Chapter 17
Tamang tama dahil halos walang tao noong pumunta sina Phinea at Victor sa bagong bukas na restaurant.
"Good evening sir and ma'am ano ang order niyo?"
Nagbubuklat si Victor ng menu habang si Phinea is tumingin tingin sa paligid. Gusto ni Phinea ang ambiance sa restaurant. Salamin din ang rooftop kaya naman nakikita ni Phinea ang kalangitan doon kapag tumingala siya.
Siyempre sa umaga sarado iyon at kapag gabi lang iyon is binubuksan.
"Phinea, may gusto ka ba kainin?" tanong ni Victor after mahinang katukin ang table sa side ni Phinea para agawin ang atensyon ng babae. Napatingin si Phinea.
May ilang waitress ang napatingin sa table ng dalawa. Ilan sa mga ito kinikilig. Why? Dahil sa mga sweet gesture ni Victor— iyong boses nito at mga tingin kay Phinea.
"Sir girlfriend niyo ba si miss? May event po kasi kami dito at special dish sila para sa mga couples," ani ng waiter. Napatingin si Victor at natatawa sinabi na asawa niya si Phinea. Tinanong kung ano iyong dish ng mga ito at interesado siya.
So? Iyon nga ang iniorder ni Victor para sa kanila after pumayag ni Phinea.
Natawa na lang si Victor after makita iyong mga couple dish na inihanda sa kanila at drinks.
"Gusto mo magtake ng picture?" tanong ni Victor kay Phinea. Hawak kasi ni Phinea ang phone niya at mukhang gusto kuhanan ng picture ang dish.
Tumango si Phinea so hinayaan lang siya ni Victor at hinintay ang babae matapos sa pagkuha ng picture.
'Ang sweet ng guy. Kung boyfriend ko iyan for sure magagalit iyon sa akin,'
'Asawa ko ayaw ng mga ganiyan.'
Sa mga picture ng foods may isang picture doon na kita ang katawan ni Victor. May hawak na drinks ang isa nitong kamay— nakikita ang wedding ring at bracelet.
Nagcut si Phinea ng picture at binuksan ang f*******: account niya. Kahit isang real picture wala siya doon na nilagay either album wala iyon laman pero may million followers siya which is mga readers niya din.
Ginawa niya cover iyong stolen picture ni Victor na nakaupo sa kabilang side ng table na braso lang ang kita at kamay.
Ini off ng babae ang phone niya tapos pag-angat niya ng tingin nakita niya si Victor na kinukuhanan ng picture ang pagkain.
"Kain na tayo?" tanong ni Victor. Nakangiti na tumango si Phinea at nagsimula na kumain.
Inalis ni Victor ang face mask niya noong at nagsimula na din kumain.
"Anyway, baka malate ako bukas ng uwi. After kasi ng taping may aattend-an ako na commercial taping," ani ni Victor. Nakatingin lang naman si Phinea habang sinasabi ni Victor kung about saan iyong commercial. Saan gaganapin tapos kung anong scene gagawin nila bukas for drama.
"Tapos sunod na araw fan signing. Need ko din magprepare doon," dagdag ni Victor tapos sinabi kung ano oras.
Sinabi ni Phinea na sigurado na nakakapagod iyon para kay Victor. Napasimangot si Victor sinabi na sobra.
"You see wala ako pahinga either magbreak time ako dapat 30 minutes lang. Napaka strict pa ng manager ko sa diet ko," ani ni Victor na todo complain kung paano siya awayin ng manager niya.
Nakatitig lang naman si Phinea kay Victor at mga expression nito habang nagkukuwento.
"Lagi mo ginagalingan Victor and iniendure mo lahat. Mahal mo ang pag acting alam ko in future madami din makaka appreciate sa gawa mo at mas madami tao magmamahal sayo," ani ni Phinea. Napatigil si Victor noong marinig iyon. Napangiti na lang ang lalaki kalaunan at tinanong si Phinea kung pati ba siya fan ni Victor.
"You see actor ako? Fan ba kita?" natatawa na tanong ni Victor. Tumango tango si Phinea tapos itinaas isa niyang daliri. Tinitigan iyon ni Victor at tinanong kung ano iyon.
"Number 1 fan ako."
Napatakip ng bibig si Victor at todo pigil na tumawa ng malakas. Bigla niya gusto iuwi si Phinea dahil sa cuteness nito.
Kinabukasan,
Napansin ng manager na naghahumming si Victor habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin. Parang kahapon lang kasi is mukhang wala na ito energy at drain na drained. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang mga actor na nahawakan niya na napunta sa ganoong stage lalo na mga actor na may mabibigat na scene tulad ni Victor.
Medyo naging worried nga ang manager this past few days dahil nga sa mga scene ni Victor at may time pa na nanghingi siya ng day off para kay Victor sa director na agad naman nireject iyon dahil kailangan si Victor sa bawat scene. May hinahabol din sila na deadline at magkakaroon ng conflict sa schedule.
Tumanggi din naman si Victor na magcomply about sa day off dahil nga sa schedule at gusto din nito matapos din agad ang drama.
"Mukhang maganda mood mo ano nangyari?" tanong ng manager. Napatigil si Victor at lumingon. Natutuwa nito sinabi na may bagong fan siya at napakacute 'non.
Kinuwento nito ang date nila ni Phinea at ilang words na binitawan ni Phinea para kay Victor.
"Sweet niya noh?" natatawa na sambit ni Victor. Hindi na lang nagreact ang manager like simpleng comfort words lang naman iyon but—
"Ow well as long as masaya ka," natatawa na sambit ng manager. Natutuwa siya dahil bumalik enthusiasm ng actor niya.
Noong nakalabas na sila ng tent agad sila binati ng mga staff. Nakasuot si Victor ng fit na itim na high neck casual.
Madami sa mga actor doon ang mga napangiwi dahil sa perfect na kurba ng katawan ni Victor at nakuha nito ang porma para sa outfit na iyon.
Bumagay din dito ang tattoo na umabot ang leeg nito. Natutuwa si Rin Quen na sinabing perfect talaga si Victor bilang Arson.
Nagthank you si Victor may Rin at ginulo ang buhok ng babae. Nakasimangot si Rin na tinabig kamay ni Victor at sinabi na itigil iyon.
"Ang tagal mo magbihis. May ilang scene pa tayo need irehearse," ani ni Everen na naglalakad palapit kay Victor.
Agad na inakbayan ni Victor si Everen sinabi na madami siya ikukwento mamaya.
"Sa break time na natin. Makita na naman tayo ni direk na nagtitsismisan habang nagwowork mabigyan na naman tayo ng warning."
Habang nagbabasa ng script si Victor may nginunguya ito na mint stick candy. Ss time kasi na iyon hindi siya pwede magsigarilyo so? Tamang nguya na lang siya ng mint candy para hindi niya mamis ang sigarilyo.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ni Everen habang nakatingin sa script. Kaharap niya sa table si Victor na ngumunguya ng candy.
"May napanood kasi ako sa news about sa guy na pinatay ang misis niya dahil nahuli niya ito na may kasama sa kama."
Napatigil si Everen at tinanong kung ano nakakatawa doon.
"Hinatulan ng kamatayan iyong guy dahil sa pagpatay nito sa misis niya kahit malinaw na may batas din na tinaliwas ang babae. Just wondering ano ba ang purposed ng batas gaano ba kaeffective iyon sa mga tao specially isa din sa mga biktima."
"Patay na ang babae. Ano pa maipapataw sa kaniya na parusa?" ani ni Everen. Pumasok sa isip ni Victor ang dati siya.
Nasa kabilang side siya habang nasa likuran niya si Phinea. Posible ba talaga ang redemption para sa mga katulad nila kahit sa susunod na buhay.
Sunod na scene is kailangan ni Victor magalit at umiyak. Mag-act na nababaliw after malaman ang totoo at makita ang video.
"Give me 2 minutes," ani Victor sa director. Tumango lang ang direktor dahil alam niya mahirap ito ipull out kahit para sa mga hollywood star but in some reason hindi niya maiwasan hindi mag-expect lalo na sa mga ipinakikita ni Victor na performance during taping.
Nanatili nakatayo doon si Everen at nakatingin kay Victor at naghahanda. Hindi siya maaari kainin ng scene ni Victor kailangan niya magstick sa character.
—
Kailangan ko magalit at kahit ano mangyari mapull out ang emosyon ni Arson pero paano? Ano eksaktong naramdaman ni Arson noong malaman niya ang totoo about sa nangyari sa pamilya niya. Umiyak at magalit? How— si Arson iyong character na malakas at hindi magpapakita ng kahinaan. Hindi siya iiyak out of frustration at awa.
Umihip ang malamig na hangin kasabay 'non ang mahinang musika na mukhang nanggaling sa kalayuan. Tama— sikat ang kanta na iyon ngayon at palagi ko naririnig dati sa room ni Phinea.
"Heh tama."
Napangiti ako ng mapait. Nakuha ko na— bahagya ko inangat ang tingin ko at tiningnan si Everen.
"Gusto mo sumuko ako?"
Paano ko nakalimutan ang eksaktong emosyon na naramdaman ko noong mawala si Phinea. Iyong pakiramdam na sinasakal ka ng sarili mong emosyon at hindi mo alam kung kanino ka magagalit. Sinasabi ng utak mo na hindi mo iyon kasalanan pero taliwas iyon sa nararamdaman mo dahil sa kawalan ng pag-asa.
"Ano ba ginawa ko mali, Jude? Mga kriminal din ang mga pinatay ko. Marami sila pinatay na tao at halang ang mga kaluluwa ng mga tao na iyon," mapait na sambit ko at tiningnan si Everen na puno ng pagkadismaya.
"Arson, may batas tayo. Itigil mo na ang kalokohan na ito at sumama ka na sa akin. Sumuko ka na. Hahanap ako ng magaling na lawyer para sa iyo," ani ni Everen at sinubukan lumapit ngunit umatras ako.
Sa likod ko is iyong sobrang baba na part ng stage.
Sinubukan ni Jude tumulong at ilang beses niya pinotrektahan si Arson sa paniniwala na ititigil nito ang ginagawa.
Mapait ako na ngumiti at nanlilisik ang mata na tiningnan si Everen.
"Mabuti ka na kaibigan Jude— palagi mo ako pinoprotektahan at hinihila ako sa tamang landas. But sorry— huli na ang lahat Jude at alam ko na kahit kailan hindi mo ako maiintindihan. Hindi mo ako maililigtas sa impiyerno na ito."
'Itutok niyo ang camera kay Victor.'
Ginive up ko ang lahat at career ko pati ang sense of reasoning ko after mawala ni Phinea. Sinisi ko ang diyos, nagalit ako sa parents ko at sinisi sila dahil hindi nila binantayan si Phinea.
Nagalit ako kay Phinea noong nakita ko siya sa panaginip ko at sinabing napakaunfair niya. Bakit niya iyon ginawa sa akin?
But at the end of the day— wala akong ibang sinisi kung hindi ang sarili ko. Mula sa pagiging mahina, walang kwenta at duwag.
Naramdaman ko ang luha mula sa isa kong mata at tumulo iyon sa pisngi ko.
"Hindi mo alam ang pakiramdam ng mawalan ng pamilya. Iyong mapanaginipan araw araw ang kapatid mo na umiiyak at nagmamakaawa na iligtas sila. Habang iyong mga tao na gumawa 'non sa kanila ay nagpagala-gala pa at ang batas na sinasabi mo ay tuluyan na tinalikuran ang kaso bakit? Dahil walang nakakita at madami silang pera?"
"Pero mali pa din ang ginagawa mo! Ano ang pinagkaiba mo sa mga hayop na iyon kung pati ikaw pumapatay ng tao!" sigaw ni Everen. Natawa ako at bahagya sinuklay ang buhok ko. Tinitigan ko si Everen at puno ng galit ang expression na tinitigan siya.
"Hindi sila mga tao Jude! Hindi sila tao!"
Noong nahulog ako at bumagsak sa comforter na nasa ibaba ng platform ilang minuto ako nakahiga doon at hindi gumalaw.
Hindi nagbabago ang t***k ng puso ko at nanatili doon ang emosyon ko during taping.
Pero bilang actor at professional need ko iset aside iyon at pinakagawin ang best ko. Ngumiti lang ako at inabot ang kamay ni Everen na inaabot sa akin kanina.
Dinalahan ako ng tubig ng ilang staff at tinanong ako ni Rin kung ayos lang ako.
"Ayos lang ako. Kailangan ko lang ng dalawa or tatlong minuto para magprepare for next scene,"ani ko. Humingi ako ng kaunting break at iniwan sila doon dala ang tubig.
Noong makalabas ako ng tent may mga fans ang sumisigaw ng name ko. Napatingin ako at bahagya sila na nginitian. Madami sa kanila ang tumili at nagsabi ng i love you.
Kung hindi lang ako medyo exhausted lumapit ako at binigyan sila ng autograph.
Napatigil ako noong may isa sa mga fans ang nakaagaw ng pansin ko. How? Paano ko makakalimutan ang feature ng sarili kong asawa.
May hawak ito na banner at may hawak na payong. Kahit natatakpan ng payong ang mukha nito alam ko na si Phinea ito.
Inilagay ko iyong bottled water sa lamesa at lumapit. Tinawag ako ng manager ko ngunit hindi ko siya pinansin.
Ano ginagawa dito ni Phinea? Gusto ko icheck kung si Phinea nga ito. Madami sa fans ang agad ako pinalibutan tapos gusto ng autograph siyempre pinagbigyan ko sila while kumukuha ng tingin sa babae na inangat ang tingin.
Shoot si Phinea nga. Todo pigil ako na lapitan siya noong tumingin siya sa akin at may hawak na banner. Nasa likod niya si ate na nakadisguise at todo cheer sa akin.
"Pa... Pahingi ako autograph sir."
Todo pigil ako na mapangiti at yakapin si Phinea na inaabot sa akin ang pictures ko. Pasimple ko pinasadahan ng daliri ko ang palad ni Phinea na bahagya napatingin sa akin.
"Thank you," bulong ko at ibinalik iyon sa kaniya.
"Victor!"
Lumapit ang manager ko at sinasabi na kailangan na namin bumalik sa set para sa next scene. Bigla ko gusto umuwi.
Tiningnan ko si Phinea na nasa harapan ko at nakatingin sa akin. Kinaladkad ako ni manager palayo at hindi inalis tingin kay Phinea na sinusundan ako ng tingin.
Maya-maya tumunog phone ko na nasa pocket ko kaya kinuha ko iyon.
'Hintayin kita matapos ang work mo.'
Paano ko nakalimutan na ito ang reason bakit halos mabaliw ako noong mawala si Phinea. Kahit hindi ko sabihin alam ni Phinea kung kailan ako down at kung kailan kailangan ko siya.