Kabanata 14

1998 Words
Tahimik na pinagmasdan ko ang paghampas ng hangin sa mga dahon ng punong mangga sa harap namin ni Kenoz. I was trying to distract myself—not wanting to think of Kydel because it’s making me scared of the fact that we’re not allowed to be together. Nakakalungkot dahil alam ko sa sarili kong masaya ako kapag nariyan si Kydel. I heaved a deep sigh. I was about to leave when I heard Kenoz cleared his throat. Napalingon ako rito habang nakakunot ang noo. Kenoz was also staring at the tree in front. Sa tingin ko pa lamang sa mukha ni Kenoz alam ko na kaagad ang ekspresyong naglalaro sa mukha nito. He’s thinking. There’s confusion in his eyes. Para bang nakasalalay sa kung anong iniisip nito ang kaligayahan. “What’s wrong?” I asked. Marahang ibinaba ni Kenoz ang tingin sa maberdeng d**o sa harap namin. A small smile formed on his lips. “Don’t you think it’s unfair?” Mabilis na nagsalubong ang aking mga kilay. “What do you mean?” “The agreement,” sagot ni Kenoz bago tumayo. Ipinasok nito saglit ang mga kamay sa bulsa ng suot na pantalon bago muling humarap sa akin. “Susundin mo ba ang agreement na ‘yun kahit alam mong ang kapalit ay ang kaligayahan mo?” Hindi ko alam kung bakit nasasabi iyon ni Kenoz. Ito ang unang beses na naging seryoso ito sa ganoong usapan. Nakakapanibago, pero may punto naman ito. Bakit nga ba kailangan kong isakripisyo ang kaligayahan ko sa isang bagay na alam kong mababalewala rin naman sa huli. It’s only an agreement na nabuo sa loob ng pagkakaibigan namin. Hindi ba’t kung susuwayin namin iyon ay wala naman kaming batas na lalabagin? Iyon nga lamang ay mababahiran ng galit at disappointment ang pagkakaibigan naming lahat. I don’t want that to happen. Pagak na tawa ang pinakawalan ko bago tumayo at marahang humawak sa braso ni Kenoz. Niyakag ko ito palayo sa bench na kinauupuan naming dalawa. “Alam mo Kenoz, sundin ko man o hindi ang kasunduang yun sa grupo natin, masaya pa rin naman ako,” mahaba kong sabi habang napapangiti. “Ang tanong, ikaw ba? Magiging masaya ka ba kung sisikilin mo ‘yang namumuong damdamin diyan sa dibdib mo?” Ramdam ko ang biglang paninigas ni Kenoz. I knew it. Hindi naman talaga para sa akin ang sinabi nito kanina. Para iyon sa sarili nito. I just don’t know who’s who. Sa tagal nang hindi pagsagot ni Kenoz ay hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng malakas na pagtawa. I just caught him off guard. Bihirang mangyari iyon lalo na sa isang katulad nitong bilang lamang ang pagkakamaling nagagawa. Kenoz tried to hide his blushing face by scratching his nose. Saglit lamang ay hindi na rin nito napigilan ang pagtawa. Mabilis nitong inabot ang ulo ko at walang pasabing ginulo ang aking buhok. “So, who’s the lucky girl?” Malaking ngisi ang kumawala sa mga labi ni Kenoz. Pagkatapos niyon ay inilapit nito ang bibig sa aking tainga. Ramdam ko ang pagdampi ng mainit nitong hininga sa aking balat, ganoon pa man hindi ko na lamang binigyan ng pansin. Mas nakatuon ang atensiyon ko sa kung anong ibubulong nito. “Your sister.” Halos walang boses na sabi ni Kenoz bago ako iniwang tila nabato sa kinatatayuan. “My what?” Mahina kong sabi sabay tingin sa papalayong si Kenoz. Parang itinulos ang mga paaa ko. Kenoz Vergara’s in love with Yona? My sister? That brat? Paanong nangyari iyon? Malayo ang agwat ng edad nila. And besides, hindi naman palaging nagkikita ang mga ito maliban na lang kapag may okasyon. “Kenoz!” Malakas kong sabi bago sumunod rito. Tatakbo na sana ako para maabutan ito nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kydel’s calling. Wala sana akong balak na sagutin ang tawag niya kaya lang ay tila hindi yata titigil sa pagtunog ang aking cellphone. “Where the hell are you?” May riin at pag-aalala sa tinig ni Kydel. “I’ve been waiting for you, Yuki.” Gustuhin ko mang sabihin kay Kydel kung nasaan ako, hindi ko magawa dahil napipigilan ako ng isiping baka bigla itong sumulpot at dalhin ako sa family dinner ng mga ito. It’s not that I’m assuming things, but Kydel is very unpredictable. I know he’ll do things people don’t expect him to do. Sa maiksing panahon na nagkasama kami sa Norte ay hindi ko ipagkakailang nagkaroon ako ng pagkakataong makilala siya. He’s like an open book, yet there are still special chapters available to the author. “I’m sorry Kydel, hindi ako makakapunta. Hindi ba nasabi sa’yo ni Brooklyn na may lakad kami ni Kenoz?” Bigla ang pagtahimik sa kabilang linya. Pawang malalalim na buntong-hininga ang naririnig ko. Tila ba ipinararating niyon na naiinis siya sa kung anong nasabi ko. “Where are you?” He asked once again. This time, may kalakip na panganib sa tinig niya. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago tinanaw ang ginagawa ni Kenoz na paglalatag ng mga pagkaing nabili sa isang table na nasa ilalim ng mayabong na puno. “Somewhere in Batangas,” sagot ko. “I’m going there,” malamaig niyang sabi na ikinakunot ng noo ko. “What do you mean you’re going here?” May kaba sa tinig na sabi ko. “Kydel may family dinner—.” “I’m going there right now..” Pinal niyang sabi bago pinutol ang tawag. Hindi ko mapigilan ang mapanganga. Kaagad akong lumapit sa kinaroroonan ni Kenoz. Nang makarating ay mabilis kong ininom ang tubig na nasa bote. I needed water, dahil mukhang natuyo ang lalamunan ko sa sinabi ni Kydel. “Anong nangyayari sa’yo?” Tanong ni Kenoz sabay upo sa upuang nasa harap ko. Saglit akong huminga ng malalim bago inihilamos ang mga kamay sa aking mukha. “He’s coming here.” Kunot ang noong inabot ni Kenoz ang burger na nasa harap nito. “Who?” “Kydel,” sagot ko na nagpatigil sa pagkagat ni Kenoz sa hawak na pagkain. “He called me.” Malakas na halakhak ang pinakawalan ni Kenoz. Pagkatapos niyon ay tila walang nangyaring ipinagpatuloy nito ang pagkain. “He must be crazy.” “He is crazy,” mahina kong sabi bago pinilit na iwaksi sa isipan ang mga bagay tungkol kay Kydel. Sinimulan ko na lang din ang kumain at nakipagkwentuhan ng kung ano-ano kay Kenoz. - “Where are you going?” Tanong na nagpahinto sa paglalakad ko palabas ng dining hall. “Hindi pa tapos ang dinner. Nagyayaya pa ang daddy mo na magkape sa garden.” Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko. napapakamot sa batok na hinarap ko si Mom. Bakas sa mukha nito ang nagbabadyang pag-aalala. “I’m going to Batangas, Mom.” “Why?” “I’m going to get Yuki. I invited her for dinner pero hindi niya sinabi na hindi siya pupunta, and when I called her she said she’s in Batangas.” "Yuki?" Mom asked with a slight frown on her face. "Yuki Sebastian?" Marahan akong tumango bilang sagot. I hope she's not like other mom na ayaw sa babaeng gusto ng mga anak nila. I love Yuki, and whatever people are going to say, wala na akong pakialam. "Alright, I'll tell your dad you left. Drive carefully, honey." Nakangiting sabi ni Mom bago ako hinalikan sa noo. "Dalhin mo siya rito next time, matagal ko nang hindi nakikita ang batang iyon." Matapos akong ihatid ni Mommy sa parking kung saan nakaparada ang aking kotse ay kaagad na akong umalis. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng ngiti sa aking mga labi dahil sa mga sinabi nito. Oh I love to tell Yuki about it. Hindi naman matagal ang biyahe, or maybe hindi ko lang napansing matagal akong nagmamaneho dahil sa excitement na nararamdaman ko na makita si Yuki. Ilang oras matapos ang biyahe ay nasa Batangas na ako. Lahat ng resort at hotel ay inisa-isa kong puntahan ngunit walang Yuki ang naka-check-in. And then someone told me that there's a resort that is almost hidden from tourists. Iilang tao lamang na tagarito lang din sa Batangas ang nakakaalam. It's already eleven in the evening. Pagkatapos kong magpark ng sasakyan ay kaagad akong kumuha ng cabin. I also asked the receptionist kung may Yuki Sebastian na nasa guest list; hindi naman ako binigo nito. Kaya naman abot langit ang aking ngiti nang makita ang pangalan ni Yuki at ang pangalan ni Kenoz na nasa log book. "What the hell are they doing here?" I asked myself while I was on my way to my cabin. Natutuwa akong malaman na narito si Yuki, pero sa kaalamang narito rin si Kenoz kasama niya ay ibang bagay na iyon. I could punch him in his face if ever he laid a finger on my Yuki. Saglit ko lamang na tiningnan ang loob ng cabin ko. Pagkatapos niyon ay saka ko sinimulang hanapin si Yuki. God, I'll kiss her once I see her. "Sigurado ka bang aalis ka na?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Nahinto ako sa paglalakad. Tumingin ako sa restaurant na nasa gilid ko. It's an open restaurant, walang dingding ang paligid nito kaya naman malaya kong nakikita ang mga taong naroroon. "I have to, tumawag si Dad." Sagot ni Kenoz na ngayon ay papatayo na sa kinauupuan nito. "Do you really want to stay here?" She's staying, that's good. "Yeah," sagot ni Yuki bago sumimsim sa iniinom nito. "Madali lang naman ang sakayan pabalik ng Manila so I think I'll be fine." No sweetie, you won't be going home alone. I saw how a smirk formed on Kenoz's lips. "Of course you'll be fine. Hindi ba't sinabi mong pupunta si Kydel rito? If only I didn't need to go home I'd love to see how your face turned red when you see him." "Shut up, Kenoz." Inis na wika ni Yuki bago hinalikan sa pisngi ang kaibigan. Pagkatapos niyon ay umalis na ito habang si Yuki naman ay nakaupo pa rin sa table. Nakalagay ang kaniyang mga kamay sa magkabila niyang pisngi. I waited for five minutes before approaching here. Pagkatapat ko sa table niya ay napansin kong ang pagkagat niya sa kaniyang pang-ibabang labi. Inihilamos niya rin ang mga kamay sa kaniyang mukha. I smirked. Tahimik akong naupo sa upuang iniwan ni Kenoz. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tahimik na nakatingin lamang kay Yuki. Pinagmamasdan ko lang ang kaniyang mukha. Ilang sandali lamang ay tumingin na siya sa akin. "You're really crazy," she said. "You made me crazy for you." Napansin ko ang pagbuka ng kaniyang bibig pero wala siyang ano mang sinabi. She frowned for a second, and then a smile formed on her lips. I want to kiss those lips. "What do you want, Kydel?" Tanong ni Yuki bago tumayo para umalis. Sinundan ko siya papunta sa dalampasigan. "I want you. I'm serious, Yuki." I said before grabbing her hand. "I really want you." "Ky—." I didn't let her finish whatever she's going to say. I grabbed her arm and pulled her closer to me. My other hand went to the back of her head. I brushed my lips against hers. "Don't you like me, Yuki?" Nakita ko pag-aalala sa kaniyang mukha. I know she wanted to say something, pero para bang may kung anong pumipigil sa kaniya. I want to know what those things are. I want her to tell me everything. "I like you, but—." I claimed her lips again. This time it was deep. I pulled myself an inch away from her, "I'll take the first three words, sweetie. I don't f*****g care about the rest you wanted to say." "Kydel—." Muli'y hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Kaagad kong sinakop ang kaniyang mga labi. I missed her lips, her kisses. I missed being inside her. And I f*****g want to take her right here, right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD