We were all waiting for tita Alena and tito Lance na makababa kaya nagpunta na kami lahat sa malawak at magarbong dining area ng penthouse para doon sila hintayin. Magkatabi kami ni Troy at kaharap naman namin sina Archer at Margo. Nakapagitna si Troy sa amin ni Celeste. Sakto namang dumating si Markus na tumabi sa kanyang kuya Archer. Tig-tatlo kaming magkakaharap habang hinihintay namin ang mag-asawa na uupo sa magkabilaang head ng sopistikadang mesa. May isa pang bakante sa tabi ko at sakto namang dumating na rin si Josh. “Good evening everyone!” bungad nito nang makalapit sa kanyang pwesto sa tabi ko sabay upo. “Saan ka galing?” tanong ni Troy sa kanya. Sumandal si Josh at tila relaxed na relaxed doon. “Somewhere, bro. Naghanap pa ako ng sapatos. This will be my last day here k