Hindi na ako nakabalik sa hotel kung saan kami dapat mag-lunch date ni Beige. Pagkatapos kasi naming pag-usapan ni Julian ang pagdating ni Margo ay umaksyon na kaagad kami sa pagbabago ng organizational chart. Sumakit ang ulo ko dahil sa stress na idinulot sa akin ni Margo. Nakakahiya rin sa parte ni Julian dahil alam ko kung ilang taon niyang dinedicate ang sarili niya sa kumpanya. Umabot kami ng five pm pero hindi pa rin kami tapos sa planong pagpapahirap kay Margo sa trabaho bilang bagong COO. I want her to feel how stressful and draining her position is when she ascends. Habang naglalakad ako sa basement ng AA Group papunta sa sasakyan ko ay doon ko binuksan ang phone ko. There’s no text nor call from Beige. Napatikhim ako. I expected na tatadtarin niya ako ng mga yon ngunit ni isang