“As far as I know wala akong asawa, Julian. Paalisin niyo ang babae na yan! Baka napag-utusan yan ng competitors natin,” galit na sambit ko sa taong kausap ko sa kabilang linya. “She’s making a scene here. Hindi na dapat ako bababa pero hindi siya maawat ng mga guards. Nasaan ka ba? Come here immediately!” ani Julian. Hindi ako nakasagot kaagad. I cannot leave. Papunta na si Beige. I have been waiting for this day of my life. “Try to talk to her and tell her nicely that she’s trespassing at kung hindi siya aalis ay tatawag kayo ng pulis.” I did my best to sound as calm as I could. “See? Easy.” “What if I tell you she’s holding legal papers saying you two are married?” What the— “Are you talking about Margo?!” hindi makapaniwalang sambit ko. Napatayo pa ako mula sa pagkakaupo ko sa