Chapter 11
Humihikbi si Phinea na napakapit ng mahigpit sa damit ni Victor. Noong medyo kumalma na si Phinea nag-aalala umupo sa magkabilang gilid niya si Catherine at ang madam.
"Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sa iyo?" tanong ng madam at hinaplos ang buhok ni Phinea.
Hinawakan ni Catherine ang kamay ni Phinea sinabi na huwag mag-alala si Phinea. Kukuha sila ng magaling na lawyer para bigyan ng hustisya ang nangyari kay Phinea.
Nanlamig si Phinea noong marinig iyon at naiiyak na umiling. Napatigil ang parents ni Victor noong makita ang reaksyon na iyon ni Phinea.
"Wala ka balak isumbong sa pulis ang gago na iyon!"
Napatayo si Catherine. Bago pa makapagsalita si Catherine ay tinakpan na ni Victor ang bibig ng kapatid.
"Huwag mo siya sigawan."
Naiinis na inalis ni Catherine ang kamay ng kapatid at tiningnan ito ng masama.
"Dont tell me palalampasin niyo na lang ang nangyari? Muntikan na marape ang asawa mo," galit at madiin na sambit ni Catherine. Napakamot sa ulo si Victor sinabi na kapag lumabas ang issue lalabas si Phinea sa public.
"Sino sa tingin mo pagpipiyestahan ng mga tao at media?"
Napatigil si Catherine noong marinig iyon. Agad na hinablot ni Catherine ang kwelyo ng kapatid. Napatalikod si Victor sa side ni Phinea.
"Dont tell me ipipriority mo ang public opinion at career mo kaysa sa safety at peace of mind ng asawa mo! Bakit—"
Napatigil si Catherine noong napatitig siya sa expression ng kapatid.
"Sinabi ko na sa iyo babaan mo ang boses mo at huwag ka sumigaw. Tinatakot mo si Phinea ate."
Nagtaraasan ang balahibo ni Catherine noong titigan siya ni Victor ng malamig at nararamdaman niya ang malakas na intimidation mula dito.
Binitawan ni Catherine ang kapatid at tumingin sa kabilang bahagi ng kwarto. Mukhang katulad niya sasabog na din ang kapatid at nagpipigil lang ito.
Noong tingnan ni Catherine ulit si Victor nakaupo na ito sa side ng kama tapos inaabutan ng makakain si Phinea.
"Kung ayaw mo isumbong siya sa pulis its fine. Hindi ka namin pipilitin pero its not mean papayag pa ako manatili tayo doon."
"Dito Phinea, welcome ka. Kami na bahala sa parents mo. Magpahinga ka lang dito at kung may need ka huwag ka mahihiya magsabi sa amin," ani ng madam at hinawakan ang pisngi ni Phinea.
Nahihiya na tumango si Phinea at nagthank you. Walang lakas si Phinea kahit hawakan ng maayos ang kutsara kaya naman kinuha iyon ni Victor at sinabi na susubuan niya si Phinea.
"Victor ikaw na bahala kay Phinea okay?" ani ng madam at tinapik ang balikat ni Victor. Inaya ng madam si Catherine na lumabas na ng room at hayaan doon ang dalawa.
Hindi makatingin si Phinea kay Victor either makapagsalita. Paano kung pandirihan siya ni Victor dahil nakita ng ibang lalaki ang katawan niya at nahawakan siya— hindi ng babae maiwasan magoverthink.
"Tapos ka na kumain?" tanong ni Victor. Kumuha siya ng tissue at sinubukan punasan ang gilid ng labi ni Phinea. Pumikit ng madiin si Phinea dahilan para mapatigil Victor.
Akala ni Victor kung magiging maganda ang impression niya kay Phinea at babaguhin nito lahat ng actions niya toward her mapoprotektahan niya si Phinea. Hindi na ito masasaktan at makakabawi siya. Mai-spoil niya ito hangga't sa gusto niya at magiging masaya si Phinea but—
Mukhang hindi iyon ang case sa relationship nilang dalawa at sa reasons ni Phinea bakit pinili nito ang ganoong desisyon.
Siniset aside si Phinea ng pamilya niya, kinocompare sa twin sister niya at noong time na nangyari ang inside— hindi niya nakitaan ng concern ang parents ni Phinea. Mas natatakot ang parents ni Phinea na maoffend siya kaysa sa well being ng isa sa mga anak nila.
Imbis sisihin ang ibang tao wala ito ginawa kung hindi magsorry at kahit magalit sa ibang tao ay pinagkakait sa sarili. Wala ito ginawa kung hindi isisi iyon sa sarili niya kahit siya ang pinakadehado at biktima.
Nakaupo ngayon si Victor sa side ni Phinea. Hawak ng lalaki ang kamay ng babae habang nakasandal si Phinea sa balikat ni Victor.
"Phinea, alam mo ba nanaginip ako. Isang napakasama na panaginip."
Gumalaw si Phinea at nilingon si Victor. Hinintay ng babae ang susunod na sasabihin ni Victor.
"Sa panaginip na iyon nandoon ka at galit ka sa akin. Sinisisi mo ako."
Napatingin sa Victor kay Phinea na hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ni Victor. Bahagya umiling si Victor.
"Panaginip... Panaginip lang iyon. Hindi... Hindi iyon totoo at... At mangyayari."
Lumambot ang expression ni Victor at alam niya. Napatigil si Phinea noong nakitaan niya ng lungkot ang mga mata ni Victor at pagkadismaya.
"Dahil ang tunay na ikaw wala ginagawa kung hindi isisi sa sarili mo ang lahat. Hinding-hindi ka magagalit sa akin."
Tinanong ni Phinea bakit sinasabi iyon ni Victor sa kaniya at ano pinalalabas nito.
"Phinea biktima ka at si Jairo abuser. If kung meron may kasalanan sa nangyari bukod kay Jairo— ako iyon Phinea."
Napatigil si Phinea noong marinig iyon. Mapait sinabi ni Victor na nangako siya sa harap ng altar na aalagaan si Phinea at poprotektahan. Nasa tabi siya ni Phinea for better and worst.
Hinawakan ni Victor ang kamay ni Phinea. Pinisil iyon at pinagsiklop mga kamay nila.
"Wala pa tayong tatlong buwan magkakilala at naiintindihan ko na nahihirapan ka mag-adapt sa buhay na nasa paligid mo ako. Ayaw kita ipressure pero pwede ba kahit kaunti? Consider na nasa iisang space tayong dalawa— kausapin mo ako."
Tiningnan ni Victor sa mga mata si Phinea at ngumiti.
"Trust me a little and let me hear your voice."
"Cac... Can i do that?"
Nangilid ang luha ni Phinea at parang anytime iiyak na. Hinawakan ni Victor ang pisngi ni Phinea.
"Bakit hindi? Asawa mo ako and partner tayo for life? Bukod sa sarili mo wala ng ibang tao pwede ka kausapin. You see? Lahat ng mangyayari sa iyo at sa akin in future sa ayaw natin at gusto bubuhatin natin iyon ng magkasama."
"I... I dont want to be burden."
Tumawa si Victor at sinabing hindi magiging burden si Phinea.
"Napakaliit ng mundo mo compare sa akin."
Umupo ng maayos si Victor at humilig. Sinabi ni Victor na halatang kahit isang segundo hindi naiisip ni Phinea ang future.
Noong makatulog na si Phinea dahan-dahan hiniga ng maayos ni Victor ang babae at nilagyan ng kumot.
Lumabas ng room si Victor. Nakasandal ang lalaki ngayon sa pinto habang nasa likod ang mga kamay at nakatingin sa kawalan.
"Vic?"
Bahagya tumingin si Victor sa kabilang side ng corridor. Mapait ang expression ni Catherine tinanong kung papayag na lang ba si Victor na ganoon ang ginawa ng boyfriend ni Peregrine sa asawa ng lalaki.
"Hindi mo ba talaga siya ipapakulong at bibigyan ng justice ang ginawa niya kay Phinea?" tanong ni Catherine na may hindi maipinta na expression.
"I told you wala sa choices ang madala ang pangalan ni Phinea sa scandal."
Tumayo si Victor ng maayos at nilingon ang kapatid. Ngumiti ng nakakatakot si Victor.
"But is not mean palalampasin ko ang nangyari."
Kinabukasan,
Tumungo ang mga Lawson sa mansion ng mga Difabio at nag-act na sobrang nag-aalala kay Phinea.
"Hindi namin alam ang nangyari. Sinabi ni Jairo na lasing siya at napagkamalan niya na si Peregrine si Phinea."
Bumaba ng hagdan si Victor kasunod si Catherine. Agad na nagusot ang mukha ni Catherine noong makita ang parents ni Phinea.
"Huwag kayo mag-alala mother in law. Mukhang nagising naman siya agad sa suntok ko. Quits na kami," ani ni Victor na may ngiti sa labi. Tiningnan ni Catherine ang kapatid at sinundan ito patungo sa living room.
"Nasaan si Phinea? Gusto ko siya makausap," ani ng ginang. Sinabi ni Victor na nagpapahinga pa din si Phinea at nais mapag-isa.
"Masyado siya nashock sa nangyari."
Sinabi ng matandang Lawson na naiintindihan nila. Nag-agree naman mga ito na doon muna magstay si Phinea.
"Bakit ka pumayag?" tanong ng madam ng mga Difabio after umalis ng mga Lawson na may ngiti sa labi.
"In laws ko sila? Bakit hindi?" tanong ni Victor at inangat ang tasa na may kape.
"Magiinvest ka talaga for kompensasyon? Pinalabas nila na misunderstanding ang nangyari at iyong drama na iyon is kasabayang iaannounce sa mismong araw ng announcement ng napili mong project! Cast doon is iyong kakambal ni sister in law na mula ulo hanggang paa puro retoke at iyong boyfriend niya na rapist!"
Inutusan ni Victor si Catherine na umupo lang at manood.
"As my sister naexperience mo first hand ang mga nangyayari sa mga taong humahawak ng bagay na sa akin."
Sumandal sa sofa si Victor at bumalik si Catherine sa kinauupuan. Tiningnan ni Catherine si Victor na nanatiling kalmado at nakatingin sa reflection niya sa tasa.
—
"Manager huwag mo ako kakalimutan kuhanan ng copy ng mga pictures ko okay?" bilin ko at nilingon si manager na may hawak na notes at kausap ang isa sa mga staff.
"Nakausap ko na ang photographer dont worry."
Ngayon kukuhanan kami ng picture ni Everen na ipopost online at sa mga platform para sa ilalabas na new drama.
Sa kabilang upuan hindi malayo sa pwesto ko nandoon si Everen. Natatawa sinipa ko swivel chair niya dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Hindi ka natatakot na maagawan kita ng spotlight sa stage?"
Napapokerface si Everen at bigla na lang ako binato ng takip ng bottled water niya.
'Nakuhanan mo ba sila ng video?'
'Yes producer.'
"Stop talking nonsense, ako pa din ang male lead at second lead ka lang."
Napangisi na lang ako at sinabing huwag makakampante si Everen. Mas madami siya scene pero sisiguraduhin ko na ako ang pag-uusapan ng mga tao.
Hindi iyon joke dahil gagawin ko talaga iyon kaya as male lead kung ayaw ni Everen maagawan ko siya ng spotlight gawin niya ang best niya para makacatch up sa akin. Hindi lang para maprotektahan ang pride niya pati na din sa ikasasuccess ng drama.
Nauna si Everen kuhanan ng litrato for promotion.
"Ano purpose mo sa pangpoprovoke kay mr Everen?" tanong ni manager. Sinabi ko kay manager na para iyon kay Everen.
"Hindi ba masyado mataas tingin mo sa sarili mo mr Victor? Wala pa sa mga drama mo naghit at kung makapang provoke ka kay mr Everen parang masasapawan mo siya kapag nagact ka," banat ni manager. Napangiwi ako at nilingon si manager.
"Manager baka nakakalimutan mo nasa kamay ko ang living expenses at future mo. Talagang harapan mo ako sa saksakin?" flat na reklamo ko kay manager. Fake na tumawa si manager sinabi na wala siya masamang ibig sabihin sa sinabi niya.
Nakuha ko ang best actor noong past life ko sa sarili ko kakayahan at effort. Sa lahat ng role may experience ako—tiwala sa sarili at lakas lang ng loob baon ko 'non.
Natapos din si Everen after ng ilang shots. Abo't abot ang nakuha niya na papuri sa photographer.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng madiin. Ako si Arson— the character who was like a cold wind. Often embodies traits such as aloofness, detachment, and emotional reserve. I may come across as distant or unapproachable, preferring solitude or avoiding deep emotional connections. Such a character often keep feelings tightly guarded, creating an air of mystery around. I might speak in a blunt or straightforward manner, prioritizing logic over emotions.
Tumagilid ako sa camera habang nakaupo sa ibabaw ng table. Tumingin ako sa camera at sa gitna nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa sahig.
Sa mga bisig ko si Phinea na walang buhay at napapalibutan kami ng mga tao.
Nasa loob kami ng isang kahon na gawa sa salamin. Sumisigaw ako ng tulong at nagmamakaawa na iligtas si Phinea. I feel scared, hopeless at dismayado. Wala makarinig kahit anong sigaw ko.
—
Sa mga oras na iyon kahit iyong photographer natulala. Nakaupo lang doon si Victor at nakatingin sa kanila na mga taong nasa ibaba.
"What the heck," bulong ni Kiel na nasa room na din iyon na napadaan lang para makaisyoso.
Naiyukom ni Everen ang kamao. Hindi lang basta pangpoprovoke mga ginagawa ni Victor this past few days at act sa camera— isa iyon warning para sa kaniya at hamon.
Kung hindi niya magagawa sabayan si Victor kakainin siya ng buo nito.
Mga apat na take lang natapos na si Victor at lahat iyon alam ng photographer makakakuha ng attention sa viewers.
"Sigurado ka ba mga rising star lang mga cast niyo dito?" tanong ng photographer sa producer. Napangiwi ang producer sinabi na mga baguhan lang sa industriya ang lahat ng cast nila.
Pero naiintindihan ng producer bakit ganoon ang tanong sa kaniya ng photographer.
Umakyat na si Everen at umupo sa likuran ni Victor.
Magkatalikuran sila at ngayon nagpiprepare na ang photographer para sa sunod na take.
"I told you, sasapawan kita kapag hindi mo pa ginawa ang best mo."
Tumingala si Victor at nakangising isinandal ang ulo sa likod ng ulo ni Everen.
"Hindi pa nagi-start ang filming. Huwag ka pakampante," ani ni Everen at tumingin sa camera.