Mabilis na dumaan ang tatlong buwan at nasanay na ako sa routine ko sa trabaho dahil sa paglipat ko sa HR office at ang pagiging COO ni Margo. That woman started to make my job a living hell in the last three months. Karamihan sa mga accepted na applications sa akin for final interview ay binabalik muli sa akin ng HR head dahil hindi nilagdaan ni Margo ang mga yon. She wanted me to interview more applicants tapos ire-reject niya niya ulit. Nagtitimpi lang ako sa ginagawa niya ngunit nitong huli ay napatid na ang pisi ko. Out of two hundred applicants in those three months tatlo lang ang tinanggap niya. Ang nakakapagtaka pa roon ay pinarinig niya pa sa akin na walang ibang susundan ang tatlong yon kundi siya. And those three new employees are under the finance department. “Beige, I’m sor