CHAPTER 91 VANESSA'S POV Tuminggala na lamang ako at tinignan ang nakaka-takot na nilalang sa harapan ko na naka-tutok ng baril sa akin. Ito na ba ang katapusan ko? Lucas asan kana ba? Kailangan kana namin. Napaka-bigat ng dibdib ko na kahit igalaw o ikilos man lang ang katawan ko, hindi ko na magawa dahil bugbog sarado at puno ng sugat iyon. Sa huling pag kakataon kina-silip ko na lang ang anak ko na naka-higa sa kama at walang kaalam-alam sa pangyayari, na pumatak na lamang ang butil ng luha sa mata ko, na hinintay na lang ang sandaling iputok niya ang baril at hintayin na lang ang kamatayan ko. Humigpit ang pag kakahawak nito sa baril at bago pa nito maka-labit na may tumutok na lamang sakanyang baril na kina-hinto naman neto na maramdaman ang presinsya ng bagong dating. "Sige