Chapter 13
Umaga nagising si Victor and pagkagising niya nga nakita niya si Phinea na nakaupo sa tabi niya. Nagising siya sa boses ni Phinea na tinatawag siya.
"So... Sorry if naistorbo ko ang tulog mo."
Bumangon si Victor at nakita niya na hawak ni Phinea ang phone niya. Tumutunog iyon at mukhang hindi alam ni Phinea ano ang gagawin.
Natawa na lamang si Victor at pilit na bumangon. Hinawakan niya ang phone niya at binigyan ng halik sa pisngi si Phinea.
"Its fine. Thank you."
Namula ang tenga at pisngi ni Phinea. Kinuha ni Victor ang phone niya gamit ang isang kamay at sinagot iyon.
Hinawakan ng lalaki ang buhok ni Phinea na kasalukuyang tinitingnan siya.
'Sir Difabio, pinatatanong ng producer kung hindi ka ba talaga sasama sa gathering? Party iyon para sa mga cast,' bungad ng manager ni Victor. Simpleng dinner party lang naman iyon para icelebrate ang mabilisan na paghit online ng nilabas na thriller ng drama.'
"Kinausap ko na ang producer kahapon at si Quen na hindi ako makakasama. You see? Hindi maganda sa lalaki na may asawa na ang magattend ng ganiyang mga gathering at makipaginuman," natatawa na sambit ni Victor at tiningnan si Phinea na kasalukuyang kinukutkot ang daliri. Agad na kinuha ni Victor ang isang kamay ni Phinea at nagpaalam na sa manager niya.
Pinatay niya ang tawag. Sinabi ni Phinea na ayos lang kung mag-attend si Victor ng gathering party.
"But its not fine for me. Tinatamad ako at isa pa mas gusto ko mag-stay dito sa mansion kasama ka kaysa mag-attend ng mga party," banat ni Victor at parang bata na lumingkis kay Phinea.
Naeenjoy niya iyon dati pero hindi na ngayon. Humilig si Victor sa balikat ni Phinea.
"Date tayo?" yaya ni Victor. Napatigil si Phinea at bahagya tiningnan si Victor.
Halos magkadikit na ang mga labi nila at nagkaagawan sa hangin dahil sa sobrang lapit ng mukha nila.
Nahihiya si Phinea umiwas ng tingin at tumango-tango. Natatawa lumayo si Victor at sumagot ng great.
"Magbihis ka na aalis na tayo."
Napatingin si Phinea. Akala niya mamaya pa sila aalis. Anyway, magdidate sila kaya naman she dont mind kung ano oras at saan siya dadalhin ni Victor.
Hindi niya naeenjoy ang paglabas-labas sa mansion pero iba na usapan kapag kasama niya si Victor.
So ayon nga, inaya ni Victor si Phinea makipag-date and nagpaalam siya kina Catherine at sa mom niya.
"Magdisguise ka Victor. Baka magpassed out si Phinea kapag bigla ka pinagkaguluhan ng mga tao," bilin ni Catherine. Na experience niya iyon last time noong kasama niya si Victor at kinabukasan nasa newspaper na ang mukha nila ni Victor. Hindi iyon maganda sa pakiramdam at sa gigil niya gusto niya maghire ng tao para sunugin ang publishing company na naglabas ng balita na iyon at sapukin ang kapatid niya.
Nakakatakot ang obssesion ng mga fans lalo na sa mga artista na hinahangaan nila.
"Bi.. Victor."
Napatigil si Victor at napatingin sa taas ng hagdan. Nakita niya si Phinea na kasalukuyang nakasuot ng floral dress as usual but— this time bumagay na sa katawan nito at hitsura ang outfit nito.
Mali kahit ano suutin ni Phinea magi-stand out ito dahil sa natural na aura at beauty nito.
Nakaipit na din at naglagay ng kaunting make up. Proud si Catherine na napapalakpak noong makita si Phinea.
"Kaya gustong-gusto ko si Phinea. Bukod sa fast learner siya napakaganda niya pa."
Hindi alam ni Victor kung matutuwa siya dahil nakita niya nag-effort si Phinea para mag-ayos or madidismaya.
Sinapo ni Victor ang noo sinabi na parang ayaw niya na ilabas ng bahay si Phinea.
Napatigil si Phinea at napahawak ng mahigpit sa dulo ng dress niya. Agad na hinampas ni Catherine sa likod si Victor na kinamura ng lalaki.
"Bakit ka nanghahampas!"
Napatigil si Victor noong makarinig si Victor ng hikbi. Naibalik niya ang tingin kay Phinea na ngayon ay nakatingin sa kaniya at tumutulo ang luha.
"Pa... Panget b... Ba ako?"
Nataranta si Victor noong makita na umiiyak nga si Phinea na ngayon pinatatahan din ni Catherine.
"Hindi ka panget. Ang ganda ganda mo nga," panunuyo ni Catherine ngunit mukhang walang narinig si Phinea at umiiyak pa din ito.
Sinuot niya ang dress na iyon dahil si Victor ang pumili ng dress na iyon at sinabi nito na bagay sa kaniya. Naglagay din siya ng make up kahit medyo uncomfortable para sa kaniya dahil gusto niya maging maganda sa mga mata ni Victor. Nag-ipit din siya at nagapply ng perfume.
"Victor... Difabio, what the heck are you doing?"
Napatalon si Victor noong narinig ang boses ng ina niya sa likuran niya. Para naman nakakita ng multo si Victor na lumingon. Masama ang tingin na pinukol ng parents ni Victor sa anak.
Agad na nagexplain si Victor at sinabing hindi iyon ang ibig niya sabihin.
"Aww! Aww mom! Let me explain!"
Tinawagan ng matandang Difabio ang family lawyer nila at sinabing aalisin na nila sa family register si Victor at aampunin si Phinea.
"Mom! dad! Kanino ba kayo parents!"
Napahawak sa balikat si Victor at napangiwi. Nilingon ni Victor si Phinea at niyakap. Napatigil si Phinea noong maramdaman ang kamay ni Victor sa likod ng ulo niya.
"Wala ako masamang ibig sabihin. Ayoko lang ilabas ka dahil napakaganda mo and hindi malayong madami lalaki tumingin sa iyo."
Nanginginig si Phinea sinabi na nagsisinungaling si Victor. Hindi siya si Peregrine. Hindi siya maganda.
Napatigil si Victor at bahagya nilayo si Phinea sa kanya.
"What do you mean?"
Nanginginig si Phinea sinabi na maganda si Peregrine at hindi sila magkamukha.
"Magkaiba tayo ng definition ng pretty. Maganda ka at hindi talaga kayo magkamukha dahil magkaibang tao kayo."
Napaangat ng tingin si Phinea. Ngumiti si Victor sinabi na maaaring nasa list si Peregrine ng may pinakamagandang mukha sa pilipinas.
"Pero its not mean siya lang ang maganda."
Maya-maya alanganin natawa si Victor sinabi na huwag na umiyak si Phinea.
"Nanganganib buhay ko dito."
Halos butasin na kasi ng parents niya ang likod ng ulo niya sa pagkakatitig ng masama sa kaniya at muntikan pa mabura pangalan niya sa family register.
At the end nagkabati din sila ni Phinea at nasa labas na sila ngayon after sila itulak ni Catherine palabas para ituloy ang date at isara ang pinto.
"Heh buti na lang water proof make up mo," ani ni Victor at hinaplos ang pisngi ni Phinea. Bumaba ang tingin ni Phinea dahil ngayon kumalma na siya at ayos na sila ni Victor bigla siya nakaramdam ng hiya.
Hindi siya umiyak 'nong sinasaktan siya ni Peregrine physically at nakakatikim siya ng sampal sa mom niya minsan pero iyong simpleng harsh word lang from Victor hindi na niya napigilan umiyak at matakot.
"Huwag ka na mag-isip ng kahit ano. Date natin ito dapat diba?" ani ni Victor at hinawakan ang kamay ni Phinea noong mapansin na nawala na naman sa focus ang asawa niya.
Inaya ni Victor si Phinea sa kotse niya at pinagbuksan ito ng pinto. Habang nasa biyahe nag-iisip siya kung saan niya dadalhin si Phinea. Kahit noong first life niya wala siya matinong naging date. Pumupunta siya sa mga lugar para magtrabaho.
Nakatingin si Phinea sa bintana then sandali huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Napatigil si Phinea noong mahagip ng mata niya ang isang billboard.
Nakita niya ang mukha doon ni Victor na may hawak na perfume at nakangiti.
"Phinea, may lugar ka ba gusto na puntahan?"
Lumingon si Victor and nakita niya si Phinea na nakatigilid at mag sinisilip sa bintana. Kumunot ang noo ni Victor at tumingin sa side kung saan nakatingin si Phinea. Nakita niya ang billboard kung nasaan ang mukha niya.
Nahihiya na tinakpan ni Victor ang mata ni Phinea sinabi na huwag iyon tingnan. Lumingon si Phinea at nakita niya na namumula ang pisngi ni Victor.
"Wa... Why?" tanong ni Phinea. Sinabi ni Victor na mas gwapo siya sa personal.
Sa mukha niya kasi sa billboard ay teenager pa siya 'non tapos nakuha siya sa isang commercial.
Sinabi ni Phinea na cute si Victor lalo na nakangiti. Napatigil si Victor at napatikhim. Iyon ang unang beses ni Phinea nakita si Victor na nahihiya. Hindi maiwasan ni Phinea sa side na iyon ni Victor.
Noong gumalaw na ang mga sasakyan nagdrive na ulit si Victor.
Mahinang hinila ni Phinea ang dulo ng sleeve ni Victor. Sandali napatingin si Victor sa babae and tumingin ulit sa kalsada.
"Ano sasabihin mo? Sorry nagdadrive ako."
Hindi niya matingnan ang babae dahil hindi niya maaari alisin ang paningin sa kalsada or iparada ang sasakyan kung saan.
"Meron... Meron ako gusto.. Hmm.. Gusto puntahan."
Noong marinig iyon ni Victor siyempre naging attentive siya at tinanong kung saan iyon.
Medyo nagulat si Victor noong makita ang lugar at kung saan ni Phinea gusto pumunta.
Noong bumaba sila ng sasakyan nakita ni Victor ang isang tulay. Iyong malawak na dagat at mukhang dating site iyon.
Madaming tao at mga estudyante. Hindi mapagkakaila na maganda ang lugar at magandang site para sa mga nagdidate.
Napalingon si Victor kay Phinea na hawak ang dulo ng sleeve niya at nakatingin sa mga tao na dumadaan.
"Wait dito mo talaga gusto pumunta?" tanong ni Victor. Bahagya tumingala si Phinea at tiningnan na parang nagtatanong ito kung bakit.
"Wala lang nakakagulat dahil akala ko ayaw mo ng mga lugar na matao," ani ni Victor at hinawakan ang kamay ni Phinea na nakakapit sa dulo ng sleeve niya.
Naglakad sila paalis doon at katulad ng mga normal na couple naglalakad sila doon at nagtitingin sa mga lugar.
In some reason may kakaiba na naramdaman si Victor habang naglalakad doon at nakikita ang madaming tao.
Pakiramdam niya is belong siya sa mundo na iyon. Walang camera, walang nakatingin, wala siyang nakikitang mga banner at sumisigaw.
Walang pumapansin sa kanila at tinitingnan bawat galaw niya.
"Highschool."
Napatigil si Victor at napatingin kay Phinea. Nahihiya si Phinea sinabi na noong highschool iyon ang unang lugar na gusto niya puntahan kasama mga kaibigan niya or magiging boyfriend.
Napakurap si Victor noong marinig iyon. Hindi niya alam na katulad ng mga ibang tao may mga ganoong fantasy si Phinea.
Its look like simple request and dream but— sinabi ni Phinea na hindi iyon nangyari dahil wala siya naging kaibigan.
"May special ba na reason bakit dito mo gusto mo pumunta?" tanong ni Victor. Meron din ganito sa city nila but— hindi niya maintindihan bakit lumabas pa sila sa city at dinala siya dito ni Phinea.
Imposible hindi iyon alam ng babae dahil sa pagkakaalala niya malapit din ang lugar na iyon sa University ni Phinea.
Dinala siya ni Phinea sa tagong bahagi ng tulay. Hindi— malapit ang lugar na iyon sa ilalim ng tulay at walang tao.
Una napansin ni Victor ang green na ribbon sa gilid at may mga pagkain na mukhang ilang taon din nandoon, gifts at box ng cake.
"Phinea—"
"Dito... Dito ko kinalat ang abo... Ang abo ni kuya."
Naalala nga ni Victor na may kapatid si Phinea na lalaki. Namatay ito noong 7 years old si Phinea.
Sinabi ni Phinea na nangako siya na magdadala siya doon ng kaibigan at ipapakilala sa kuya niya.
Hindi nakagalaw si Phinea noong yakapin siya ni Victor mula sa likod. Umihip ang malamig na hangin at bahagya lumingon si Phinea.
"Dapat iniinform mo ako. Ipapakilala mo pala ako kay brother-in-law hindi mo sinabi. Sana nakapagdala ako ng kandila at alak," bulong ni Victor. Nanginginig si Phinea na napahawak sa braso ni Victor na nakapulupot sa katawan niya. Natawa si Phinea at napatitig si Victor.
Napakaganda ng ngiti na iyon ni Phinea kaya hindi maiwasan ng lalaki matulala.
"Hindi... Hindi nainom ng alak si kuya."
Sa first date nila iyon ni Phinea masasabi ni Victor na napakamemorable para sa kaniya.
Noong umuwi sila sa mansion ng mga Difabio agad niya iyon kinuwento sa ate niya at ina na natatawa na lang habang nakikinig kay Victor.
"This is the first time na nagkwento ka sa amin ng hindi ka namin tinatanong. Mukhang naging masaya ka sa date niyo ni Phinea," ani ni Catherine. Bahagya napatigil si Victor.
Nasa living room sila ngayon at katabi niya ang kapatid tapos kaharap ang ina nila.
"Its just masaya ako dahil iyon ang unang beses na sinabi ni Phinea na may gusto siyang isang bagay. Pumunta kami doon tapos pinakilala niya ako sa kapatid niya."
Napahawak si Victor sa likod ng ulo at awkward na tinanong kung masyado ba siya cringed.
"Its not natural lang na nararamdaman mo iyan dahil mahalaga sa iyo si Phinea. Sa personality ni Phinea sa mga katulad niya is sobrang malaking step na iyong una sila magreach out," sagot ni Catherine at hinawakan ang kamay ni Victor. Napalingon si Victor sa kapatid. Ngumiti si Catherine kay Victor sinabi na nagpapasalamat siya kay Phinea.
"Ngayon ko na lang ulit kasi nakita ang ganito mo na side at paunti-unti nakikita ko ulit ang kapatid ko."