Kabanata 6

2062 Words
"Sigurado ka bang gusto mong mamasyal muna bago bumalik ng Manila?" Tanong ko kay Kydel. Katatapos lang naming mag-almusal nang sabihin niya sa aking gusto niyang maglibot. "Oo nga," sagot niya habang nagsusuot ng sapatos. "Makailang ulit mo nang naitanong iyan sa akin, Yuki. Sasamahan mo ba ako o hindi?" Napapangiwing naupo ako sa couch. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. "Ang totoo, wala talaga akong alam dito sa Laguna. I grew up in Manila with Brook. Tuwing bakasyon lang talaga ako umuuwi kay Mama at Papa. At sa mga panahong iyon, palagi lang akong nasa bahay." Iniwas ko ang aking tingin nang makita ko ang bahagyang pagngisi ni Kydel. Saglit siyang nagpakawala ng malalim na paghinga. "Let's have a joyride, then. Maybe we can find some amazing places while driving." Wala akong nagawa kundi ang tumango. Ganoon na lang nga siguro ang gagawin namin. Mabuti na rin iyon. Kung wala kaming mapapasyalan, eh 'di uuwi na lang kami. I'll invite him to go with me at the mall. Ililibre ko na lang siya ng kung anong gusto niya. Nang matapos sa pag-aayos ng mga gamit ay kaagad na kaming nagcheck out ni Kydel. Napansin kong ngiting-ngiti ang receptionist ng hotel. Mukhang may maruruming bagay ang naglalaro sa isipan nito. "That's one weird of a smile." Sabi ko pagkalabas namin ng hotel. "What?" Salubong ang kilay na tanong ni Kydel habang papalapit kami sa kotse niya. Umiling na lamang ako bilang sagot. Baka kung ano ring isipin ni Kydel kapag sinabi ko sa kaniya ang kung anong napansin ko sa babaeng receptionist. Ilang sandali lamang ay nagmamaneho na si Kydel. Seryoso ang tingin niya sa kalsada habang ako naman ay abala sa pagbrowse ng kung anu-ano sa aking cellphone. Natigil lamang ako nang tumunog iyon. It was Brooklyn. "Good morning, Yuki Annalise!" Malakas nitong sabi dahilan para ilayo ko ng kaunti ang cellphone sa aking tainga. "Bakit ka tumawag?" "Well, may nakapagsabi sa aking ikakasal ka na! Hindi ba effective iyong pagpapanggap ni'yo ni Kuya Ky?" Hindi ko napigilan ang mapakamot sa noo. May hinuha na kaagad akong si Delancee ang nagsabi kay Brooklyn ng tungkol doon. At nakalimutan yata ng gaga na banggitin ang pangalan ni Kydel. "Si Kydel ang kasama ko, gaga." Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Kydel. Mabilis ko siyang sinulyapan. Tinaasan niya lamang ako ng dalawang kilay. Napapabuntong-hiningang pinindot ko ang loud speaker ng aking cellphone. God, bakit ba parang uto-uto ako pagdating kay Kydel? "Oo, alam kong kasama mo si Kuya Ky. Pero Yuki, ipaliwanag mo sa akin kung bakit ikakasal ka pa rin?" Pagpupumilit ni Brooklyn. "I'm marrying your best friend, Brook." Nakangising sagot ni Kydel. Napailing na lamang ako. Saglit na katahimikan ang namayani. Maya-maya lamang ay isang tili ang pinakawalan ni Brooklyn. Pareho kaming napangiwi ni Kydel dahil doon. Mukhang ngayon lang yata naprocess nang maayos ni Brooklyn ang mga sinabi ni Kydel. "Oh my God! I knew it! Baliw talaga ang Delancee na iyon. Anyway, binanggit niya rin sa akin na magkasama kayo sa kuwarto ni Kuya Ky. Wala yata iyon sa pinag-usapan natin kahapon." Isang mariing pag-ungol ang pinakawalan ko. Ang daming tanong ni Brooklyn! Hindi ko yata matatakasan ang mga tanong na iyon. Kung hindi kasi ako sasagot ngayon, natitiyak kong uulanin pa rin ako ng tanong pag-uwi ko. "Saka na ako magpapaliwanag, Brook. Pag-uwi namin ni Kydel, sasagutin ko lahat ng tanong mo," sabi ko na lamang para hindi na ito mangulit. "Okay," sagot ni Brooklyn na ikinangiti ko nang lihim. "By the way, nakita ko si Yona na kumakatok sa pinto ng condo ni Kuya Ky. Magkakilala ba silang dalawa?" Tila nabato ako sa aking kinauupuan. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Pigil din ang aking paghinga. s**t! Bakit nga ba nawala sa isipan ko ang tungkol doon? Si Kydel nga pala nang lalaking kinahuhumalingan ng kapatid ko. "Yona? Kapatid mo iyon, 'di ba?" Salubong ang kilay na tanong ni Kydel. Tipid akong tumango bilang sagot. Iniisip ko pa rin kung anong sasabihin kay Yona. Alam na kaya nito ang tungkol sa amin ni Kydel? Paano ako magpapaliwanag? Wait—bakit ba kinakabahan ako? Kung tutuusin wala namang namamagitan sa aming dalawa ni Kydel. What we're doing is for a show. Pagpapanggap lang. "Hey, there's a park." Narinig kong sabi ni Kydel kaya napatingin ako sa kaniya. "Uh, Brook, saka na ulit kayo mag-usap ni Yuki. Kakain lang kami." Dagdag pa niya. Kaagad na pumayag si Brooklyn. Nang matapos ang tawag ay agad na inihinto ni Kydel ang kotse sa gilid ng kalsada. Inilibot ko ang tingin. May malaking park sa kanan. Sa kaliwa naman ay isang fastfood restaurant. "Hintayin mo ako rito." Mabilis na sabi ni Kydel bago lumabas ng kotse. Hindi na ako nakapagtanong kung saan siya pupunta. Napapabuntong-hiningang itinuon ko na lamang ang tingin sa mga batang naglalaro sa park. Maya-maya lamang ay dumating si Kydel na may dalang isang paper bag ng pagkain mula sa fastfood restaurant na nasa tapat. Niyaya niya akong lumabas ng kotse at maupo sa berdeng damuhan. Muli niya akong pinaghintay roon. Kinuha niya pa kasi ang kaniyang jacket. Pagkatapos ay inilatag niya iyon para may maupuan daw ako. Medyo basa kasi ang d**o. Abala na kami sa pagkain nang may isang lalaking tumigil sa aming tapat. Sabay na umangat ang tingin namin ni Kydel sa lalaki. Napansin ko ang camera na hawak nito. Kumunot ang noo ko. Lalo na nang makita ang kasama nitong isa pang lalaki na hawak ang cellphone at tila kinukunan kami ng video. "Hi! I'm Clarence. I'm a photographer." "I can see that," masungit na sabi ni Kydel. Pasimple ko siyang kinurot sa likod. Bakit ba bigla siyang nagsusungit? An awkward smile was plastered on the man's face. Ganoon pa man nagpatuloy ito sa pagkausap sa amin. "Well, I'm sorry for disturbing you guys. Pero, napansin ko kasing perfect kayo para sa project na ginagawa ko." "What project?" Tanong ni Kydel. Hindi pa rin nagbabago ang tono ng kaniyang boses. "Uh, we're looking for a couple to do some poses for our magazine. We're from Glamour." Glamour? Hindi ba't isang international company iyon? Purong mga sikat na modelo ang nagiging cover ng Glamour. Sa naisip ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Ganoon pa man, hindi pa rin nawawala ang excitement na nararamdaman ko. "We're not interested." Seryosong sabi ni Kydel kaya naman mabilis na nabaling ang tingin ko sa kaniya. Tila wala lang na sinulyapan niya ako bago sumimsim sa root beer na nasa kamay niya. Napapakagat sa labing tiningnan kong muli ang lalaki at ang kasama nito. "I'm sorry, I think—." "Are you sure? I mean, it would be a great experience if—." "I said, we...are...not...interested." Matigas na sabi ni Kydel na ikinakabog ng dibdib ko. Hindi naman siya mukhang galit. Kaya lang ay nakakatakot ang tono ng pananalita niya. Dahilan para manahimik na lamang ako. Walang nagawa ang dalawang lalaki kundi ang umalis. Bago tuluyang nawala ang mga ito sa paningin ko'y napansin ko pa ang matalim na pagsulyap sa amin ng lalaking may hawak ng cellphone. Mukhang nainis ito sa inasal ni Kydel. "Hindi mo na dapat tinakot yung dalawa. Nagmagandang-loob naman sila—." "They're fake." Kumunot ang noo ko. "Huh?" "Hindi sila parte ng Glamour." Sagot niya bago muling sumimsim sa hawak na root beer. "Paano mo namang nasabi na fake sila?" Takang tanong ko. Paano nga ba niya nalaman? Unless naging model siya sa Australia at naging katrabaho ang mga staff sa Glamour. Maniniwala ako kung iyon ang isasagot niya sa akin. "I was once a cover of Glamour. And I don't think they are from that company. Also, he said it was 'his' project. He didn't say it was 'their' project." Muntik na akong mabilaukan sa kinakaing burger nang marinig ko ang inaasahang sagot mula kay Kydel. So, naging modelo nga siya sa Australia? Kunsabagay, gwapo naman siya. Iyon nga lang, bakit hindi ko yata alam iyon? O baka naman may ilang magazine ang Glamour na exclusive lang sa Australia? "Sa tingin ko posibleng hindi ka nila nakatrabaho noon. Isa pa, malaking kompaniya ang Glamour. Posible ring hindi nila alam na naging cover ka ng magazine nila." "Excuse me? I was their first model. They should at least know the name, Kydel Shaun." "Woah, wait, sabi ko nga malaki ang kompaniya nila. Ibig sabihin marami silang empleyadong hindi mo nakakasalamuha. Don't expect them to—." "You're right. Malaking kompaniya ang Glamour. At dahil iyon sa pangalang Kydel Shaun Castro at sa mukha kong ito." Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Kydel. I was waiting for him to say that he was joking. Pero lumipas ang ilang minutong tahimik lamang siya habang nakatitig sa akin. Bumukas-sara ang bibig ko. Saglit akong uminom ng mineral water bago siya muling pinagmasdan. "You're kidding, right?" "You know, you can google it, if you want." May ngisi sa mga labing sabi niya sa akin. Saglit akong nag-alangan. Baka inuuto na naman kasi ako ni Kydel. "Silly. I'm telling you the truth." Dahil doon ay napilitan akong abutin ang aking cellphone. Itinipa ko ang pangalan ni Kydel sa search box. At ganoon na lamang ang kabog na naramdaman ko nang makita ang description sa ibaba. Nagsasabi nga siya ng totoo. Kydel Shaun Castro. The face of Glamour in the year 2xxx. He's the nephew of Ryte Castro; the CEO of Glamour. His face was the reason why Glamour is one of the most popular fashion company in Australia. At the age of fifteen, Kydel landed at the fifth place for the most rich teenagers—ilan lamang iyon sa binasa ko. Hindi ko na tinapos dahil nakita ko na rin naman ang hinahanap kong kasagutan. "I stopped modeling when I met Trisha." Sabi niyang ikinatigil ko sa pag-scroll sa cellphone. Nanatili akong tahimik. Wala naman akong alam na pwedeng sabihin. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa pagitan nila. "Nasa kontratang pinirmahan ko na bawal magkaroon ng relasyon ang parehong modelo ng Glamour." Pagpapatuloy ni Kydel. "I loved her. Nagawa kong putulin ang kontrata para sa kaniya. I was willing to pay for breaching my contract. Pero dahil uncle ko ang CEO, hindi niya tinanggap. Bilang bayad, pinilit niya akong magtrabaho sa isa sa mga bagong tayong coffee shop ng kompaniya." Kydel cleared his throat. "Trisha cheated on me. Umuwi siya ng Pilipinas para magbakasyon. Noong bumalik siya ay napansin ko nang may nag-iba sa kaniya. Everytime we had s*x—." Saglit na tumigil si Kydel. Tumingin siya sa mukha kong unti-unti nang namumula. Well, expected ko na dapat na hindi na bago ang bagay na iyon sa katulad niyang lumaki sa liberated na bansa. Muli siyang tumikhim. "Maraming nagbago sa kaniya. And the last time we did that, she mentioned a name. A man's name. Hindi ko masyadong naintindihan ang pangalang binanggit niya. Pero isa ang malinaw sa akin. She's not mine anymore. Pag-aari na siya ng iba." Napakamot na lamang ako sa noo nang matapos si Kydel sa pagsasalita. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. Hindi ko naman kasi inaasahang magkukuwento siya ng tungkol sa ex-girlfriend niyang girlfriend na ngayon ng kapatid ko. At saka, bakit ba napunta roon ang pinag-uusapan namin? "Are you done eating?" Tanong niyang ikinakislot ko. Hindi ko napansing nakatitig na pala siya ng mataman sa akin. Nakakahiya dahil mukhang lumilipad ang diwa ko habang ginagawa niya iyon. Marahan akong tumango. "Y-Yes." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Kydel. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay. Ramdam ko ang tila mga paru-parong nagrarambulan sa aking tiyan. Malakas din ang kabog ng aking dibdib. "You're pretty when you blushes." Sabi niya bago bumaba ang tingin sa aking mga labi. "I like your natural red lips." "Thanks," tangi kong nasabi dahil lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko. "Last night, I asked for a kiss." Sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. "Pero hindi mo ako pinagbigyan." "M-Malamang! Wala pang isang buwan tayong magkakilala tapos papahalik na kaagad ako sayo?" "Ganoon ba? Sige, tatandaan ko ang araw na ito. So today is June 13. Sa July 13—eksaktong isang buwan, I'll kiss you." "What? Hey, I—." "With or without your permission, I'm going to kiss you, Yuki." Napakagat na lamang ulit ako sa aking labi. Sana makalimutan niya ang tungkol sa mga pinag-usapan namin pagdating ng July.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD