Hindi na nakita ni Russel si Aica. Nilibot niya ang buong camp site at nagtanung-tanong na siya ngunit walang nakakita sa dalaga. Hanggang sa makita niya si Dr. Harolds. “Do you know where I can find Aica?” Kinalog pa niya ito at naramdaman ng tahimik na archaeologist ang tila pagmamadali sa boses at aksyon niya. “I thought she and Janice borrowed your car. Janice drove her back to London. She said it’s an emergency,” ang kumukurap na tugon ni Dr. Harolds. “She brought all her things. I don’t really know what’s going on!” paliwanag nitong kumumpas pa sa ere. Of course. Janice still had his car keys. Gusto kasi nitong imaneho iyon kahit minsan lang bago pa man sila makabalik ng London. Napasapo ng kanyang noo ang binata at napamura. Binalikan niya tuloy si Kenneth. Naabutan pa niya iton