Chapter 48: She Has To Live

1691 Words

Nasa isang kaparangan si Aica. Magaganda ang ligaw na mga bulaklak na may iba’t ibang kulay—dilaw, rosas, pula, ube at asul. Hanggang bukong-bukong niya ang mga luntiang d**o at mabini ang ihip ng hangin. Sobrang presko. Malinis. Tangay nito ang mabangong amoy ng mga bulaklak na hindi niya maisip kung anong klase. Umunat ang sulok ng mga labi niya nang biglang makita ang mga magulang na magkahawak ang mga kamay. “Mama! Papa!” sigaw niya pa at tumakbo sa mga ito para yakapin. “O, ba’t nandito ka, anak?” tanong ng kanyang ina na halos kamukha at kasingtangkad niya. Sa ama naman niya namana ang kulay-tsokolateng mga mata pati na ngiti at kutis. Niyakap din siya ng ina pabalik, pati na ng kanyang morenong ama. Halatang natutuwa rin ang mga itong makita siya. Pagkatapos niyang kumalas mula s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD