Beige Del Rio “Kumusta ang meeting?” tanong ni madam nang buksan ako ang malaking pinto ng malaking bahay niya. Naroon siya sa hagdan, saktong pababa siya nang makauwi ako. Sa kanyang bahay na dapat kami titira ni Marco pero mas pinili kong tumira kami ulit doon sa unit. Kapag wala si madam sa bahay, dito kami natutulog ni Marco. Ngayon ay bumisita lamang ako dahil kailangan kong mag-report sa kanya. “Okay naman, madame Lily. May konting pagbabanta nga lang mula kay Margo,” wika ko nang tuluyan akong makapasok. Itinuro ni madam ang sala at nagtuloy kaming pareho doon. Umupo kami na magkaharap. Madam sat down and leaned to the armrest na parang guest siya sa isang talkshow. She crossed her legs diagonally to match the pose. She’s very poise, classy, and expensive kahit nasa bahay lang