“Archer, don’t be stubborn,” wika ni Troy. Archer looked at him with coldness at hindi siya pinansin. “Uuwi na ako,” I decided. Madali akong bumaba sa classic na hagdan mula sa garden papunta sa malawak na garahe. “Beige!” tawag ni Troy ngunit hindi ko na siya pinansin. Nagmadali akong pumasok sa kotse ko at pinaandar yon. Sa kalagitnaan ng byahe ko ay nag-ring ang phone ko. Tumatawag si ate Rose kaya sinagot ko yon. “Ate Rose, bakit?” “Beige, lumabas kami ni Marco. Naaawa ako sa anak mo gustong magpunta sa zoo. Pasensya ka na, ha? Huwag ka sanang magalit,” ani ate Rose. “Okay lang, ate. Pauwi na rin naman ako. Samahan ko na lang kayo diyan,” sambit ko. “Nako! Ang ano kasi, secret lang daw namin ni Marco na lumabas kami. Ayaw niyang mag-alala ka sa kanya.” Napangiti ako sa sinabi n