Chapter 28: Hukayin Ang Nakaraan

1321 Words

Napakagat ng ibabang labi niya si Aica. Masakit pa rin ang sentro ng kanyang katawan pagkagising niya kinabukasan. Nasa kumportableng kama siya ni Russel. Marahan siyang napatingin sa paligid nang maramdamang wala sa kanyang tabi ang binata at nasa ilalim siya ng makapal na comforter para hindi ginawin. Malaki ang kuwarto ng binata. Sa kaliwang banda ay isang ceiling-to-floor na makapal na kurtina. Sa tantiya niya ay salamin ang nasa likod niyon. Sa kanan naman ay nakita niya ang dalawang pinto na sa tingin niya ay kung nasaan ang banyo at walk-in closet nito. Napagitnaan naman ng bedside table ang kama kung saan may dalawang maliliit na lampshades. Nakabukas ang mga ito nang gumalaw siya sa ibabaw ng kama. Napahiga siyang muli sa kama. Nadiskubre niyang wala pa rin siyang saplot nang da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD