Chapter 16
"Mother in law... Bakit... bakit mo gusto mabasa novel ko? Hindi... Hindi ka mahilig sa books," bulong ko. Naalala ko narinig ko siya kausap si father in law sa living room.
Binabasa ni mom iyong collection ko ng novel na project ngayon ni Victor at gagawin na drama.
"Its not mean na hindi ako mahilig. Hindi ako nagbabasa," sagot niya tapos tinuro ang sarili.
"Its normal."
Napakurap ako. Tinanong ni mother in law kung gusto ko ba ang pagsusulat.
"Hi... Hindi ko alam. Its just... Nagkataon na ito lang ang alam ko gawin."
Sa pagsusulat nailalabas ko ang frustration ko at mas nakakaramdam ako ng freedom. Sa pagsusulat walang nagda-judge sa akin at nagsasabi ng tama at mali. Nagsimula lang ako post online dahil bukod sa hindi makikita iyon ng parents ko nakikita ko din convenient iyon for me.
Maya-maya lang umalis na si mother in law. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko pa din maiwasan makaramdam ng kaba at uncomfortable pa din talaga kapag may ibang tao sa same space meron ako.
Napatigil ako noong pumasok sa isip ko si Victor. Lumingon ako at sa side ng glasswall.
Nakita ang half naked na si Victor na kasalukuyang hawak ang magkabilang dulo ng kurtina— napatigil si Victor at lumingon sa akin. Agad ito ngumiti.
'Goodmorning.'
Naglaho si Victor. Bigla nag-init ang pisngi ko at umiling-iling. Bakit bigla ko naisip si Victor.
Anyway, tiningnan ko ulit ang phone ko na nasa table. Hindi na ulit nagtext si Victor after ng last message niya.
Hindi siya nagpaluto sa akin dahil sa magbabago ang location nila at buong araw siya nasa biyahe.
Kinuha ko ang phone ko and binuksan iyon. Binuksan ko ang message box at tinap ang pangalan ni Victor.
"Ititext ko ba siya? Ano... Ano sasabihin ko?"
Napatigil ako noong makita ko bigla nagsend ng picture si Victor. Isa iyong lugar na sobrang familiar sa akin.
Sunod tumunog na ang phone ko at agad ko naman sinagot after mabasa name ni Victor.
'Nakita mo ang pictures?'
Tumango-tango ako at tinanong si Victor bakit ito nandoon. Akala ko working time niya ang ganito na oras.
Bigla nag-invite ng video call si Victor tapos nakita ko ang buong area. Madaming tao at... At nakita ko si Rin na may kausap na guy.
'Dito next scene namin. Kukwento ko sa iyo mamaya kung bakit.'
'Sir Victor, tawag ka ng director. Sa iyo na ang next scene.'
Nagpaalam na si Victor at pinatay iyong tawag. Hindi ko alam na ganoon pala kabusy kapag nasa set.
Maingay, magulo tapos madaming tao. Sure ako exhausted si Victor.
Tumayo ako at naglakad na palabas after ko ubusin mga dinala ni mother in law. Pagbaba ko may nakita ako na maid at natataranta na kinuha iyong dala ko.
"Young madam, tawagin mo ako kapag may kailangan ka. Hindi mo need dalahin ito sa kusina."
Bigla ako nahiya at nagsorry. Kinakabahan na umatras— galit ba siya sa akin?
Halata sa mukha ng batang maid ang gulat sinabi na hindi ko kailangan mag sorry.
"Ano nangyayari?"
Napalingon ako. Nakita ko si father in law na naglalakad at mukha pababa din ng hagdan.
Napalunok ako at napahawak sa braso. Nakadisturbo ba ako? May nagawa ba ako masama? Dapat ba tinatawag iyong maid kapag ibaba iyong pagkain hindi ko alam.
"Uncomfortable si Phinea, hayaan mo siya sa gusto niya gawin," ani ni father in law na kinatingin ko. Napatingin sa akin si father in law at sinabi na ayos lang kung hindi ako tumawag ng maid.
"Gawin mo ang gusto mo. No pressure since bahay mo na din ito."
Walang reason para mawary ako. Dahan-dahan ko naibaba ang kamay ko. Tama, wala ako sa mansion ng mga Lawson. Lahat ng ginagawa ko mali at sinasabihan ako ng mga tao na mag-act ako na parang hindi nageexist.
Inaya ako ni father in law bumaba at tinanong ako kung may kailangan ako. Sumunod ako kay father in law tapos nakita ko si sister in law sa living room. Mukhang paalis ito at may dalang mga kahon.
"Ano iyang hakawak mo?"
Napatigil si sister in law and napatingin sa amin. Nilapitan namin siya ni father in law and may nakita ako toys na nasa loob ng kahon.
"Galing ako sa stock room. Nakita ko mga ito doon— balak ko mga idonate sa orphanage kasama iyong mga pinagliitan namin na damit ni Victor."
Sinabi ni father in law na hayaan iyon sa mga maid ngunit hindi pumayag si sister in law.
"May hinahanap din kasi ako dad."
Binati ako ni sister in law tapos naglakad paalis. Yumuko ako sa harapan ni father in law tapos nagpaalam.
Sinundan ko si sister in law. Huminto ako sa paglalakad noong huminto si sister in law sa paglalakad. Lumingon siya sa akin. Kumurap ako at tinanong ako ni sister in law kung may kailangan ako.
"Nevermind, alam ko bored ka," ani ni sister in law na natatawa tapos hinila niya ako. Curious ako sa laman ng stock room at mga dala ni sister in law.
Last na pumunta kami doon nakita ko mga magazine na puro mukha ni Victor at iba doon kina-cut ko tapos kinikeep sa isang kahon.
—
Paguwi ko sa mansion walang Phinea na sumalubong sa akin pagbaba ko ng sasakyan. Nagtaka ako at tinanong ko si dad na nakaupo sa living room at tinanong ko kung nasaan si Phinea.
"Nakita ko siya sinundan si Catherine papunta sa vacant room," sagot ng dad ko. Mukhang nawala na naman sa track ng oras si Phinea anyway buti na lang hindi ko siya tinatawagan kanina. Kasama niya pala si ate. Siyempre dissapointed ako dahil hindi ako sinalubong ni Phinea pero natutuwa naman ako dahil madalas na nito kabonding si ate.
Naglalad na ako paakyat ng hagdan after magpaalam sa dad ko. Binuksan ko ang room namin at bahagya napangiti dahil mas maaliwalas ang normal ang room ko.
May mga gamit doon na iba ang kulay sa theme ng room ko. Naghahalo din ang natural scent namin ni Phinea sa room at nakakarelax.
Napapagod na lumapit ako sa kama at umupo doon. Hinawakan ko ang batok ko at binagsak na lang ang katawan ko sa kama.
Bigla na lang kasi bumigat ang pakiramdam ko ngayon nasa room na ako at inaantok. Naramdaman ko ang pagod at bumigat ang talukap ng mata ko.
Nagising na lang ako ng madilim na tapos may maramdaman ako malamig sa pisngi ko.
Pagmulat ko ng mata nakita ko si Phinea na may hawak na towel at hawak ko ang wrist niya. Agad ko na nabitawan iyon dahil nakita ko na nabigla siya sa ginawa ko.
"Im sorry."
Napaupo ako at nakita ko half naked na ako.
"Ni... Nililinisan kita para mas.. Para mas mahimbing ang tulog mo. Are you okay?"
Fade na tumawa ako sinabi ko na napagod lang ako. Mas mabigat kasi mga ginagawa na scene namin sa inaasahan ko at hindi sanay ang katawan ko.
Even may experience ako iba pa din ang level ng acting ko sa capability na kaya ng katawan ko.
Napatigil ako noong lumuhod si Phinea tapos niyakap ang ulo ko. Nakahilig ako ngayon sa dibdib niya at hinahaplos ang buhok ko.
Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko at paunti-unti nablanko ang utak ko.
"Ginagawa mo ang best mo, Victor. Everything will be fine."
Tama... Ganito ang Phinea na kilala ko. Palagi niya ito ginagawa tuwing nagbibreak down ako at parang magic na kumakalma ako kapag ginagawa niya ito.
Tuwing ginagawa niya ito parang kami lang dalawa sa mundo at sobrang lapit ko sa puso niya. Nararamdaman ko ang paghinga, tunog ng pagtibok ng puso niya at mainit na paghaplos niya.
"May gumagawa ba sa iyo nito? Paano mo naisip na mapapakalma mo ako sa simpleng hug lang?" tanong ko. Napatigil sandali si Phinea. Tumingala ako at doon nagtama ang mata namin na dalawa.
"Tuwing... Tuwing gabi ginagawa mo ito sa akin. I feel... I feel safe and feeling ko close ako sa heart mo."
Napatigil ako noong marinig ko iyon. Tinanong ako ni Phinea kung uncomfortable ako.
Humilig ako ulit at walang gana na umiling. Todo pigil ako sa pagngiti sa idea na ako pala ang una yumakap sa kaniya at niyakap niya.
Noong maging okay na ako napansin ko iyong mga dala ni Phinea na nasa sahig. Kahon iyon na may isang teddy bear na sobrang familiar sa akin at ilang magazine na naman.
"Phinea? Ano ginagawa mo sa mga bagay na iyan?" tanong ko na natatawa at tinuro iyong kahon na nakikita ko mukha ko sa cover.
Nanlaki ang mata ni Phinea at agad na tumayo. Umupo siya sa sahig sa harap ng kahon at itinatago iyon sa akin.
Medyo na curious ako kaya nilapitan ko siya at sinilip kung ano ginagawa niya. Iniwiiwas niya iyon sa akin kaya todo pigil ako sa sarili na tumawa at yakapin sa leeg ang asawa ko.
Para kasi itong bata na nilalayo ang pagkain niya para wala humingi.
"Secret ba iyon?"
Umiling si Phinea its mean wala masyado significance. Natawa na lang ako sa idea na nagiipon siya ng mga bagay na about sa akin at inilalagay iyon sa iisang lugar.
Hinawakan ko ang ulo ni Phinea— napatingin siya sa akin.
"Gusto mo lumabas ngayon? May alam ako na bagong bukas na restaurant at masarap ang pagkain doon," ani ko. Tinanong niya ako kung hindi ba ako pagod.
"You... You look exhausted."
Ipinatong ko ang baba ko sa mga tuhod ko at sinabi na ayos na ako ngayon. Yeah, im fine now dahil nandito si Phinea.
So? Sa ganoon naganap ang midnight date namin ni Phinea. Medyo malamig kaya naman minake sure ko na makapal ang jacket ni Phinea at komportable ito.
"Ako na magdala nito," ani ko at kinuha ang bag na dala ni Phinea. Kinukuha pa iyon sa akin ni Phinea dahil shoulder bag iyon but siyempre hindi ako pumayag.
"Ano... Ano, iiwan ko na lang."
Tumawa lang ako at hinawakan ang kamay niya. Inaya siya palabas ng mansion.
"Bakit mo iiwan? Hindi mo ito dadalhin kung hindi importante ang laman. Ako na ang magdadala," ani ko at lalabas na kami ng pinto nang marinig ko boses ni mom.
Napalingon ako.
"Saan naman kayo pupunta ng ganitong oras?" tanong ng mom ko na nakasuot lang ng pantulog.
"Date mom. Uuwi din kami," natatawa na sambit ko. Naglakad kami palapit kay mom at hinalikan siya sa pisngi.
Naramdaman ko tingin ni Phinea kaya tiningnan ko siya. Lumingon siya kay mom.
"Victor alagaan mo si Phinea okay and mag-ingat kayo," ani ni mom. Natawa na lang ako at sinabi na hindi na kailangan iyon ni mom ibilin.
Napatingin ako kay Phinea noong abutin niya kamay ni mom. Pareho kami ni mom napatitig sa kaniya.
"What is it honey?" tanong ni mom. Medyo nashock si mom noong yakapin din siya ni Phinea at halikan sa pisngi.
"Ba.. Bye mother."
That's a cue inilayo ko si Phinea kay mom noong sabihin nito na huwag na ilabas si Phinea at hayaan si Phinea sa room niya.
"Mom, hindi niyo pwede ikeep asawa ko. She's my wife at midnight date namin ito."
"Ina mo ako Victor at mother in law niya ako. Bukas na kayo magdidate at magstay siya sa room ko."
Hinila ko na si Phinea palayo at natatawa na nagiloveyou kay mom.
"Mom mahal kita pero asawa ko si Phinea its mean akin siya!"
Nababaliw na pamilya ko. Aagawin pa sa akin si Phinea. Tiningnan ko si Phinea na may pagtatakha ang expression na nakatingin sa akin after namin lumabas at maisara ko ang pinto.
"What is it?" tanong ko. Sinabi ni Phinea na ayaw niya maging rude sa mom ko.
"Please, huwag mo na ulit ako itatakbo and... And magpaalam tayo ng maayos."
Napakurap ako and doon hindi ko na maiwasan tumawa. Paanong may ganoon na cute side si Phinea. She's so adorable.
Nagsorry ako at nagpromise na hindi na ulit uulitin iyon. Hindi na ako nagdala ng sasakyan at naglakad na lang kami. Nakasuot ako ng face mask siyempre dahil ayaw ko naman maistorbo date namin ni Phinea.