15

2146 Words
Chapter 15 Bumaba ng sasakyan si Victor at nakita niya ang mga staff na nasa kabilang side. Sa gitna nag-uusap usap ang may ari ng location, producer, assistant producer ilang manager si Everen at Quen. "Miss Quen, kumalma ka nga muna," ani ng producer. Naiinis si Quen at tinanong bakit siya kakalma? "Iyong drama na iyon is parehong time din magi-air at nakita mo mga issue kumakalat sa social media. Ano mangyayari kung—" Napatingin si Rin Quen sa matanda. "Ano nakakatawa?" tanong ni Quen. Nakita niya tumatawa may ari ng location. "Balita ko bago lang production niyo, new drama din ito. Mostly sa mga artist niyo mga baguhan lang din. Compare sa production na nauna sa inyo makakakuha ako ng profit na mas malaki. Even doblehin niyo ang rent pasensya na pero hindi ako papayag," ani ng may ari ng location. Dumilim ang mukha ni Everen noong marinig iyon at iniyukom ang kamao. "Ikaw—" "Tama na. Ireschedule na lang natin ang scene na iyon at magpareserve tayo next week," ani ng producer at tumalikod. Bakas sa mukha ng producer amg pagkadisgusto ngunit wala siya magawa. "Walang irereschedule," ani ni Victor na naglalakad palapit sa kanila. Napatigil ang matanda noong makita si Victor at bigla pumasok sa isip niya iyong lalaki na nasa mid 50s na pumunta sa kaniya isang beses kasama ang isang lawyer at bank owner. "Meron ka na lang 1week para mabayaran whole area na ito hindi ba? Sa pagkakaalam ko nakasanla na ito sa bank at may bumibili dito pero hanggang ngayon wala ka pa na babayaran kahit half lang sa utang mo." "Di... Difabio?" Ngumiti si Victor ng matamis at inilihad ang kamay. "Ngayon kilala mo na ako. Wala ka ba balak papasukin kami ngayon at bigyan ng kape?" Parang binuhusan ng malamig na tubig ang matanda noong makumpirma niya na ito ang anak ng bumili ng area na iyon last month lang. Noong pumasok si Victor sa usapan parang nabasang sisiw ang may ari ng location. "Consider sa malapit na ang palugit na binigay sa inyo ng bank— wala ka na balak bayaran ang dad ko. How about ibigay mo na sa team namin ang area at magsimula ka na mag-impake." Nagulat ang may ari ng location at napatayo. May gusto sabihin ang matanda ngunit noong tingnan siya ni Victor na kasalukuyang binaba ang hawak na tasa— parang may malaking bato ang bumara sa lalamunan niya at hindi nagawa pa magsalita. Kahit ang producer at ilang cast na nandoon is hindi nagawa sumimgit noong nagsasalita si Victor about sa kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Nagpapaalam ang may ari ng location para tawagan ang team na pupunta mamaya doon para gumawa ng scene. "Bakit mo tatawagan? Hayaan mo sila pumunta at iappreciate ang view." Nagulat sina Everen doon. Its mean katulad nila pupunta mga ito doon sa lugar at sasayangin ang oras nila katulad ng ginawa ng may ari. Noong makalabas sila sa inn sinabi ni Victor na ibalik na mga equipment sa sasakyan at pupunta sila sa location na naisip niya para sa next scene. "Pero siyempre need natin ng opinion ng writer producer." "Why? Hindi ba natin pwede gamitin ang area na ito? Napaalis mo na may ari pati maikacancel na iyong schedule ng kabilang team." Bahagya tumingin si Victor at sinabi na 1 year from now magkakaroon ng construction doon. Walang benefits at posibleng maging issue iyon sa drama pagkatapos ng isang taon kaya kailangan nila baguhin ang location. Sinabi ni Rin Quen na gusto niya makita ang lugar. Nag-agree din ang buong staff. Hindi na pipigilan ni Rin Quen ang ngiti at tuwa habang nakatingin kay Victor. Nakatitig lang naman si Everen kay Rin Quen na kumikislap ang mata at puno ng pabor na nakatingin kay Victor. Bahagya bumaba ang tingin ni Everen at nauna pumasok sa sasakyan niya. Hinabol naman siya ng manager. Napatigil si Rin Quen at lumingon. Nakita niya si Everen na naglalakad papasok ng sasakyan then isa sa cast na babae ang lumapit kay Everen. "Bakit hindi mo siya subukan kausapin? Consider na childhood friend mo siya madami kayo mapag-uusapan." Napatalon si Rin Quen at lumingon. Nakita niya si Victor na nakangisi. "Ano naman sasabihin ko sa kaniya? Bakit ko siya kakausapin?" Tumalikod si Rin Quen at naglakad na palayo. Napailing na lang si Victor at nagcross arm. Hindi makapaniwala si Victor na iniisip ni Everen na may gusto si Rin Quen sa kaniya like— palagi kaya nakatingin si Rin Quen sa kaniya at noong malaman nga iyong issue about sa food poisoning nagpresinta si Rin Quen na tumulong sa mga staff at siya mismo kumukuha ng foods para kay Everen. Habang nakatalikod si Rin Quen at nakatungkod ang dalawang kamay sa table— nakita niya bigla ang asawa na nasa loob ng aparment. Nakaupo sa harap ng dining table na may ilang mga pagkain na nakahanda. Napasapo si Victor sa noo. Hindi niya magawa iset aside si Rin Quen consider na wala siya benefit sa pagtulong dito or pangingialam. Nawala lang atensyon ni Victor kay Rin Quen noong may dumating na mga sasakyan. Sakto naman na patapos na sa pagliligpit ang mga staff ng production team nina Victor. Bumaba sa iisang sasakyan si Jairo at Peregrine. Noong nakita ni Jairo si Victor ay agad na nabato ito sa kinatatayuan at ilang segundong natulala. Tinago nito ang kamay sa bulsa para itago ang panginginig. Napangisi si Victor sa idea na hindi pa din nito makalimutan iyong nangyari sa mansion ng Lawson. Good— dahil hindi kahit siya ay hindi pa din nakakalimot. Dahil kay Jairo hindi niya mapayagan si Phinea lumabas ng walang kasama at naghire siya ng mga tauhan na protektahan ito. Hindi maaari na siya lang nakakaramdam ng wary at discomfort kapag nagkakasalubong silang dalawa. "Oh my, kayo pala iyong team na sinasabi ng landlord na nauna magrent ng buong area. Hindi namin alam," ani ng director na nag-act na nagulat after makita ang director ng team na agad gumusot ang mukha. Voice of him; under the midnight rain. Ito ang drama na kasalukuyang project nina Peregrine at Jairo. Sobrang naging hit ang project na ito hindi lang sa pilipinas pati na din sa ibang bansa. Naalala niya na after ng drama na ito maghit is nakuha nito ang award sa may pinakamataas na rating ng drama sa buong bansa at nakuha nito ang star award bilang best adaptation drama. 'Hindi ba siya iyong ex ni miss Peregrine? Victor Difabio? Gosh mas gwapo pala talaga siya sa personal.' 'Balita ko nga mayaman din siya tapos nakita mo thriller ng drama? Hindi halatang bago lang production nila sa industry.' "Hey kaninong production kayo nagtatrabaho?" Napataas na lang ng gilid ng labi si Victor sinabi na mas better bumaba ng maaga ang team ng mas maaga at huwag na magtagal doon. "Mukha kasi uulan," natatawa na sambit ni Victor at tinuro ang langit. Tumalikod si Victor para bumalik ang sasakyan niya noong tawagin siya ni Peregrine. "Hindi ka naman siguro galit dahil pareho iyong location na napili ng team. Hindi ko alam na team pala ninyo ang nagpareserved ng location before kami. Kung alam ko lang sana nakausap ko ang management," ani ni Peregrine na may worried na expression. Bahagya napatingin si Victor. 'Close sila ni sir Victor? 'Siya ba iyong tinutukoy ni miss Peregrine last week na naging long time boyfriend niya noong highschool tapos naging artista?' "Consider na ngayon na lang ulit tayo nagkita— pwede palampasin mo na ngayon ang team namin?" ani ni Peregrine na nakangiti at nang-aakit na tiningnan si Victor. Napatingin ang manager sa kamay ni Victor. Mahigpit ang pagkakahawak nito ngayon sa phone at naglalabasan ang ugat sa kamay. Bumuga ng hangin si Victor at itinaas ang phone niya. Agad na kinuha iyon ng manager. Humarap si Victor kina Peregrine at inilagay ang isang kamay sa bulsa. "Huwag ka mag-alala sister in law. Pareho tayo artist at alam natin patakaran ng work na ito. Isa pa bakit naman sasama loob ko sa iyo? Iyong idea na kapatid ka ng wife ko at magkapamilya tayo ikaw iyong huling tao na ioffend ko para lang sa isang location," natatawa na sambit ni Victor. Lahat nashock noong marinig iyon at napatingin kay Peregrine. "May kapatid si miss Peregrine?" Hindi na nagawa pa makapagsalita ni Peregrine at nagpaalam na si Victor. Nakangiti ito tumalikod at sumakay na sa van niya. Noong makasakay ang manager at assistant ni Victor na may pangalan na Grace tinanong babae kung ayos lang ba ilabas ng ganoon ang relationship nila ni Peregrine. "Mas lalo ayoko mailabas bukas sa newspaper at magazine ang about sa past namin ni Peregrine at mamisunderstand ng fans." Sumandal ang lalaki sa upuan. Sinabi na hindi habang buhay maitatago niya sa public ang relationship at status niya sa mga Lawson. Tumingin si Victor sa may bintana at napangisi. Tinanong ng manager kung hindi ba natatakot si Victor na lumabas ang asawa niya na si Phinea sa public. "Ikaw na nagsabi na hindi iyong asawa mo ang tipo na naeenjoy ang public attention," ani ng manager. Napatingin si Victor sinabi na hinding-hindi lalabas ang mukha at pangalan ni Phinea sa public. "Paano ka nakakasigurado? Minamaliit mo yata ang media at mga fans," ani ng manager. Ilang years na siya sa industry iba ang nagagawa ng curiousity ng mga tao. Kung minamalas ka kahit pa ikaw iyong ilang beses na nakuha ang best actor at star awards kaya ka balagbagin ng mga tao sa isang post lang at pagkakamali. Tiningnan ng manager ang rare view mirror at tiningnan ang inaalagaan niya na actor. Siya kasi natatakot sa paglalaro ng apoy ni Victor at hindi niya alam ano iniisip nito. "Kasi nakakasigurado ako na mas pipiliin ng mga Lawson ubusin ang assets nila kaysa mailabas ang about kay Phinea," ani ni Victor at winagayway ang kamay niya. Naalala ni Victor na noong first life nila in some reason hindi Lawson ang nakalagay na middle name ni Phinea. Pinacheck niya iyon sa dad niya at nalaman niya na hindi nakalagay sa family register ng mga Lawson ang pangalan ni Phinea and worst hindi ito nakaregister. "Sigurado ako na kahit hindi ko sabihin at kahit hindi involve ang pangalan ko— hindi manonood ang parents ko at hahayaan pagpiyestahan si Phinea. You see mas mukha pa nilang anak ang asawa ko kaysa sa akin," ani ni Victor at tumawa. Nailing na lang ang manager and iniba na ang usapan. — "Sweety? May ginagawa ka ba?" Napatigil si Phinea at napalingon sa pintuan. Kaharap ng laptop ang babae at kasalukuyang may sinusulat sa mga notes. "Y... yes mother?" Sinabi ng ginang na papasok siya tapos may dala na meryenda. Binuksan ng ginang ang pinto at may dala itong tray. "Nagsusulat ka ba? Hindi kita naistorbo?" tanong ng ginang at pinatong ang tray sa table. May cake doon, juice tapos candy na may flavor na strawberry milk na sobrang favorite ni Phinea. "A... Ayos lang mother in law. Nag... Nagsusulat lang po ako ng notes," sagot ni Phinea at pinakita iyong sticker note na sinusulat niya kanina. "Kapag natapos mo pabasa ako okay? Gusto ko mabasa novel mo," ani ng ginang. Nahihiya na tumango si Phinea at tumawa ang ginang. Binigay ng ginang ang maliit na library na iyon na ginagamit dati nina Catherine at Victor noong highschool kay Phinea para maging private place nito. Isang araw kasi bigla nawala si Phinea at hinanap ito nina Catherine sa buong mansion then nakita nila si Phinea sa garden at may hawak na laptop. Nataranta si Phinea noong mapagalitan siya ng ina ni Victor dahil sa pag-aalala at nasabi niya na nagsusulat siya. Ayaw niya maging makalat room ni Victor kaya naman doon siya nagsulat. Wala din table doon na magiging komportable siya sa pagsusulat kaya lumabas siya. 'Bakit hindi ka nagsasabi na bata ka? Madami room sa mansion na ito. Kahit master bedroom bibigay ko sa iyo. Huwag mo naman kami pag-alalahanin ng ganito.' After 'non binigay sa kaniya ang library at after lunch kapag hapon dadalahan siya ng meryenda ng ginang. "Minsan ba naisip mo na gusto mo maging sikat na writer?" tanong ng madam. Mabilis umiling si Phinea na kinatigil ng madam. Nakayuko pinaglaruan ng babae ang mga daliri. "That... That's too much for me." Sinabi ng ginang na libre ang mangarap. "Ano ba reason at nagsusulat ka?" tanong ng madam at hinawakan ang ulo ng babae. Napatigil si Phinea at tiningnan ang madam. "Hindi mo alam?" Bumaba ang tingin ni Phinea at napaisip siya kung ano ba talaga ang reason bakit siya nagsusulat? Alam niya sa sarili niya na siya iyong tipo na hindi naeenjoy ang atensyon ng madaming tao kaya tinatago niya ang identity niya. Either may nagnakaw ng book niya wala siya pakialam dahil para sa kanya burden lang iyon dahil masyado naging sikat ang libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD