Matapos kong gawin ang mga dapat kong tapusin sa trabaho ay balak ko sanang puntahan si Archer sa office niya para banggitin sa kanya ang nalaman kong masamang plano ni Margo. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko siya naabutan dahil maaga pala itong umalis. Sa pagsundo ko kay Marco ay siya namang panay tawag ko sa phone number niya ngunit hindi rin ito sumasagot. Marahil ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin kaya ayaw itong sagutin. Mas lalo akong nag-aalala sa kanya dahil ang asawa niya mismo ang mambabagsak sa kanya. Sa huli ay tinawagan ko na lang si Julian nang makauwi kami ni Marco sa unit. Hinayaan ko munang maglaro si Marco habang ako naman ay naupo sa sala. Mabilis na sinagot ni Julian ang tawag ko. “Beige, what’s up?” tanong nito. “Julian, you won’t believe kung an