“What did you say?” Kausap ni Russel sa cell phone ang isa sa mga shadow bodyguards niya na inutusan niyang bantayan si Aica nang lingid dito. “Your dad and Florence is with your girl at the restaurant, sir,” ang pag-ulit ng malalim na boses sa kabilang linya. “Tell me the address right now!” paangil na utos niya. Napakuyom ng kanyang palad ang binata pagkatapos ng tawag ng kanyang bodyguard at nagmamadaling umalis sa kanyang opisina. Nagtaka ang halos kasing-edad na PA niya nang lumabas siya. “Sir?” tanong nito na sumunod sa kanya sa hallway. “Cancel my meetings today, Leo. Move them to another day. I don’t care which one. Try to squeeze them in to my tight schedule,” ang mabilis niyang habilin. “Yes, sir,” ang tugon na lang ng PA niya. Tumigil siya nang saglit. “Didn’t you know my