Kabanata 15

1980 Words
The kiss was so passionate and deep. Pakiramdam ko nga'y mapupugto ang aking paghinga. I breathe heavily when he lets go of my lips. "Kydel," He rests his forehead on mine. "Mom wants to see you," sabi niya habang magkadikit ang tungki ng aming mga ilong. I can feel his minty breath. Bahagya akong lumayo kay Kydel. Pinagmasdan kong maigi ang kaniyang mukha. There's something in his eyes that I don't know what to call. Para bang pinaghalo-halong emosyon. "You told her about me?" Tanong ko habang inililipat ang tingin sa dagat. Saglit akong pumikit nang biglang humangin nang malakas. I hugged myself as the wind was cold and it's making me shiver down my spine. "Why not?" Halos pabulong na sabi ni Kydel bago ako niyakap mula sa likuran. "I like you, at ramdam kong ganoon ka rin sa akin. Kung tutuusin, I can consider us as in a relationship." "Kydel, hindi pwede," mahina kong sabi. Balak ko sanang kumawala sa yakap ni Kydel mula sa likuran ko kaya lang ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakalingkis ng mga braso niya sa aking baywang. Rinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na paghinga. Pagkatapos niyon ay saglit akong napaigtad nang dumampi ang kaniyang mga labi sa nakahantad kong balikat. Sa ginawa niyang iyon ay para akong nakaramdam ng kung anong namumuo sa aking dibdib pababa sa aking tiyan. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking mga pisngi at pagtatayuan ng buhok sa aking batok. Gustuhin ko mang suwayin si Kydel ay hindi ko magawa dahil hindi sangayon ang aking katawan sa dinidikta ng aking isipan. I want this. I want him. "I don't know why you're pushing me away. Maayos naman tayo nitong mga nakaraang araw, and then suddenly you're acting like this." Seryoso ang tinig na sabi ni Kydel na ikinalaki ng mga mata ko. "Tell me what's wrong, baka sakaling maintindihan ko." Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang dahilan. Ayaw kong masira ang friendship namin ni Brooklyn. Ayaw kong isipin nila na wala akong pagpapahalaga sa pagkakaibigan namin. Siguro ay kakausapin ko na lang muna si Brooklyn. Dahil sa hindi ko agarang pagsagot ay nagulat na lamang ako nang iharap ako ni Kydel sa kaniya. Sinapo niya ang aking mukha at tinitigang maigi sa mga mata. "I'm serious, Yuki. I like you and I want us to form a relationship that would bind our forever." Nanlaki bigla ang mga mata ko. How could he have that kind of thought? Hindi ko inaasahang ganoon ang kaniyang iniisip para sa aming dalawa. Akala ko'y simpleng atraksyon lang ang nararamdaman niya para sa akin. "I can't tell you right now. Pero kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, sasabihin ko sa'yo kapag okay na ang lahat." A small smile formed in his lips. He kissed my forehead before wrapping his arms around me. "I understand, Yuki." Tumagal kami sa ganoong posisyon; magkayakap sa dalampasigan, hindi alintana ang malamig na hanging panggabi, lalo na ang mga matang nakatingin sa amin. I would've glared at them if I wanted to, I just ignored it because I can feel that Kydel doesn't give a damn to them. Para pa ngang gusto niya ang atensyon ng mga taong nasa paligid. Nasa twenty minutes marahil bago kumalas si Kydel sa pagkakayakap sa akin. Tiningnan niya ako at marahan niyang inabot ang buhok na tumatabing sa aking mukha dahil sa malakas na hangin. "I think we should get back in our villas now. Masyado nang malamig ang simoy ng hangin, baka sipunin tayo." Sabi ni Kydel habang bumababa ang kamay niya para hawakan ang kamay ko. Napangiti na lang ako bago tumango. Malamig na nga, at kung magtatagal pa kami sa labas ay baka tuluyan nang manginig ang kalamnan ko. Tahimik kaming naglakad ni Kydel sa hanay ng mga paupahang villa. Karamihan ay may mga ilaw tanda na may mga umuukopa rito. Tumitingin-tingin lang kami ni Kydel, tahimik, nakikiramdam sa kung sino ang unang magsasalita. Nasa dulong bahagi ng resort ang villa na inuupahan ko. Actually, Kenoz was the one who rented it. Pero dahil umalis na nga ito kanina ay ako na lang mag-isa ang gagamit. Unless wala pang narerentahan si Kydel. Nang tumapat na kami sa villa ko ay hinarap ko na si Kydel na matamang nakatingin sa akin. Pansin ko ang ekspresyong naglalaro sa kaniyang mukha. Para bang ayaw niyang maghiwalay kami ngayong gabi; na ayaw niyang matapos ang gabing ito na magkahiwalay kaming matutulog. I smiled for the thought of him pouting and complaining about that. "So, this is your villa," sabi niyang inililibot ang tingin sa villa na tutuluyan ko. Marahan akong tumango, "yes." Ginaya ni Kydel ang ginawa kong pagtango. He puts his hands in his pockets and watched me. Kaya hindi ko napigilan ang mapakunot ng noo. He was just standing there, watching me, as if memorizing my whole being. Pagak na pagtawa ang pinakawalan ko bago pinagsalikop ang mga braso. "Why are you staring at me like that?" His brow arched. He smirked. "Did it make you feel uncomfortable?" "No," mabilis kong sagot bago pinaghiwalay ang mga brasong magkasalikop. Biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para kumawala sa pagkakaipit sa likod ng tainga ang ilang hibla ng aking buhok. Kaagad ko itong inayos habang nakatingin pa rin Kydel. He was still watching me. "You should get inside," sabi ni Kydel pagkaraan ng ilang minuto. "Yeah," mahina kong sabi habang unti-unting umaatras. "Ikaw rin," sabi ko naman bago tumalikod na para maglakad palapit sa pinto. Bago ko tuluyang buksan ang pinto ay muli kong nilingon si Kydel. He was smiling while watching me getting inside the house. Nang tuluyan akong makapasok sa loob ay nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Tinungo ko ang bintana at pasimpleng sinilip mula roon si Kydel. He was still outside, looking at the door where I entered. Sandali lang naman iyon bago siya tuluyang naglakad paalis. That night I couldn't sleep. Inabot yata ako ng umaga kakaisip sa kung ano namang susunod na mangyayari. I am both excited and nervous at the same time. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa kung saan papunta ang mga nangyayaring ito. O kakabahan at matatakot dahil alam kong may kapalit ang lahat oras na malaman ng mga kaibigan ko. It was six in the morning when I fell asleep. Nakatulugan ko na ang pag-iisip. Pero okay lang naman dahil alas-dos pa ng hapon ang check out ko. Hindi ko lang alam kung maging si Kydel ay ganoon din. Alas-nuebe ng umaga nang magising ako dahil sa mga katok sa pinto. Kahit medyo inaantok pa ay pinilit kong bumangon. Pupungas-pungas na tinungo ko ang pinto at pinagbuksan ang kung sino mang nasa labas. "Good morning," pagbati sa akin ng nakangiting si Kydel. Saglit ko siyang tiningnan. Tinitigan ko lamang ang maaliwalas niyang mukha. Bagong ligo si Kydel. Bahagya akong ngumiti. "Good morning," pagbati ko rin sa kaniya. "Nakapag-almusal ka na ba?" Tanong pa ni Kydel. Marahan akong umiling habang nilalakihan ang pagkakabukas ng pinto. "Hindi pa," sagot ko. Kaagad na pumasok si Kydel nang mapansin nitong binuksan ko pang lalo ang pinto. Pagkalagpas niya sa akin ay noon ko lang napansin ang dalawang malaking paper bag na dala niya. Nakita ko kaagad ang pangalan ng dalawang restaurant na nasa resort. "Ako rin," sabi ni Kydel habang papunta siya sa kusina. "Sabay na tayo." Sandali akong natigilan. Nang tingnan ko si Kydel ay abala na siya sa pag-aasikaso ng mga pagkaing binili niya. Kaya naman nagpaalam muna akong maliligo ng mabilis. Nakakahiya naman kasi kung sasabayan ko siyang kumain nang hindi pa naglilinis ng katawan; ni hindi pa nga ako nagsisipilyo o kaya ay naghihilamos. Pagkatapos maligo ay kaagad akong bumalik sa kusina. Naabutan kong nakaupo na si Kydel habang hinihintay ako. Nang makita niya akong papalapit na ay inasikaso niya kaagad ang paglalagay ng pagkain sa plato ko. Napangiti na lamang ako sa naging aksyon niyang iyon. Hindi ko napigilang hilingin na sana ay ganito na lang palagi. -- "I'm telling you, Mom. That Kydel isn't good for Yuki." Lahat ng mga nasa hapag ay napatingin kay Jin nang sabihin nito iyon. Marahan kong inilapag ang hawak na tinidor. "Jin, Kydel is the son of my friends. Mababait silang tao, and Kydel for sure is-," "Mom, I know that guy," may diing sabi nito na ikinakunot ng noo ko. "He's my fiancée's ex. Lumaki sa Australia ang Kydel na iyon and he had experiences with girls. Hindi ko siya gusto para kay Yuki." Napatingin na lamang ako sa aking asawa. Akma akong sasagot nang walang pasabing tumayo si Jin at tuloy-tuloy na umalis. Hindi ko alam na may nakaraan pala si Kydel at Trisha. Bakit hindi sinabi kaagad sa akin ni Jin noong unang pumunta rito sa bahay si Kydel kasama si Yuki? "Sa tingin mo ba ginagamit ni Kydel si Yuki para gantihan si Jin?" Tanong sa akin ng aking asawa. Napapailing na uminom ako ng tubig. "I don't know," sagot ko habang iniisip kung magagawa ba talaga iyon ni Kydel sa anak ko. "Kyla, I don't want to see my daughter getting hurt because of a man. Kaya mas maiging sabihan mo si Yuki na iwasan ang Kydel na iyon habang maaga pa." -- Wala pang alas-dos ng hapon ay nagpasya na akong lumabas ng villa dala ang isang bag na pinaglalagyan ng mga damit na pinalabhan ko kanina pagkatapos kumain ng agahan. Maging si Kydel ay sumabay na rin sa akin sa pagcheck out. Eksaktong alas-dos ay nagpasya na kaming umalis. Lulan kami ng kaniyang sasakyan. Pareho kaming tahimik; ewan ko kung bakit gayong kanina naman ay halos hindi kami maubusan ng pinag-uusapan. After two hours of driving ay nakarating kami sa condo. Hindi na ako nagpahatid sa unit ko dahil alam kong pagod na sa pagmamaneho si Kydel. Pumayag din naman siya kaya nang tumigil ang elevator sa floor kung nasaan ang unit ko ay kaagad na akong lumabas. Pero nakakailang hakbang pa lang ako sa labas ng elevator ay bigla naman akong hinila ni Kydel pabalik sa loob. Sisigaw sana ako, kaya lamang ay tila nalulon ko ang aking boses nang maramdaman ko na lang ang pagsakop ng mga labi ni Kydel sa aking mga labi. Hinalikan niya ulit ako ng malalim. Saglit lang naman iyon. Pagkatapos ay pabiro niya na akong tinaboy paalis habang nakangiti. "See you later, Yuki," sabi ni Kydel sabay kindat bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Hindi ko na naman napigilan ang mapangiti. Wala sa sariling nahimas ko ang aking batok bago itinuloy ang paglalakad papunta sa aking unit. Pagkapasok sa loob ay dumiretso kaagad ako sa kuwarto. Pabagsak akong humiga sa kama. Ilang sandali lang ay itinakip ko ang unan sa aking mukha bago sumigaw nang pagkalakas-lakas. Nasa ganoong aksyon ako nang biglang tumunog ang aking cellphone indikasyon na may tumatawag. Nagmamadaling inabot ko iyon mula sa aking bag sa pag-aakalang si Kydel iyon. Pero kumunot na lang ang noo ko nang makita ang pangalan ni Kuya. "Yes?" Sabi ko pagkasagot pa lamang sa tawag nito. "Napatawag ka yata, Kuya." Dagdag ko pa. Nakakapanibago iyon dahil hindi naman nito ugaling tumawag sa akin lalo pa't lagi naman itong nasa ibang bansa. "Where are you?" Malamig nitong tanong. "Nasa condo ako. Bakit?" Narinig ko ang pagpapakawala ng buntong-hininga ni Kuya mula sa kabilang linya. "I need to talk to you. Nasa lobby ako. Bumaba ka rito at may pupuntahan tayo." Lalong kumunot ang noo ko. This is new. Bakit gustong makipag-usap sa akin ni Kuya? Saan kami pupunta? "You're making me nervous, Kuya." "Bumaba ka na para masabi ko sayo nang maayos. Don't tell Yona I'm here." Iyon lang at ibinaba na nito ang tawag. That's really weird. Kuya likes Yona. Kung hindi nito gustong marinig ni Yona ang mga sasabihin nito sa akin, ibig sabihin lang niyon ay talagang importante ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD