JORDAN BAGAMA'T nakagaan sa aking pakiramdam ang pagbaril ko kay Thanos kanina, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala rito. Magnus assures me that Thanos was fine. Hindi ko rin lubusang maintindihan ang aking sarili kung bakit ko naisipang gawin iyon. Marahil ay dulot na rin nang labis kong galit kanina nang makita kong hinalikan siya kanina ng babaeng iyon. Nakadagdag pa sa inis ko nang hindi nito magawang sabihin sa babaeng iyon kung ano ako sa buhay niya. Ngunit ang hindi ko maintindihan ang kaunting saya na aking naramdaman nang makita kong nasasaktan si Thanos. I don't want to see his face, but seeing him in pain brings me joy. I was afraid that I was slowly becoming a psychopath because of this unusual feeling that I have been experiencing. Kagaya na lamang ngayon, para bang gusto k

