It was their last day at the camp site. Nagyaya si Russel na pumunta sila ni Aica sa Stonehenge at magpakuha ng larawan dahil hindi naman nila nagawa iyon na dalawa. Kilig to the max ang dalaga dahil doon. Hindi niya inasahang maisipan iyon ng lalaki at kasama pa siya sa plano nito. Ayaw naman niyang palampasin ang pagkakataong iyon kahit paano. Wala na kami pagkatapos nito. Mas magiging busy na siya sa London kapag nakabalik na kami roon at busy rin ako sa pagsusulat ng parte ko. Baka may revisions pa na ipapagawa si Tanda kapag nagkataon, sa loob-loob niyang tinutukoy si Prof. Dr. Parker. Dala ang tripod at ang camera ay sweet na kumuha sila ng mga larawan na dalawa. Kalimitan ay magkayakapan sila at hinalikan siya ng binata sa pisngi o kaya ay sa labi na lahat ay nakaw. Kung kaya’t na