Dumapo ang kamao ni Russel sa kaliwang mukha ni Kenneth nang dumating din ito sa ospital. Inawat kaagad si Russel nina Dr. Harolds at Prof. Dr. Parker, pati ng iba pa nilang kasamahan. Kasalukuyang nasa operating room sina Aica at Janice. Pero dinig nila ay mas grabe ang natamong pinsala ni Aica kaysa kay Janice dahil sa banda ni Aica ang nangyaring pagkabangga. Minaneho ng isang bangag sa drogang driver ang nawasak nitong sasakyan at dead on arrival (DOA) ito. “I will never ever forgive you if something happened to Aica and Janice!” Dinuro pa niya si Kenneth na pinahid ng likod-kamay ang dugo sa pumutok na labi at muntik nang malaglag ang suot nitong salamin sa mata. Nakaharang pa rin si Phil kay Russel para hindi niya mabigyan ng follow up na suntok ang karibal. “I’m sorry! I didn’t