kung dapat ko bang sundin ang kaniyang nais na manatili ako rito habang magulo pa ang lahat o mas mabuting tumakas ako. But then I realize, I have nowhere to go. I have no friends. Kakatapos lamang ng kasal ni Klaus at Alexis. Hangga't maaari ay ayaw kong idamay pa sila sa gusot na ito. I want them to enjoy the start of their journey together. Kaya nman sa huli ay napagdesisyonan ko na lamang na manatili rito. Ngunit bahagya akong nakaramdam ng pagkainip makalipas lamang ang ilang oras. Kaya naman naisipan kong lumabas at maglibot-libot. Nang lumabas ako ng kuwarto ay bumungad sa akin ang tila antigong mga kagamitan. The interior of the house screams regal and elegance. Ba

