“Hurry, baka makita tayo nila Marco at ate Rose na nasa iisang kwarto,” ngiwi ko kay Archer nang mapatayo ako at ayusin ang suot kong dress. Archer chuckled. “Too late. Nandito na sila sa loob ng bahay, makikita at makikita nila ang paglabas natin sa kwarto mo.” Nakatagilid siya at nakatungkod ang isang palad niya sa side ng mukha niya. Tumingin ako sa pinto at madaling pumunta doon. I pursed my lips and closed my eyes as I slowly locked the door. Natatawa naman si Archer sa akin dahil ayokong marinig ni Marco at ate Rose ang pag-lock ko ng pinto. Nagpunta ako kaagad sa harapan ni Archer. “Anong tinatawa-tawa mo diyan?” saway ko na pabulong. “Tumayo ka na diyan. Baka kumatok si Marco,” dagdag ko pa. Umiiling lamang sa akin si Archer habang nakangiti at saka na siya tumayo at nanlaki a