Kabanata 11

2143 Words
Mabibigat ba braso ang nagpamulat sa aking mga mata. Bahagya pa akong nagulat sa bagay na iyon, pero nahimasmasan din naman agad ako nang tuluyan ko nang maaninag ang kuwartong kinaroroonan ko. Marahan kong ipinihit ang aking katawan para harapin si Kydel na nahihimbing pa rin sa aking tabi. Nang makita ko ang mukha niya ay hindi ko napigilan ang mapangiti. He's sleeping like a baby. Mamula-mula ang kaniyang pisngi, marahil ay dahil iyon sa malamig na hangin. Pinagmasdan kong maigi ang mukha ni Kydel. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong mapagmasdan nang matagal ang kaniyang mukha. Napangiti ako. Itinaas ko ang aking kamay at inilapit iyon sa kaniyang mukha. I touched his face. My fingers slowly traced his eyebrows, down to his cheeks and lastly on his lips. And because of that, memories from last night came rushing on me. I froze. Shit. I didn't regret what we did last night. Pareho kaming nasa maayos na katinuan. Aware kami sa ginagawa namin kaya wala akong dapat ikapanghinayang. At lalong wala akong dapat sisihin. "Hmm," said Kydel. He buried his face between my neck and my shoulder. Naramdaman ko ang kiliti mula roon. Muli ko sanang ipagpapatuloy ang paghaplos sa kaniyang mukha nang may biglang kumatok sa pinto. Tatlong katok iyon pagkatapos ay biglang bumukas. Pumasok si Carlos. Kaagad akong bumangon. Isang pagkakamali iyon dahil parang pinunit ang ibabang bahagi ng aking katawan. It hurts. I wanted to cry, but Carlos was already in front of me. "Pinapatingnan po ni Lola Belen kung gising na po kayo. Maluluto na po kasi ang sopas." Magalang nitong sabi bago sinulyapan si Kydel na ngayon ay pupungas-pungas na bumabangon. I felt my burning cheeks. That's why I decided to take my towel and went out of the room. Dumiretso ako sa banyo. Kahit masakit ang aking ibaba ay pinilit kong maglakad nang tuwid. I don't want anyone to notice I'm limping. Alam kong iisipin ng mga ito na may nangyari. Although, totoo naman iyon, ayaw ko pa rin na may makaalam. "Gising ka na pala hija. Ang nobyo mo ba ay gising na rin?" Tanong ni Lola Belen, abala ito sa paglalagay ng gatas sa nilulutong sopas. I cleared my throat. Kydel's not my boyfriend. "Opo, gising na rin po siya," mahina kong sagot bago ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa banyo. Umuulan pa rin. Rinig na rinig ko ang pagpatak ng ulan sa bubong ng banyo. Kahit na may kisame naman ay hindi pa rin maiwasang marinig dahil napakalakas niyon. Malalaki ang patak at sigurado akong kapag lumabas ako ng bahay at tumama ang mga iyon sa aking balat, tiyak na mamumula ako. After taking a warm shower, I had to dry my hair with my own towel. Wala akong dalang hairdryer dahil sa pag-aakalang hindi naman kami magtatagal ni Kydel rito. Wala rin namang hairdryer si Lola Belen. Nang matapos ako sa pag-aasikaso ng sarili ay bumalik na ako sa kuwarto para ayusin ang mga hinubad kong damit. Kydel was already at the terrace with Lolo Andeng taking a look from the flooded front yard of the house. Minadali ko na ang pag-aayos. Ilang minuto lamang ay lumabas na ako. I was sitting on the dining area with Lola Belen when I got distracted by checking the house. Kagabi kasi ay hindi ko natingnan nang maayos ang kabuohan ng bahay. The interior of the house was simple. Lahat ng furniture ay parang sariling gawa, and I find it unique. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay itatanong ko kay Lolo Andeng kung saan sila nagpasadya ng mga gamit. Sa tingin ko magugustuhan ni Mommy ang mga iyon kapag nakita nito. There's also pictures of Lola Belen's family. Natuwa pa nga ako nang makita na nasa wall din nakakabit ang picture ng great grandmother nitong si Lola Consolacion. Lola Belen's mom was the granddaughter of Lola Consolacion. If I'm not mistaken, she told me a while ago, that her mom, was an actress. Nawala raw ito sa show business dahil bumalik sa Pagudpod, and there, she met her husband. Gusto ko sanang pigilan si Lola Belen sa pagkukuwento pero hindi ko na nagawa. Tuloy-tuloy nitong ikinuwento ang love story ng mga magulang nito. "She was branded as the Mayor's mistress." She said. Napaawang ang bibig ko, na siyang marahang itinikom ni Kydel. "Baka pasukan ng langaw," natatawa nitong sabi bago naupo sa aking tabi. He took my hand and intertwined our fingers. Hinayaan ko siya dahil mas buo ang atensiyon ko kay Lola Belen. I wanted to know the next story. "Pero siyempre, hindi naman iyon kasalan ng Mamang ko. She was a victim." Doon natapos ang kwento ni Lola Belen. Hindi na nito ipinagpatuloy dahil nagyaya na si Lolo Andeng na kumain ng sopas. Wala namang kaso sa akin kung malaman ko pa ng buo o hindi ang kwento ng mga magulang ni Lola Belen. It's just that, I find it amazing kasi ang mga ganoong story pati na rin ang story ni Lola Belen at ni Lolo Andeng ay sa mga pelikula ko lang napapanood. "Siyanga pala mga anak, nakontak niyo na ba ang mga magulang ninyo sa Manila? Baka nag-aalala na ang mga iyon." Sabi ni Lolo Andeng. Napatingin ako kay Kydel. Wala siyang naging reaksiyon. Parang wala lang na ipinagpapatuloy niya ang paghigop ng mainit na sabaw. I smiled at Lolo Andeng. "Mamaya po ay tatawag ako kina Mommy." "Mabuti iyon. Para naman alam nila kung anong nangyayari." Pagkatapos ng agahan ay pinayagan kami ni Lola Belen na tumambay sa terrace. Malakas man ang ulan ay hindi naman abot sa terrace dahil may bubong roon. Pagkaupo pa lang namin ni Kydel sa pandalawahang upuan ay umakbay na kaagad siya sa akin. Marahan niya akong kinabig para mapalapit sa kaniyang dibdib. "Did I hurt you last night?" Tanong niya matapos ang limang minutong katahimikan. I blushed. Bakit kailangan niya pang magtanong? Unti-unti ko nang nakakalimutan ang nangyari kagabi, tapos heto at itatanong niya sa akin kung nasaktan ba ako sa ginawa namin? I felt Kydel's lips on my temple. Huminga ako nang malalim. "No," I lied. "Yuki..." "Fine. You did." Sabi ko bago palihim na napangiwi dahil sa hiya na nararamdaman. Oh God! Sa tuwing naaalala ko ang nagyari ay para akong sinisilaban. Naramdaman ko ang pagtango-tango ni Kydel. He hugged me so tight I was gasping for air. "I'm sorry, I didn't know it was your first time." Lalo akong namula dahil sa sinabi niya. "Oh, Kydel." I grunted. He chuckled. "I'll try to be gentle next time." Bigla akong napatayo. Kaagad niya naman akong hinila pabalik habang nililingon ang loob ng bahay kung saan naroon sina Lola Belen. "What do you mean, next time?" Malakas kong tanong habang pinanlalakihan siya ng mga mata. "May balak ka pang umi—." Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil mabilis na tinakpan ni Kydel ng kamay niya ang aking bibig. He was laughing. "Don't shout." "I'm not shouting." Mariin kong bulong na muli niyang ikinatawa. Hindi na namin pinag-usapan pa ni Kydel ang tungkol sa nangyari kagabi. Tahimik na pinanood na lamang namin ang baha sa bakuran. Alam kong napaka-ignorante ko na kung iisipin ng ibang tao, pero natutuwa talaga ako sa nakikitang baha. First time kong makakita ng baha sa personal. Palagi ko lang kasing nakikita ang mga ganitong pangyayari sa balita at sa social media. Alam ko rin na maging si Kydel ay katulad ko. Halata naman kasi sa mukha niya ang pagkamangha. "We should call your parents," maya-maya ay sabi ni Kydel. Nakalimutan ko, dapat nga pala ay tawagan ko sila Mommy. Tama si Lola Belen, baka nag-aalala na ito. Inilabas ko ang aking cellphone. Bago ko gawin ang pagtawag ay napansin kong malapit nang maubos ang battery niyon. Kaya naman dali-dali kong tinawagan si Mommy. At gaya nga ng inaasahan, nag-aalala ito. She was crying. She's asking where I am. Sinagot ko naman agad. Sinabi ko rin na kasama ko si Kydel. Dahil doon ay medyo kumalma si Mommy. Sunod ko namang tinawagan ay si Brooklyn. Iniabot ko kay Kydel ang cellphone. Nagtaka pa siya nung una pero kinuha niya rin. They were speaking with each other when I decided to went inside the house and helped Lola Belen with our lunch. Hindi ako marunong magluto kaya tanging paghiwa lamang ng mga sangkap ang ginawa ko. Ilang sandali lamang, hindi pa man ako natatagalan sa paghihiwa ay pumasok na si Kydel. He was smiling. He kissed my cheeks before handing back my phone. What was that? What happened? — "Kuya Ky! I have news for you!" Malakas na sabi ni Brooklyn pagkatapos kong magtanong kung kumusta na ito. "What is it?" "I'll tell you later," sabi nitong ikinatawa ko. "Have I ever told you I have a big brother?" Bigla akong natigilan. Does she already had an idea? Did Yuki tell her I'm her brother? "I don't remember. Why?" I heard Brooklyn giggles. "Dumating sila Mommy kahapon dito sa condo. When they saw your things they thought I was living with my secret boyfriend. Dad became hysterical." I laughed at the last sentence. "And then?" "He's so overreacting. But then, Mom suddenly cried when she saw one of your books and your baby picture fell on the floor. She started crying! Pati si Daddy umiyak na rin. And I'd be lying kung sasabihin kong hindi ako umiyak. Well, I cried because they were crying. Hindi ko naman maintindihan kung bakit sila umiiyak, eh. Pati si Levi nakiiyak na rin. I don't know what's happening. Ayaw nilang sabihin sa akin. They said, they need to talk with Dwayne whatever-his-name, today. I don't remember his last name. And you know what really—." Yuki's phone died. Hindi ko na narinig ang ibang sinasabi ni Brooklyn. But, I couldn't stop myself from smiling. Alam na nila. Alam na ng mga magulang ko. Though I wanted to be the first to tell them, pero ayos na rin iyon. Bigla kong naramdaman ang pagtulo ng aking luha. Napapailing na pinunasan ko iyon bago huminga ng malalim. "I'm also crying, Brook," mahina kong sabi bago nagpasyang pumasok na sa loob. I saw Yuki at the kitchen helping Lola Belen. Isinauli ko sa kaniya ang kaniyang cellphone matapos ko siyang halikan sa pisngi. "Mukhang masaya ka yata." Puna ni Yuki sa walang tigil kong pagngiti. I grinned at her. "Dinaldal na naman ako ni Brooklyn. Walang preno ang bibig ng isang iyon." Bahagya ang pinakawalang pagtawa ni Yuki. "Masanay ka na. Madaldal talaga si Brook." Umiling na lamang ako bago nakitulong sa ginagawa nila. Pagkatapos ng ilang minutong pagtulong ay tahimik na naupo kami ni Yuki sa sala. Kasama namin si Carlos na nanunood ng tv. An anime show was being played on the screen. We were busy watching when I remember what Brook said. I looked at Yuki, she was laughing with Carlos. Gusto ko sanang magkwento pero hindi ko na itinuloy, mamaya na lang siguro. Natapos ang aming tanghalian nang masaya dahil marami na namang naikwento si Lolo Andeng at Lola Belen. Karamihan sa kwento nila ay purong tungkol sa kanilang kabataan. Marami kaming natutuhan ni Yuki na sa tingin ko ay mababaon namin hanggang sa pagbalik sa Manila. Papahina na pala ang ulan. Narinig namin sa balita kanina na palabas na ng Pilipinas ang bagyo. Sa tingin ko, bukas ng tanghali ay pwede na kaming bumiyahe ni Yuki pauwi. "Yuki," I called her name. "Hmm?" Nilingon ko si Yuki. Narito ulit kami sa terrace. Kasama na namin si Lolo at Lola pati na rin si Carlos. Nasa kabilang bahagi sila ng terrace, pinapanood ang pagdaan ng mga taong may bitbit na mga pinamili sa bayan. "My parents," panimula ko. "Hindi sila pumunta ng New York." Napansin ko ang biglang pagtingin sa akin ni Yuki. I noticed something in her eyes. Para bang may bagay na biglang nagpalungkot sa kaniya. "How did you know?" "Sinabi sa akin ni Brook na nasa condo niya sila. They saw my picture and they're going to talk with dad today." Sagot ko na ikinatango na lamang ni Yuki. Something's wrong. I want to know what's wrong. "That's good. Hindi ka na mahihirapang sundan sila sa New York." May tipid na ngiti sa labing sabi ni Yuki. Huminga siya ng malalim at inilipat ang tingin sa humuhupang baha. There's really something wrong going on. "Yuki, is there—." "Mga anak, hali kayo, sumama kayo sa akin na bumili sa talipapa ng uulamin natin sa hapunan. Maghahanap rin tayo ng mga pwede niyong dalhin pauwi." Nakangiting sabi ni Lola Belen habang palapit ito sa pick-up. "Sige po!" Malakas na sagot ni Yuki bago ako hinila. "Let's go, gusto kong makita kung anong lugar ba ang talipapa." Isinawalang bahala ko na lang ang mga napansin ko. Tatanungin ko na lang siguro si Yuki kapag nasa biyahe na kami pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD