Kabanata 9

2285 Words
Panaka-naka kong tinatapunan ng tingin si Kydel na seryosong nagmamaneho pabalik ng Manila. We failed our mission to meet his parents. Kaya naman heto kami, bigong babalik sa Manila. I suggested to tell Brooklyn everything pero ayaw munang sabihin ni Kydel. Naiinis ako sa bagay na iyon. Come to think of it, mas mapapadali kung sasabihin niya kay Brooklyn ang lahat. Brook can actually call their parents and tell them "hey guys, I found Kuya, he's living at mom's old pad". Madali lang namang sabihin ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit pinapahirapan pa ni Kydel ang kaniyang sarili. I heaved a deep sigh. I couldn't understand why he's doing this to himself. If only I have contacts to his parents ako na mismo ang magsasabi. "You know you can tell me what's running on your mind right now. You don't need to sigh so many times just to tell me you're upset." Komento ni Kydel nang muli na naman akong nagpakawala ng buntong-hininga. I rolled my eyes and crossed my arms. Tiningnan ko siya nang mataman. "I'm trying to control myself because any minute now, I'm really gonna snap your neck." Kydel chuckled. He slowed down from driving before looking at me. "So, you're really upset? Why?" Again, I rolled my eyes and took my phone out of my bag. I dialed Brook's number and gave it to Kydel. "Tell Brook everything, Kydel." "I said—." Kaagad kong binawi ang cellphone at pinatay ang tawag. "Okay, I won't force—wait, are you sure this is the way back to Manila?" Tanong ko nang mapansin ang hindi pamilyar na daan. Alas-kuwatro kami ng hapon umalis kanina sa Pagudpod. Ngayon ay magdidilim na, at hindi ko alam kung tama pa ba ang dinadaan ng sasakyan ni Kydel. This isn't the same road we took yesterday. Alam kong hindi pareho ang daan dahil gising ako buong biyahe kahapon. "Uh, I don't know. I just followed whatever the Google map told me." Sagot ni Kydel na siyang dahilan ng paghilamos ko ng mga kamay sa aking mukha. Now what? We're in the middle of nowhere. Madilim na at mukhang wala pang gasoline station sa mismong daan na tinatahak ng kotse ni Kydel. Kaagad kong hinagilap ang cellphone ni Kydel. Tiningnan ko ang directions sa Google map na nasa screen. Lalo akong nakaramdam ng inis nang makitang imbes na ang daan papunta sa Bangui ang aming tahakin ay dinala kami ni Google sa Claveria. "We're running out of gas." Komento ni Kydel. "f**k," I said before tossing his phone on his lap. "Relax, may kasunod na bayan naman tayong dadaanan. We can stay there until tomorrow morning." Sabi ni Kydel na tila ba pinipilit niyang maging positibo ang tingin ko sa insidenteng ito. "You don't understand, Ky. Matatagalan tayo sa biyahe. Kung sa Bangui tayo dumaan 9 hours nasa Manila na tayo. Pero dito, sa Claveria, almost 12 hours." Inis kong sabi. Kung sa ibang pagkakataon ay ayos lang sa akin ang matagal na biyahe. Kaya lamang ay may tatapusin pa kasi akong mga output na kailangan kong ipasa bukas. Hindi pwedeng hindi ko iyon maipasa dahil last chance ko na iyon para makasama muli as Dean's Lister. "Don't worry, Yuki. Makakauwi tayo ng buo. I'll treat you tomorrow. You can tell me everything you want and I'll buy it for you. Just relax and fasten your seatbelt dahil bibilisan ko na ang pagmamaneho." Wala akong nagawa kundi tapunan ng nakamamatay na irap si Kydel. As if naman madadaan niya ako sa mga sinasabi niya. Kahit madilim na ay pinilit ko ang sariling busugin ang mga mata ng mga nadadaanan naming tanawin. I was busy taking pictures when I noticed dark clouds are starting to spread above us. Kaagad kong itinago ang aking cellphone nang walang anu-ano'y kumidlat, pagkatapos niyon ay sumunod ang malakas na dagundong ng kulog. "s**t!" Malakas kong sabi matapos kong tumili nang pagkalakas-lakas. Narinig ko ang walang tigil na pagtawa ni Kydel. He was all red while glancing at me. "I'm sorry, I couldn't help it." Kydel said, forcing himself to stop laughing at me. Unti-unting pumatak ang ulan. Mahina iyon sa umpisa hanggang sa lumakas na nang lumakas. Ilang pagkulog at kidlat na rin ang nagpagulat sa akin. Kaya naman wala akong ibang magawa kundi ang isiksik ang sarili sa aking kinauupuan. Maya-maya lamang ay naramdaman ko ang pagbagal ng usad ng sasakyan. Tiningnan ko si Kydel at nakita ko ang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. "Oh, please no." Napapailing kong sabi. "Oh, yes," sabi ni Kydel habang tumatango. "Wala na tayong gas." Lumabas si Kydel ng kotse. Suot niya ang kaniyang hoodie na siyang naging pandong niya sa malakas na ulan. Nakita ko siyang tumakbo sa unahan kung saan may isang kubo. He's talking to an old couple. Sa tabi ng kubo ay isang lumang pick-up. Ang likod niyon ay may kargang mga basket ng gulay. "They said it'll take us thirty minutes before we reach the town where we can load for gas." Sabi ni Kydel nang makabalik siya sa kotse. Napansin kong basang-basa na siya. Kaya naman wala sa sariling inabot ko ang tissue sa dashboard ng sasakyan at pinunasan ang kaniyang mukha. "I don't want you to push this freaking car all the way there. Baka kung ano pang mangyari sa'yo." Well, hindi ako marunong magmaneho, kaya naman wala akong mapagpipilian kundi ang itulak ang sasakyan kung sakaling iutos iyon sa akin ni Kydel. "Maghintay na lang siguro tayo na tumila ang—." Natigil ako sa pagsasalita nang walang pasubaling hinubad ni Kydel ang suot na hoodie at ang white shirt niya. Parehong nabasa kasi ang mga iyon. "Yeah, that's what I thought too," sabi niyang hindi ako nililingon. Abala siya sa pag-abot ng kaniyang bag sa backseat. Matapos maisuot ni Kydel ang isang itim na t-shirt ay saka naman niya inihagis ang mga basa niyang damit sa likod. Huminga siya ng malalim bago ako tiningnan. Akma siyang magsasalita nang may kumatok sa bintana ng kotse. "Mga anak, baka gusto niyong sumabay sa amin. Delikado sa daang ito tuwing gabi." Sabi ng matandang lalaki mula sa labas. "Kung gusto niyo ay hihilahin ko ang koste niyo hanggang sa bahay. Mukhang hindi pa titila ang ulan ngayong gabi." Napatingin ako kay Kydel. Awtomatikong napahawak ako sa kamay niya. He squeezed my hand and looked at me. "It's fine, hindi naman sila mukhang masama." Hindi ko alam kung ano bang pag-iisip mayroon ang mga taong lumaki sa labas ng Pilipinas. They don't have the sense of danger at tila ba isang adventure ang mga ganitong pangyayari. Marahang pagtawa ang pinakawalan ng matanda sa labas. "Huwag kayong mag-alala, hindi kami masamang tao." Sabi nito bago inilahad sa amin ang isang I.D. Surprisingly the old man is a teacher. Dahil roon ay nakahinga ako nang maluwag. Mukhang ako ang may deperensya. I'm quick to judge people. "I'm sorry," nahihiya kong sabi na ikinatango lamang ng matanda. Ilang sandali lamang ay hila-hila na ng pick-up ng mag-asawa ang kotse ni Kydel. Nabawasan ang kaba ko, kaya hinayaan ko nang sumandal ang aking likod sa aking upuan. Kasunod niyon ay pumikit ako. "Hanggang anong oras mo hahawakan ang kamay ko?" Bigla akong napamulat nang marinig ang tanong ni Kydel. I was about to pull my hand, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Kydel, let my hand go." "I don't want to," sabi niya bago ako tiningnan. "Fine, whatever." Sa tantiya ko ay halos isang oras rin ang itinagal ng aming biyahe bago kami tumigil sa harap ng isang gate na gawa sa kawayan. Malakas pa rin ang ulan, pero tila wala lang iyon sa mag-asawa. Lumabas ang mga ito sa pick-up at magkatulong na binuksan ang gate. Ilang minuto lamang ay nasa loob na kami ng bakuran. "Bumaba na kayo riyan at pumasok sa loob nang makapaghapunan na tayo." Anyaya sa amin ng matandang babae. Saglit kaming nagkatinginan ni Kydel bago namin napagpasyahang lumabas. Dala ang aming mga gamit ay pumasok kami sa hindi kalakihang bahay. Maaliwalas ang loob niyon at mula sa kinatatayuan namin ay naaamoy namin ang kapeng nagmumula sa isang takure na nakasalang sa kalan. "Lolo Andeng, Lola Belen, nariyan na pala kayo. Inabutan na kayo ng ulan. Maupo muna kayo at ipagsasalin ko kayo ng—." "Hi," alanganin kong bati sa batang natigilan nang makita kaming dalawa ni Kydel. Mabilis ang naging kilos ng bata. Tumakbo ito papasok sa isang kuwarto. Napangiwi na lamang ako nang makita ang pagsilip nito sa nakaawang na pinto. "Pagpasensyahan ni'yo na si Carlo, mahiyain talaga ang batang iyon. Isa pa'y bihirang tumanggap ng panauhin ang aming tahanan." Mahabang sabi sa amin ng matandang babae na napag-alaman naming Belen ang pangalan dahil sa pagtawag dito ng batang si Carlo. "Ilapag ni'yo na iyang mga gamit ni'yo sa papag na nasa kabilang silid. Pagkatapos ay magpalit na kayo ng mga damit at dumiretso sa hapag." Hindi ko napigilan ang mapalunok. Sumunod na lamang ako kay Kydel nang hilahin niya ako sa kuwartong itinuro ni Lolo Andeng. Maliit lamang ang kuwarto. Maliit rin ang papag pero kasya naman kami ni Kydel kung hindi kami gagalaw kapag matutulog. "Tumalikod ka," utos ko kay Kydel pagkatapos kong kumuha ng isang t-shirt sa aking bag. Kydel smirked, he even crossed his arms. "Oh, I want to see you naked, wife." "What the—wife? What the f**k are you talking about?" Mahina pero mariin kong sabi. Saglit na umiling si Kydel bago hinubad ang nabasa na naman nitong t-shirt. "They obviously thought that we're in a relationship. Hindi ako magtataka kung iniisip nilang mag-asawa tayo." Ngali-ngali kong batukan si Kydel nang ihagis niya sa mukha ko ang hinubad niyang t-shirt. Inis na kinuha ko iyon nang mahulog sa sahig. "Whatever! Get out." I heard him chuckled before leaving the room. Nakahinga lamang ako nang maluwag ilang minuto matapos lumabas ni Kydel. Kaagad akong nagpalit ng damit. Pagkatapos niyon ay inayos ko ang mga basang damit na hinubad namin ni Kydel. Inilagay ko ang mga iyon sa hanger na nakita ko isang basket na nasa gilid at pagkatapos ay isinabit ko sa bintanang nakabukas. Hindi naman iyon abot ng ulan dahil may mahabang bubong na pumapandong sa harap ng bintana. Isa pa'y may grills din ang bintana kaya hindi ako namumroblema kung liparin man ang mga damit namin. Nang masigurado ko nang maayos ang lahat ay saka lamang ako lumabas ng kuwarto. Naratnan ko sa hapag si Lola Belen, si Carlo at Kydel. Wala si Lolo Andeng. Ang sabi ni Lola Belen ay lumabas ito saglit para kumuha ng dahon ng kangkong na ilalagay sa sinigang na hipon. "Maupo ka na, hija at magkape. Maya-maya lamang ay maghahapunan na tayo." Sabi ni Lola Belen na sinagot ko ng tango. Napansin kong abala si Kydel sa pakikipag-usap kay Carlo habang nakatingin silang pareho sa cellphone. Para bang may ipinapaliwanag si Kydel kay Carlo na kung ano mula sa cellphone niya. Hindi nga ako nagkamali, dahil bago ako naupo ay nahagip ng tingin ko ang isang gaming application na nakabukas. "Sit down first. We can play for at least five minutes. Hindi tayo pwedeng maglaro habang kumakain." Naulinigan kong sabi ni Kydel na siyang sinagot naman ng ngiti ni Carlo. Isang ngiti ang aking pinakawalan nang ilapag ni Lola Belen ang isang tasa ng kape sa aking harapan. Atubili pa akong hawakan ang tasa dahil sa nakita kong basag sa gilid niyon. I gulped and forced myself to take a sip. "It's good, right?" Sabi sa akin ni Kydel bago ako siniko. "I can go for another cup kung hindi lang tayo maghahapunan ngayon." Dagdag pa niya bago humigop ng kape. I watched Kydel. Hindi ko napigilan ang matulala. He's drinking on a stainless mug. Napansin ko ang kinakalawang na hawakan ng tasa, pero ganoon pa man hindi ko pinigilan si Kydel. It's not because I don't want him to notice the rusty handle of his cup. I know he already saw it. I just didn't tell him because I can see he's enjoying his coffee. And he's right, because it's good. Katulad niya ay gugustuhin ko ring humingi pa ng isang tasa ng kape, kaya lang kakain na kami maya-maya lamang. Hindi ko napansin ang pagkurba ng aking mga labi. Hindi ko na sana iyon mapapansin kong hindi lamang sinabi sa akin ni Lola Belen. "Ganiyan na ganiyan din ako kay Andeng noon. Tingnan mo, hanggang ngayon magkasama pa rin kami." Sabi ni Lola Belen bago ito tumalikod para ilagay ang kangkong na dala ni Lolo Andeng. Muli akong napangiti bago inubos ang kape sa aking tasa. Pasimple kong sinulyapan si Kydel, busy pa rin siya sa pakikipaglaro kay Carlo. Hindi ko matandaan kung nasabi ko na bang gwapo siya. But, yeah, he's handsome. Well, his parents are beautiful, kaya hindi na nakakapagtaka na gwapo rin si Kydel. "Yuki," Bigla akong napakurap nang makitang nakatitig na sa akin si Kydel at Carlo. "Yes?" "Baka matunaw ako," nakangising wika ni Kydel bago kinurot ang pisngi ko. "You're so in love with me, huh." Imbes na mainis na siyang mukhang inaasahan ni Kydel, ay matamis na ngiti ang pinakawalan ko. "Sana nga matunaw ka. Nakakapika kasi iyang pagmumukha mo." Malakas na tawanan ang pinakawalan ng tatlo. Iiling-iling na tumawa na lang rin si Kydel bago ako ipinagsandok ng kanin. "Lagot ka sa akin mamaya." Bulong niya bago ako hinalikan sa pisngi. Hindi na ako nakasagot dahil nagyaya na si Lolo Andeng na manalangin bago kumain. Kaya naman ayaw ko man ay pinilit kong burahin sa isip ang balak na pagsakal kay Kydel. Anong ako ang lagot? Siya ang lagot sa akin dahil sa lapag ko siya papatulugin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD