Kabanata 12

2615 Words
Nagkakaingay na mga tao ang sumalubong sa amin pagkarating namin sa talipapa. Nagkakagulo ang mga ito sa pagpili ng mga bibilhin. Dumagsa kasi ang mga nagtitinda ng gulay at lamang dagat. "Bakit po hindi ninyo ibenta rito ang mga gulay sa pick-up, Lola Belen?" Tanong ni Kydel habang abala siya sa pagtingin sa iba't-ibang gulay na nakalatag sa bangketa. "Naku, hindi naman namin iyon ipinagbibili. Dadalhin kasi sana namin iyon sa Manila para ibigay sa bunso kong anak na nagtatrabaho roon." Sagot ni Lola Belen. Iyon lang ang mga narinig ko mula sa dalawa. Naging abala na rin kasi ako sa pagtingin-tingin sa ibang paninda. I was busy watching a child selling her vegetables when Kydel reached out to me. He took my hand and pulled me to a narrow path. "Why?" I asked. "Do we have a problem?" Tanong sa akin ni Kydel habang hawak-hawak ang magkabila kong balikat. "I don't know what you're talking about." Kunot ang noong sabi ko bago marahang inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Bumalik na tayo roon. Baka hinahanap na nila tayo." Hindi gumalaw si Kydel. Muli niyang hinawaka ang mga kamay ko. "It's fine. I already told Lola Belen we're going to talk." Marahan ang ginawa kong pagsulyap kay Kydel. He was looking at me as if I was hiding something from him. Which is kind of true, dahil kanina ko pa nga iniisip ang tungkol sa hindi ko pagsabi sa kaniya na alam ko simula pa sa umpisa kung sino ang totoo niyang mga magulang. I was planning to tell him, pero laging hindi natutuloy. I wanted to tell him. Kaya lamang ay natatakot ako na baka magalit siya sa akin. Baka mag-iba ang tingin niya sa akin. And I don't want that to happen. I don't want Kydel to hate me. Lalo pa ngayon na alam kong may nararamdaman na ako para sa kaniya. At alam kong mali rin na maramdaman ko iyon. Brooklyn and I had an agreement. And I don't want to lie and betray her. Isang tipid na ngiti ang aking pinakawalan. No...I don't want to tell him yet. Gusto kong sulitin muna ang pagkakataong ito. Siguro kapag nakabalik na kami sa Manila, saka ko na lang sasabihin sa kaniya. "Wala talagang problema. Gusto ko lang na makauwi kaagad. We both know na nag-aalala na sa atin ang mga pamilya natin." Sabi ko bago muling ngumiti. Nauna na akong naglakad para bumalik sa kung saan namin iniwan sina Lola Belen. Kydel was hesitant to follow me. It took him five minutes to go out where I left him. Nang makabalik na kami kina Lola Belen ay eksaktong patapos na ang mga ito sa pamimili. I tried to take the basket out of her hands when Kydel got it first. Wala na akong nagawa kundi ang mapatingin na lamang sa kaniya. Kinagabihan ay sabay-sabay ulit kaming dumulog sa hapunan. Masaya ulit ang naging kuwentuhan. Napag-usapan din namin ang tungkol sa pag-uwi namin sa araw ng kinabukasan. Bukas ng umaga ay hihilahin daw ulit ni Lolo Andeng ang sasakyan namin hanggang sa gasolinahan. At mula doon ay mag-uumpisa na kaming bumalik sa Maynila. "Malulungkot ako oras na umalis na tayo," I said while staring at the ceiling. Nasa kuwarto na kami ni Kydel. Nagpapahinga na para bukas ay masigla ang katawan namin bago umalis. Naramdaman ko ang pagpapakawala ni Kydel ng buntong-hininga. Nang lingunin ko siya ay napansin kong titig na titig siya sa akin. Akma akong magtatanong kung may dumi ba ang mukha ko nang bigla niya akong ipaloob sa kaniyang mga bisig. "Kydel..." "We can come back here anytime you want." Sabi niya bago pumikit. Sa pagkakataong ito ako naman ang napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung sa susunod ay magkasama pa rin kaming babalik dito. Baka pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang mga iniisip ko'y layuan niya na ako. O mas tamang sabihin na ako ang lalayo oras na umamin ako sa kaniya. "Yuki," mahinang sabi ni Kydel. "Huwag mo akong iiwasan kapag nakabalik na tayo sa Manila. I know you have a plan to do that. Kahit hindi mo sabihin, I can feel it; I can see it in your eyes." Bigla akong natigilan sa sinabi ni Kydel. Although hindi ko man sinasabi, iniisip ko na rin na gagawin ko iyon oras na umamin ako sa kaniya. "I won't..." halos walang boses kong sabi. Pumikit ako ng mariin. I heaved a deep sigh. "Let's sleep, maaga pa ang alis natin bukas." "Alright. Goodnight Yuki." "Goodnight." — "Mag-iingat kayo. Mahaba-haba pa ang magiging biyahe ninyo bago kayo makarating sa Manila." Paalala sa amin ni Lolo Andeng. Isang gasoline station sa bayan ang hinintuan namin para makargahan ng gasolina ang kotse ni Kydel. Si Lolo Andeng na lamang ang naghatid sa amin. Si Lola Belen kasi ay piniling bantayan na lamang si Carlos sa bahay. Wala kasi itong makakasama kung pati si Lola Belen ay sasama kay Lolo Andeng sa paghahatid sa amin. "Opo. Maraming salamat po talaga, Lolo Andeng." Nakangiting sabi ko kay Lolo Andeng bago ito niyakap. Ganoon din ang ginawa ni Kydel. Pagkatapos magpaalam ay kaagad na rin kaming umalis ni Kydel. Papasikat pa lamang ang araw ay nasa Tuguegarao na kami. Lagpas dalawang oras na biyahe rin iyon bago kami nagpasya na tumigil sa isang restaurant. Saglit kaming kumain, saglit na nagpahinga bago muling bumiyahe. After so many hours of driving nakarating din kami sa Manila. Madilim na ang kalangitan. Kaya naman nang makarating sa condo ay kaagad akong nahiga sa aking kama. Kydel chose to sleep in my living room. Wala naman si Yuna kaya ayos lang na narito si Kydel. Mahihinang katok ang nagpagising sa akin. Lulugo-lugong lumapit ako sa pinto at pinagbuksan si Kydel. "Why?" Tanong ko bago sumilip sa sala. Hinanap ko ang orasan at nakitang alas-singko na ng umaga. Hindi ko napansing umaga na pala, napasarap yata ang aking tulog dahil sa mahabang biyahe. "I need to go to Brooklyn's room." Mahina niyang sabi na siyang nagpagising sa akin nang tuluyan. "O-Okay," nag-aalangan kong sabi. "I'll just take a quick shower." Pagkatapos maligo ay kaagad na kaming lumabas ni Kydel ng condo. Aaminin ko, sa elevator pa lamang ay napakalakas na ng kabog ng aking dibdib. Gustuhin ko mang sabihin kay Kydel na siya na lamang ang pumunta sa room ni Brooklyn ay hindi ko magawa. Natatakot ako na baka magtanong na naman siya. Nang makarating sa tapat ng condo ni Brooklyn ay nagkasabay pa kami ni Kydel na nagpakawala ng malalim na paghinga. He's obviously nervous. I am also, pero mukhang mas lamang ang takot ko kaysa nerbiyos. Kydel pressed the doorbell, pagkatapos ay tatlong katok naman ang kaniyang ginawa sa pinto. I was only waiting for the door to open. Bawat segundo na lumilipas ay nagpapadoble ng kabog sa dibdib ko. I'm scared to the point I was planning to run once the door opened. Pero hindi ko iyon nagawa. Hindi ko nagawang tumakbo pagkatapos bumukas ng pinto. Para bang napako na ang mga paa ko sa semento. Brooklyn was the one who opened the door. Nakasuot pa ito ng pantulog at medyo magulo ang buhok. Ilang minuto itong nakatingin sa amin ni Kydel. Pagkatapos siguro ng tatlong minuto ay nanlalaki ang mga matang niyakap kami ni Brooklyn. She pulled us inside. Pinaupo kami nito sa couch. She was standing in front of us. Tinitingnan kami ni Brooklyn na para bang ilang taon kaming nawala. "What happened?" She asked after minutes of watching us. I was the one who answered Brooklyn. Si Kydel kasi ay tila nabato na sa kaniyang kinauupuan. Sinabi ko lahat kay Brooklyn. Sinabi ko ang tungkol sa bagyo at ang pagtira namin pansamantala sa bahay nila Lolo Andeng. I left the part where we were looking for their parents, and the part where something happened between me and Kydel. Hindi na iyon kailangan pang malaman ni Brooklyn. "Oh, that sounds fun. Sana pala sumama ako." Sabi lamang ni Brooklyn na siyang dahilan kung bakit kami nagkatinginan ni Kydel. Ilang minuto pa ulit kaming binalot ng katahimikan. Hanggang sa magyaya si Brooklyn na mag-almusal. We prepared some Filipino breakfast na nagustuhan naman naming lahat. "Where's your Mom and Dad?" Mababa ang boses na tanong ni Kydel sa kalagitnaan ng pagkain namin. Saglit na lumunok si Brooklyn bago sumagot. "Umalis sila kahapon. They said they're going to talk to a man named Dwayne today. I don't know who that is." Natuon ang pansin ko kay Kydel. Nakita kong bumagal ang kaniyang pagkain. Bahagya siyang tumango bago ngumiti. "Okay," he said. Nang matapos kumain ay nagpaalam na akong babalik sa condo ko. Hindi na sumama sa akin si Kydel dahil gusto pa raw niyang kausapin si Brooklyn. Naiintindihan ko naman iyon kaya tumatangong lumabas ako ng condo ni Brooklyn. I hope everything's going to be alright. Kapag naayos na ang lahat sa pamilya nila, magiging madali na sa akin ang iwasan si Kydel. — Pagkalabas ni Yuki ay kaagad kong itinanong kay Brooklyn kung nasaan ang mga gamit ko. She told me to follow her in her guest room. Pagkapasok namin sa kuwarto ay maayos na nakalagay sa gilid ang mga gamit ko. "I'm still confused," sabi ni Brooklyn na ikinatingin ko sa kaniya. "I know I have an older brother, but why did Mom and Dad cried when they saw your picture? May possibility ba na ikaw ang hinahanap nilang Kuya ko?" Bahagya akong natigilan sa narinig na sinabi ni Brooklyn. Gusto kong sagutin ang tanong niya pero may mga bagay na tumatakbo pa rin sa isipan ko. Although sinabi na sa akin noon pa man ni Dad na si Shania Lopez ang ina ko, unless mapatunayan ng DNA test, saka ko lang masasabing ako nga ang nawawala niyang kapatid. Ngayon ko lang napagtanto ang bagay na iyon. Bakit nga ba hindi ko naisip na posibleng nagsisinungaling lang si Dad? He already lied to me, kaya naman hindi na nakakapagtaka kung sa ikalawang pagkakataon ay magsinungaling ulit ito. Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan. Marahan kong hinila si Brooklyn at ipinaloob sa aking mga braso. "Malalaman natin kapag nakaharap na natin ang mga magulang mo." "Sana ikaw na nga ang Kuya ko. I feel comfortable kapag kasama ka eh. And ngayon ko lang narealize na you looked exactly like our dad when he was at your age." Naiiyak na wika ni Brooklyn. God, please. Please, ibigay ni'yo na sa akin ito. Sana sila na nga ang pamilya ko. Sana ito na iyon. Ayaw ko nang bumalik sa umpisa. "Sana nga, Brook. Sana nga." — "Shan," mahinang tawag sa akin ng lalaking pababa ng hagdan. "What are you doing here? I thought you're in New York." Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng pagkakahawak ni Law sa kamay ko nang makarating sa harap namin si Dwayne. He was wearing an eyeglasses, para bang kagagaling lamang nito sa trabaho at iniwan saglit para harapin kami. Marahan akong tumayo at naglakad palapit kay Dwayne. Ilang sandali lamang ay lumapat ang palad ko sa pisngi nito. It hurts. My palm hurts because of the slap I gave him. At alam kong pati si Dwayne ay nasaktan sa ginawa ko. "Shania." Pagtawag sa akin ni Lawrence. He grabbed my arm and pulled me closer to him. "We need to talk to him first." "Is this about my son?" Malamig na tanong ni Dwayne. Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko. Akmang hihilahin ko ang kwelyo ng suot ni Dwayne nang muli akong pigilan ni Lawrence. "Why did you do that to us, Dwayne?" Mariin kong tanong. Ramdam ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. "I trusted you! Pero nagawa mo pa rin kaming lokohin!" Tila wala lamang kay Dwayne ang sampal at mga salitang sinabi ko. He smirked and stared at us na para bang wala itong mabigat na kasalanang ginawa sa pamilya ko. "Minahal kita Shan." Kumuyom ang kamao ko sa sinabi ni Dwayne. "I was there when Lawrence hurt you. I was there for you when you thought everyone left you. Pero anong ginawa mo? You chose him over me. Kahit ilang beses kang sinaktan ng asawa mo, pinili mo pa rin siya!" "Hindi dahilan iyon para itago mo ang anak ko." Tila nanindig ang mga balahibo ko nang biglang magsalita si Lawrence. Kaagad kong hinawakan ang kaniyang braso pero hindi ko siya napigilan nang hablutin niya ang kwelyo ni Dwayne. God damnit, he's towering him, at kung magpapambuno silang dalawa hindi ko sila maaawat. "Law..." "I thought you love my wife? Pero bakit nagawa mo iyon?" Muling sabi ni Lawrence habang matalim ang titig kay Dwayne. I can see how his face getting red because of anger. And I think once Dwayne say something bad about Lawrence, he'll snap and will obviously punch Dwayne's face. Kahit gusto kong huwag sanang humantong doon ang pag-uusap na ito, may parte pa rin sa akin ang gustong makitang gawin iyon ni Lawrence. "Iyon lang ang naiisip kong paraan para kahit papaano ay may parte pa rin si Shania na maiiwan sa akin. A thing that you don't deserve to have." That's it. Isang singhap ang kumawala sa aking bibig nang walang pasabing suntukin ni Lawrence sa mukha si Dwayne. Nabuwal sa kinatatayuan nito si Dwayne at dire-diretsong natumba sa sahig. Hindi roon natapos ang pagsuntok ni Lawrence. Hinila niya si Dwayne sa collar nito at muling sinuntok. "Oh God, please stop!" Malakas na sabi mula sa pinto. It was Ryte Castro; Dwayne's younger brother. Mabilis nitong inawat ang dalawa sa pagpapalitan ng suntok. Nang mahiwalay ang mga ito ay kaagad kong hinawakan si Lawrence sa braso. "A thing..." Mariing sabi ni Lawrence. I saw blood on his lips. "You called my son, a thing. I'll f*****g kill you, Castro. I'll sue you for everything you did to my family." "I'm ready, Mr. Aragon." "f**k you." "Lawrence, please." Mahina kong sabi habang niyayakap ang kaniyang baywang. "You..." Marahas na paghinga ang pinakawalan ni Lawrence. His voice was shaking the next time he spoke. "Kung hindi ko lang iniisip ang mararamdaman ng asawa't mga anak ko, I would have strangle you to death the first time you opened your mouth." Walang naging sagot si Dwayne. Tahimik na nakatitig lamang ito sa amin. Ryte was behind him, shaking his head. Disappoinment was written in his face. Alam kong alam nito ang tungkol sa ginawa ni Dwayne. "Let's go, Law." Mahina kong sabi habang hinihila siya palabas ng bahay ni Dwayne. Nang makasakay sa kotse ay mabilis na pinasibad ni Lawrence ang sasakyan palayo. Tumigil lamang kami malapit sa gasolinahan. Marahan ko siyang nilingon. Hindi na ako nasurpresa nang makitang mariin ang pagkakahawak niya sa manibela. Nakapikit siya nang mariin habang nakasandal ang ulo sa upuan. "Linisin ko nga iyang sugat mo. Baka kapag nakita iyan ng mga anak natin ay—." "I'm sorry," mahinang sabi ni Lawrence na ikinatigil ko sa akmang pagkuha ng medicine kit sa maliit na compartment sa aking harap. "For what?" Marahang nagmulat si Lawrence. Tiningnan niya ako. He took my hands and kissed them. "I'm sorry for hurting you. For not being able to protect you and our son from Dwayne. I'm so sorry, love." Matamis ngiti ang pinakawalan ko bago ko siya hinila para mayakap. Lawrence rested his head on my shoulder after kissing my cheeks. "Wala kang kasalanan. Talagang makasarili lamang si Dwayne. Hindi niya matanggap na mahal kita." Kung alam ko lang na magiging kapalit ang anak ko sa pagtitiwala ko kay Dwayne, sana pala iniwasan ko na ito noong una pa lamang kaming nagkakilala. Ganoon pa man wala naman na kaming magagawa. Nangyari na ang mga nangyari. Ang dapat naming gawin ngayon ay makaharap at makausap si Kydel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD