Natigilan ang magkatipan nang marinig ang nag-doorbell. Napilitang humiwalay ni Russel kay Aica. “I’ll get it. I think it’s the food I ordered,” ang sabi ng binata na tumayo na sa kinauupuan. Tumango ang dalaga at napatingin sa labas ng glass wall. Makapal pa rin ang fog doon. Napaisip siya kay Alec na nalulungkot ngayon sa ospital dahil wala siya sa tabi nito Paskong-Pasko pa naman. Alam niyang kahit natutuwa ito sa regalong sadya niyang inihabilin kay Sister Paula para ibigay kay Alec sa araw na ito ay kailangan pa rin nito ang presensiya niya roon. “Leave! Get out of here!” Narinig ni Aica na sigaw ni Russel. Huh? Akala ko ba ‘yong nag-deliver ng pagkain ang nag-doorbell? Kuryuso na rin siya kaya pumunta siya roon para silipin kung sino ang pinapalayas ng binata. Kung ang ama nito