“Let’s talk.” Hindi na mapigilan pa ni Russel ang sarili. Pagkaalis na pagkaalis nina Prof. Dr. Parker, Marietta, Janice, Phil at Kenneth sa silid ni Aica ay hindi siya sumama gaya ng ibang araw o gabi. Mahigit dalawang linggo na siya rito at nauna nang makalabas ng ospital si Janice. Naghilom na rin ang mga sugat sa katawan ng dalawang babae maliban na lang sa sugat sa ulo ni Aica na kailangan pa ng atensyon sa mga doctor. Naghilom naman na pero nagrereklamo pa rin itong masakit iyon. Siguro ay phantom pain lang ang nararamdaman nito kaya kailangan nito ng therapist, ayon sa rekomendasyon ni Dr. Evans. Pasisimulan na nito agad iyon bago pa man lumala o ano pa man. “No, Russel. I already told you I don’t want to talk to you. It’s almost past visiting hours. Just leave!” ang pagpalayas na