If Beige is trying to hurt my feelings, panalo siya. I didn’t dare to say anything to Julian. “Whatever. Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin?” naiinis kong tanong sa kabilang linya. “Sinasabi ko lang. Honestly, hindi ko rin yon inasahan. Sino naman ako para i-decline ang alok niya. I’d be more than happy.” “Wala akong pakialam. Magsaya ka kung gusto mo. I’ll hung up now. Bye.” Hindi ko na hinayaang magsalita pa si Julian dahil pinatay ko na ang tawag. Naalala kong hindi ko pa pala nasasabi kay dad ang tungkol kay Margo. I stood up and went out of my room. Usually, nasa study room siya ng ganitong oras. May kaba man sa dibdib ko ay hindi ko ininda. I went straight to the study room at kumatok sa pinto. “Dad, are you there? Can I come in?” tanong ko. “Yes, come in,” sagot nito mu