Inis na inilapag ni Yuki ang hawak na libro nang hindi niya na matiis ang pagtitig ko sa kaniya.
"Stop staring at me!" Mariin niyang sabi na ikinangisi ko.
"I can't help it. You're pretty."
"Kydel, stop. Pinagtitinginan na tayo. Hindi ka ba nahihiya?" Sabi pa niyang bahagyang namula ang mga pisngi. Napansin ko ang paglinga-linga niya sa paligid. Nasa library kami. Lunch break. Pero imbes na sa cafeteria ang tungo ko, sinundan ko si Yuki habang papunta rito. Tatapusin niya raw ang librong binabasa niya.
"Bakit naman ako mahihiya? May nakakahiya ba sa pagbabantay sayo?" Tanong kong nilakihan pa ang pagngisi. Nagugustuhan ko ang pamumula ng mga pisngi ni Yuki.
"Okay, fine. Walang nakakahiya sa ginagawa mo. Pero naiilang ako. Hindi ko tuloy matapos-tapos itong binabasa ko." Napapalabi niyang sabi.
My jaw clenched. I shifted my gaze away from her lips. Oh God, please tell Yuki to let me kiss her.
Inabala ko ang sarili sa pagbuklat ng ilang libro sa harap ni Yuki. I cleared my throat. "Ano ba iyang binabasa mo?"
"Codename Series." I don't know anything about that book. But it sounds interesting.
"Maganda?"
"Of course! Babasahin ko ba kung hindi?" Sagot niya bago ako tinapunan ng nakamamatay na irap. Damn. That was hot.
"Ang sungit mo yata ngayong araw. Mayroon ka ba?"
Natigilan si Yuki sa naging tanong ko. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Maya-maya lamang ay tumaas ang kamay niyang may hawak na libro. Hindi ko napaghandaan ang pagtama niyon sa aking ulo.
"Stupid Kydel! Ipagsigawan mo na lang kaya."
"Ms. Sebastian, Mr. Castro!"
Sabay kaming napalingon ni Yuki sa librarian na masama ang tingin sa table namin. Alanganin akong ngumiti at humingi ng pasensiya. Nang umiwas na ito ng tingin ay muli kong hinarap si Yuki. Abala na naman siya sa pagbabasa ng libro.
"Hey, let's have lunch. Malapit na matapos ang lunch break." Sabi kong ikinabuntong-hininga ni Yuki. Nagbabawas ba siya ng timbang kaya ayaw niyang kumain? O ayaw niyang kasama ako sa pagpunta sa cafeteria?
"I'm not hungry, Kydel."
"You're lying," sabi kong muli niyang ikinabuntong-hininga. "Let's go, Yuki. Ililibre naman kita. Ano ba'ng gusto mo?"
An evil smile formed in her lips. Mali yata ang itinanong ko.
"Ililibre mo ako? Sure ka?"
"Gusto mo lang pala ng libre." Marahan kong pinitik ang noo ni Yuki bago ako tumayo. "Tara na, baka magbago pa ang isip ko."
"Oh, sana ganiyan ka palagi." She giggles. Hindi ko napigilan ang mapangiti. She's cute.
"Ako ba, ililibre mo rin?" Tanong ng isang boses sa likuran ko.
Marahan ang ginawa kong paglingon sa taong iyon. Isang ngisi ang kumawala sa aking mga labi nang makita ko si Brooklyn. May kasama itong lalaki na matamang nakatitig sa akin.
"Sure, malakas ka sa akin, 'di ba?"
Malaki ang ngiting yumakap sa akin si Brooklyn. Dahilan para sumama ang tingin sa akin ng lalaking kasama nito. He looks familiar. Parang nakita ko na, pero hindi ko maalala.
"Oh, by the way, this is Kuya Kenoz." Pagpapakilala ni Brooklyn sa lalaking kasama.
Marahang pagtango ang ginawa ko. Pagkatapos niyon ay nakangiting inilahad ko ang aking kamay. "Kydel."
"I know," seryoso nitong sabi bago lumingon kay Yuki na nasa likod ko. Mahigit siguro sa sampung segundong nakatitig lamang ito kay Yuki. Pagkatapos niyon ay saka lamang nito inabot ang kamay ko. "It's nice to finally meet you, Kydel."
Oh, it's him. Yuki's friend. He's one of that unique circle of friends that Yuki have.
We went to the school cafeteria and like what I promised to Yuki, I treated her for lunch. Medyo late na nga kami. I think ten minutes na lang ay magsisimula na ang klase. But it's okay, at least kami na lamang apat ang nasa cafeteria, of course except for the staff.
I had fun talking with Kenoz. We had a lot of things in common. Masaya siyang kasama. And I'm starting to like the idea of us being friends. Sa tingin ko'y hindi na ako mahihirapan pang mag-adjust.
"So, available ka this weekend? It's my mom's birthday." Nakangiting sabi ni Kenoz habang naglalakad na kami sa mahabang hallway.
I looked at Brooklyn. I promised to have dinner with her parents. Ngayon, hindi ko alam ang uunahin. "I'll think about it. Tatawag na lang ako kapag free ako ngayong weekend."
"Alright," mabilis na sagot ni Kenoz bago ako tinapik sa balikat.
I smiled. Is it weird to feel happy because of a guy? Well I am not a gay, that's for sure. It's just that, I am really happy to finally meet other people; new faces, actually. And I think, Kenoz is a genuine guy. He's cool. Honestly, he might be the first guy I'll consider my best friend.
After school, I went to the supermarket. I need to buy some stuff to fill my fridge and pantry. Take-out's kinda unhealthy. Marunong naman akong magluto. So, I'm planning to eat my breakfasts and dinners in my condo. Habang sa school naman ako kakain ng lunch. I also bought some snacks. Kung sakali mang pupunta si Lock para maglaro, may makakain kami.
"It's you!"
It was a loud voice that almost break my eardrums. A girl standing behind me was smiling from ear to ear. She was holding a basket full of chocolate and unhealthy snacks. There's also a bottle of a Korean alcohol and a pack of Yakult.
"Me?" I asked. My eyebrows furrowed.
The girl nodded. "Yes! You're the guy from the airport."
"I don't understand..." I'm confused. I don't know her.
Her lips pouted. "You don't remember me?"
Obviously, I don't. Bilang lamang sa kamay ang mga kakilala ko rito. Isa pa, wala akong panahon makipagkilala sa mga babae. Well, except for Yuki and her girl friends.
Hindi ko na pinansin pa ang babae. Nagmamadaling tinungo ko ang counter. Pagkatapos kong mabayaran ang lahat ng pinamili ko'y kaagad na rin akong umalis. I don't have time for the lady who kept staring at me. Damn it!
—
"He's a snob! Hindi man lang ako nginitian!" Nakalabing sabi ni Yuna bago pasalampak na naupo sa sofa.
Kararating lang nito galing sa supermarket. Bumili kasi ng babaunin sa camping nila. Hindi ko alam kung bakit parang masama ang loob nito.
"Your crush?" Don't tell it was Kydel? Nabanggit na nito sa akin last time na si Kydel nga ang lalaking dinambahan ni Yeoja sa airport. Mukhang hindi nga ito nakilala ni Kydel at ang masama pa'y nasungitan pa ito.
"Hindi ko na siya crush simula ngayon. I hate snob guys. Lilipat na lang ako kay Sir Tim."
Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata. "Yuna!" Malakas kong sabi. Hindi ko gusto ang ganoong usapin. Alam kong may mga taong doon nagsimula ang pagmamahalan, pero nakakatakot sumugal. Ayaw kong masaktan si Yuna. Ayaw kong maranasan nito ang mga naranasan ni Tita Dalha.
"Crush lang naman, ate."
Napabuntong-hiningang tumango na lamang ako. "Sige na, mag-asikaso ka na ng mga dadalhin mo bukas."
Nang makapasok si Yuna sa kuwarto nito'y kaagad kong hinarap ang naudlot kong paglilinis ng dining table. Habang abala sa paglilinis ay nahagip ng tingin ko ang isang paper bag sa kitchen counter. Galing iyon kay Tita Shan. Bigay nito sa akin nang minsang pumunta ang pamilya nito sa Thailand.
Pagkatapos kong maglinis ay kaagad kong kinuha ang paper bag. Sa loob niyon ay nakita ko ang ilang souvenirs. Bigla akong napangiti. Pero dagli rin iyong napalis nang dumaan sa isipan ko si Kydel. Napapakunot ang noong tinitigan ko ang pangalan ni Tita Shan sa card na kasama ng mga souvenir.
Should I tell them about their son? Should I let them know where he is?
Napabuntong-hiningang napasandal ako sa counter. Siguro'y sasabihin ko na lamang this weekend, tutal panigurado namang dadalo ang mga ito sa birthday ni Tita Elle.
—
Ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa harap ng salamin. Ilang beses ko na ring sinipat ang make-up ko. Pero hindi pa rin ako palagay sa aking ayos. Hindi ako sanay sa make-up na inilagay sa akin ni Brooklyn. Hindi naman sa hindi ko gusto. Ang problema lang kasi'y nagmukha akong matanda. Ngayon nga'y pinagtatawanan ako ni Delancee.
"Sabi ko naman kasi sa'yo light make-up lang," pagrereklamo ko. Nakangusong kinuha ko ang wipes sa gilid. Walang pasabing pinahid ko iyon sa aking mukha.
"Aba, hindi nga ako marunong diba?" Natatawang sabi ni Brooklyn sabay abot sa akin ng face towel. "Let's just put some powder and lip gloss. Wala naman sigurong pupuna sa ganoong ayos natin."
"Yeah right," napapangisi pa ring wika ni Delancee.
I'm wearing a black dress. I'm a little uncomfortable kasi naman hapiy na hapit ang damit sa aking katawan. Kitang-kita rin ang buo kong likuran. It's chilling outside, pero wala akong magagawa. Sa lahat kasi ng damit na sinukat ko kanina, ito lang ang medyo modest sa harap. Actually suggestion ni Delancee na ito ang suotin ko. Para maiba naman raw.
Nang matapos sa pag-aayos ng sarili ay kaagad na kaming lumabas ng kuwarto ni Delancee. Sa garden gaganapin ang birthday party ni Tita Elle.
Pagkalabas pa lang namin ay sumalubong na kaagad sa amin ang ingay ng mga nagkakasiyahang bisita. Kakaunti lang naman ang mga dumalo, purong kakilala at kaibigan lang ni Tita. Nagpapasalamat ako dahil doon, hindi kasi ako sanay na makisalamuha sa mga tao.
"Hey, how's your day?"
A man wearing a black suit greeted me. Bumagay sa kaniya ang ayos na iyon. Mas lalong nadepina ang kaniyang kagandahang lalaki. Ang gwapo.
I almost slapped my mouth. Naisip ko ba talaga iyon?
"Hindi tayo nagkita buong araw, I kinda miss you."
I snorted. "Shut up."
Napapailing na inilahad ni Kydel ang kaniyang kamay sa harap ko. "Let's go to our table, my fiancee."
I rolled my eyes. "Stop teasing me."
"I'm not teasing you."
Wala akong nagawa kundi mapailing, baka hindi kami matapos ni Kydel sa pagsasagutan kapag hindi tumigil ang isa.
Habang nasa table ay inilibot ko ang tingin. Hinahanap ko si Tita Shan. Balak kong sabihin na rito ang tungkol kay Kydel.
Ilang sandali lamang ay napansin ko ang pagdating ni Brooklyn at ang bunso nitong kapatid. Tatayo na sana ako para lapitan ang mga ito nang biglang hinawakan ni Kydel ang aking kamay. Mahigpit iyon. Kaagad ko siyang nilingon. He wasn't looking at me. Nakatitig siya sa kaniyang cellphone. He's reading a text message.
"My parents..." he said in a husky voice.
"Your parents?"
"My real parents," titig na titig pa rin sa cellphone na sabi ni Kydel. "I hired a private investigator to look for them. He texted me, saying my parents are in Pagudpod. I need to go there."
Nanlaki ang mga mata ko. "What?!"
"I need to go to Pagudpod, and you're coming with me."
"We can't do that."
"Why?" Bakas ang pagkalito sa mukha ni Kydel.
"You're parents are he—."
Kyde's phone rang. He immediately answered it. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Nang matapos ang tawag ay kaagad niya akong hinarap. "Please, I need to see them."
"But your parents are—."
"Wala na akong oras, Yuki. I need to see them. Aalis na sila papuntang New York next week. Please, come with me."
Wala akong nagawa kundi ang pumayag. He showed me a picture of Tita Shan and Tito Lawrence na nasa Pagudpod nga.
Saglit kong nilingon si Brooklyn. Baka kaya si Brook lang ang nandito at ang bunso nitong kapatid ay dahil nga sa wala si Tita at Tito.
"Kydel, malayo ang Pagudpod."
"I don't care," sabi niya. "I'll call the school tomorrow magpapaalam ako."
"Let's just call Tito Brick. Papayag yun kapag sinabi mo ang rason kung bakit hindi tayo papasok." Suggestion ko.
Hindi ko alam na aalis sila Tita Shan at Tito Law. Wala naman kasing nababanggit si Brooklyn sa akin. Wala naman sigurong masama kung sasamahan ko si Kydel. Ito na rin ang tulong ko. Kapag nagkita na siya at ang kaniyang mga magulang saka ko na lang sasabihin ang nalalaman ko.