Nasa enclosed balcony inihanda ni Russel ang mga pagkain at dinala roon ang dalagang nakaroba lang. Para itong bata na nakasuot ng damit ng magulang nito dahil sa pagiging petite nito at naaaliw siyang pinagmamasdan ito. Hinila niya ang silyang nasa harap ng pabilog na breakfast table. Mula roon ay makikita ang foggy panorama ng siyudad. Natabunan ang ilang parte ng mga gusali pati na ang London Bridge. Pansin niya ang pagtanaw nito sa view mula roon. Dumukwang siya at hinalikan ang ulo ng dalaga. “I’ll go get our coffee,” paalam niya at dumaan sa living room area at papunta sa kaliwa, sa kusina. Mula roon ay nakikita niya pa rin ang dalaga habang nagsalin siya ng kape sa mug mula sa itim na coffee maker. Masinop ang kanyang penthouse gaya ng dati dahil may binabayaran siyang caretaker