I wasn’t able to focus on my work after my brief meeting with Beige. Napahilamos ako sa mukha ko at tumulala sa monitor ng computer sa harapan ko. Pilit kong ibinabalik ang momentum ko sa trabaho ngunit hindi ko magawa. Sa huli, hinayaan ko na lang ang sarili ko na maglaro sa phone ko. I need to clear my mind or else buong araw akong tititig sa monitor ko. Picture ni Beige ang naka-display doon. In-upload ko doon para mas malaki. I couldn’t help but to stare at her beauty. I have never seen anyone who is as attractive and hot as her. There are other hot girls out there, but her personality adds spice to her being. Tinapos ko na lang sa huli ang nakayanan kong tapusin. Matapos ang trabaho, I went back to the penthouse. Napapansin na ni mom ang madalas kong pag-uwi doon. Iniiba ko na lang