Nasaktan si Russel nang pinaalis siya ni Aica sa silid nito. Para makasigurado na ayos lang ito nang mapansin niyang tumaas ang BP ng babae ay pina-check niya ito sa isang nurse na naka-duty. Kilala naman na siya ng staff dahil halos hindi na siya umuwi sa penthouse niya at doon lang nakabantay palagi sa dalaga. Lumalabas lang siya kapag kailangan niyang kumain o kaya ay magbanyo. Takot talaga siyang mawala sa kanya si Aica. Noong nag-beep ang patient monitor nito ay taranta silang dalawa ni Marietta at agad itong tumakbo para humingi ng tulong. Pero narinig na iyon ng mga staff at nagmamadaling pumasok sa ICU. “What’s happening to her?” usisa niya pa. Tsinek ng mga ito si Aica at sinabing nag-malfunction lang ang equipment kaya nagmamadaling pinalitan iyon. Lumipas pa ang mga oras at