12

2160 Words
Chapter 12 "Nasa hot list ngayon ang promotion photos na nailabas kahapon na magkasama kayo ni Mr Everen at iyong mga solo pictures mo. Dumoble din ang bilang followers mo sa mga official account at inaabangan na lahat ang drama niyo ni Mr Everen," ani ni manager. Pinakikita niya sa akin iyong tab pero tinulak ko iyon palayo dahil nahaharangan 'non ang pagtatype ko sa screen ng phone ko. "I know, I know. Titingnan ko na Lang mamaya okay?" ani ko. Sinubukan ng manager ko agawin ang phone ko ngunit agad ko iyon nilayo. "Huwag mo subukan magreply sa kahit na sinong fans or magpost sa account mo," saway sa akin ni manager at napataas ako ng kilay. "Ano tingin mo sa akin baguhan? Alam ko iyon at hindi fans kausap ko." Napatigil ako dahil may narealize ako. Hindi ko pa pala na ipapakilala manager ko sa asawa ko. Nagdududa na nakatingin sa akin si manager kaya naman pinakita ko sa kaniya iyong screen ng phone ko na may wedding photos namin at message ko kay Phinea. "Kausap ko ang wife ko." Ewan ko pero noong sabihin ko iyon biglang tumahimik ang buong paligid at lahat ng atensyon nasa side ko. Wait? Narinig ba nila sinabi ko? Sa isang iglap napalibutan ng mga tao ang table ko at inaagaw phone ko. "Sino wife mo? Kasal ka na!" Sa wedding picture namin hindi maganda complexion ni Phinea at kakaiba ang dress up nito in some reason. "Artista din ba asawa niya?" Lahat curious kung sino si Phinea. Nakatungkod ang isa kong siko sa table at nakahalumbaba. Nakatingin sa mga taong nakapalibot sa table ko at hawak ang phone ko. "Ano ito photoshop?" tanong ng isa sa mga staff. Kinuha ko na iyong phone ko at inutusan mga ito na bumalik na sa work nila. As if naman papakita ko sa kanila sexy photos ng wife ko at maganda niya na picture. Tiningnan ko si manager na ngayon ay hinihilot ang sentido. "So? Wala ka balak itago ang status mo either ilabas siya sa public?" Mabilis ako sumagot ng yes. Anyway, kahapon lang pinalitan ko profile ko ng kamay namin ni Phinea na nakaholding hands tapos suot mga wedding ring namin. Isa din iyon sa naghit ngayon kaya mas naexposed ang new drama ko. Pumapangalawa siya ngayon sa hotlist sunod iyong kay Everen. Nagkibit-balikat ako at sinabing kung hindi lang socially awkward ang asawa ko hindi ako mageeffort itago sa public relationship namin dalawa. Punuin ko ng picture niya insta ko at twitter. Last message niya is aalis sila nina mom kasama si Catherine. Itinaas ko ang dalawa ko na kamay at nag-unat. Gusto ko na umuwi para makita si Phinea. Sa araw na iyon si Everen lang naga-acting. Maya-maya lang ay uulan at mukhang balak ng director gamitin ang panahon na iyon para itake ang first scene ko. Anyway, ginagawa naman namin ngayon ang thriller ng drama— ang bigat agad ng scene ko kaya sobrang worried ngayon ang manager ko at kanina pa ako binubungangaan. "Wala ka ba talaga balak magpractice ngayon ni icheck ulit itong script," tanong ni manager. Inilagay ko ang dalawang braso sa likod ng ulo ko at sinabi ko na nagpractice na ako noong nasa mansion ako. "Peace of mind ang need ko ngayon, manager. Huwag ka maingay." Natawa na lang ako noong mag-act si manager na hahampasin ako ng script. Lumingon ako sa tent kung nasaan si Everen. Kasalukuyan itong inaayusan ng mga staff at may hawak na script. Mukhang naramdaman nito na nakatingin ako kaya lumingon ito sa side ko. Ngumiti lang ako at kumaway. May mga staff sa kalayuan ang impit na mga tumili at kinukuhanan kami ng video. Bakas sa mukha ni Everen ang pandidiri at inismiran ako. Tumawa lang ako at sinabihan ako ni manager na tigilan iyon. "What? Ang ganda kaya asarin ni Everen." After 30 minutes nagsimula na dumilim at umambon. Pinagpalit na din ako ng damit ng assistant director. "Lalagyan pa ba natin siya mr Victor ng make up?" tanong ng isa sa mga stylist ko. Nagsimula na mga stylist ko na bihisan ako at lagyan ng make up. Anyway, may apat na scene na ako lang mag-isa and iyong huli is scene namin ni Everen. First scene is iyong nakatayo ako sa harap ng apat na puntod. Ang alam ko scene na ito is iyong pumunta si Arson sa ibang bansa para mag-aral then pagbalik niya naabutan niya nasa loob na ng kabaong ang buong pamilya niya. "May tatlo naman ako draft na scene para sa openning ng drama. Ito lang pinakabest pero kung hindi mo pa mapull out ito ngayon its fine," ani ni Quen at winagayway niya iyong isang script. Kausap niya ako since madami sa scene na need ko ng mentally strength at mafull grasp ang character ni Arson. Sinabi ko na kaya ko. Napatitig sa akin si Quen. Nginisian ko lang siya at pinaalala ko sa kaniya ang pinakagoal ko sa project na iyon. "Magmamark si Arson sa drama na ito." Kinuha ko iyong script at habang nilalagyan ako ng make up ay isang beses ko ulit binasa ang script. Noong medyo lumakas na ang ulan at ready na ang lights lumabas na ako ng tent. Kailangan ako buhusan ng tubig para sa effect at nagsimula na din mag-act ang ilan pa na hinire na extra sa drama. Sa libingan madami ang tao at nakatayo si Arson ilang metro ang layo sa puntod ng parents at ng dalawa niyang kapatid na babae. Lumaki si Arson sa marangya at masayang pamilya. Mabait ang ama at ganoon din ang ina. Ano ang eksaktong naramdaman ni Arson noong after niya makagraduate ng college at nakakuha ng license as a lawyer— makatanggap siya ng tawag mula sa relatives nila na namatay ang parents at kapatid niya. Pagbalik niya nalaman niya na isa sa mga kapatid ng ama niya is nabaon sa utang at tumakas. Ginawang guarantor ang ama niya pero dahil wala naman doon alam ang dad ni Arson hindi nito tinangka bayaran utang ng kapatid niya at nagmatigas siya. Hinarass ng mga debt collector ang pamilya ni Arson to the point na humingi na ng tulong mga ito sa pulis. Hanggang sa iyong mga pulis na pinagkatiwalaan ng pamilya niya ay tumanggap ng bayad at ng gabi na iyon ay hinayaan ang mga ito makapasok sa mansion. Ginahasa ang mga kapatid niya na babae at ina sa mismong harapan ng ama niya. Mula sa video recorder narinig ni Arson ang pagmamakaawa ng dad niya at iyak ng mga kapatid niya. Namatay ang mga kapatid niya matapos ng mga ito tangkain tumakas. Lumaban ang ina ni Arson kaya napatay din ito at dahil sa hindi na nagawa pa tanggapin ng ama na iyon ni Arson ang nangyari— pinatay din nito ang sarili. Wala ang mga debt collector na nakuha dahil walang pinirmahan ang ama ni Arson. — "Gosh naiiyak ako," ani ng isa sa mga staff at hinawakan ang pisngi. Sa gitna ng ulan nakatayo lang si Victor. Napapalibutan ng mga tao na lahat nakatingin sa kaniya. Paisa-isang humakbang si Victor palapit sa apat na puntod. Kusa tumabi ang mga tao na may dalang payong at sinundan ng tingin si Victor as part of scene. Walang music and effects ngunit dahil sa aura at expression ni Victor nadadala sila sa mood nito. "Paanong ang katulad niya na actor is nasa tatlong taon pa lang nasa industriya at may experience?" tanong ng director. Nakahawak na din siya ng mga actor at drama na from holywood at nararamdaman lang niya ang ganoong intimidation during filming sa mga hollywood movies at kumpulan ng mga batikan na actor. Maya-maya nagcut na ang director at sinabing diretso na sila sa next scene kung ready na si Victor. "Ayos ba act ko?" tanong ni Victor na bigla na lang sinuntok ang hangin at natutuwa na inakbayan ang manager niya na may dala na payong. "Paano mo nagawa iyon?" tanong ng manager after bigyan ng tasa ng mainit si Victor at nakaupo sa upuan. "Alin?" tanong ni Victor at ikinulong ang baso sa mga palad niya. "Maging si Arson at Victor." Napatigil si Victor at tumingala. Tiningnan niya ang manager at tinanong kung ano sinasabi nito. Paano ieexplain ng manager na noong magsimula si Victor mag-act parang hindi na ito iyong Victor na actor. "Paano ba? Kanina noong nanonood ako dito— simula ng sumigaw ng action ang director parang nagkaroon ng magic. Para kang tunay na Arson na lumabas mula sa book." Madami sa kanila nakalimutan na nasa set sila. Noong marinig iyon ni Victor bumaba ang tingin niya sa tasa— tiningnan ang reflection niya sa tubig. Nakita niya ang dating Victor na sobrang pathetic, damn competative at obssesed. "Is that nagagawa ko lang ng perfect ang character ni Arson dahil nakakarelate ako sa kaniya at wala kami gaano difference," ani ni Victor. Napataas naman ng kilay ang manager at sinabing saang part naman si Victor at Arson pareho? Gangster, murderer, psychopath at self centered. Walang pinipili si Arson sa pagpatay as long as makakaganti siya wala siya pakialam kahit may mga tao ito matapakan at mapahamak ang iisang tao na pagpapahalaga sa kaniya. "Nakakatawa dahil lahat ng iyon ginawa at sinakripisyo niya even ang kalayaan at buhay niya para sa iisang goal lang. Iyon ay ang paghihiganti." Pinako ng manager ang tingin kay Victor. Maya-maya binaba na ng lalaki ang baso at tumayo na since tinatawag na sila ng producer. Para sa next scene is iyong nalaman nakita ni Jude si Arson first hand kung paano nito pinatay iyong isa sa mga taong iniimbestigahan niya sa isang rape case at human trafficking. Scene din iyon na madilim ang langit, nasa loob sila ng isang lumang gusali at tinutukan si Arson ng baril. Pinagpalit na si Victor ng damit, nilagyan ng make up at binigyan ng fake na kutsilyo. May mga action kasi na magaganap at hindi na kumuha si Victor ng stuntman. "Na try mo na ba mga ganito na stunt?" tanong ni Everen na nakapolice uniform. Napaangat ng tingin si Victor at tumawa. Sumagot ng hindi. "Gusto ko subukan." Hindi sa life time na iyon siyempre. Pinaikot ni Victor ang patalim sa kamay niya tapos inaya na iyong isa sa mga actor na character is iyong katulad niya na side character. "Let's work hard," ani ni Victor at nakipagbomb first sa isa sa mga actor na ngayon ay makakasama niya sa scene. Sa character ni Arson pumasok siya sa grupo ng mga drug dealer at during transaction nakilala niya si Baron Lee isa ito sa mga hinahanap niya na gumahasa sa isa sa mga kapatid niya. Napanood na ni Victor kahapon iyong video na gagawin niyang mga foot play at mga action scenes. — "Vi-Victor?" Napatigil si Victor at tiningnan si Phinea na nakaupo sa kama. Katatapos lang ni Victor magshower at nagpupunas ng buhok. "Mas... Masakit ba ang paa m... mo?" Napangiwi si Victor sa idea na akala niya hindi iyon mapapansin ni Phinea. Medyo kumikirot nga ang ankle niya dahil sa hindi maganda na paglanding niya during making action scene. Nagtaka si Victor noong tumayo si Phinea tapos naglakad ito palapit sa kaniya. Hinawakan ni Phinea ang wrist ni Victor at sinabi na umupo si Victor sa kama. "La... Lalagyan kita ng first aid kit." Pigil ang ngiti ni Victor noong alalayan siya ni Phinea like kahit nakakalakad naman siya is todo alalay pa din sa kaniya ang babae. Noong malapit na sila sa kama is hinapit ni Victor si Phinea sa bewang. Nasa dibdib ni Victor ang kamay ni Phinea at nanlalaki ang mata na tinitigan si Victor. "Kailangan... Kailangan ko lagyan ng.. Ng benda ang ankle mo." Sumagot ng no si Victor and natawa. Hinalikan ni Victor ang pisngi ni Phinea. "Paano ko magagawa magresist kung ganito ka kacute." Namula ang pisngi ni Phinea at nahihiya si Phinea sinabi ng no. "Hindi... Hindi ako cute." Sinabi ni Victor na hindi masakit ang paa niya then hinalikan niya si Phinea sa labi after hapitin ang bewang niya. Pilit ni Phinea kumakawala sinasabi na gagamutin niya paa ni Victor ngunit hindi nakinig ang lalaki at binuhat si Phinea palapit sa kama. Hiniga ang babae doon at pinatungan. Natatawa si Victor na hinalik-halikan ang mukha ng babae. "Namis kita. Minsan kapag wala ako masyado na scene dalahin kita sa set. Gusto mo?" tanong ni Victor. Agad ba umiling si Phinea. Natawa si Victor dahil expected niya naman iyon hindi ito sasama. Pero hindi niya ineexpect is mabilis ito tumanggi sa kaniya at diretso. Sinabi ni Phinea na madaming tao. "Natatakot ka malaman ng mga tao na asawa mo ako at makakuha ka ng atensyon?" Hindi nakasagot si Phinea at umiwas ng tingin. Natawa lang si Victor at hinalikan sa sentido si Phinea. "Naiintindihan ko." Its mean hindi ni Victor pwede ilabas si Phinea sa public but its not hindi niya din pwede ilabas ng relationship status niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD