Kahit pagdating na nila sa camp site ay tumabi si Russel kay Aica. Nakayakap ito sa dalaga habang nag-spooning sila sa loob ng sleeping bag. Tulog na ang lahat ng mga kasamahan niya sa tent, pati si Janice na nakahiga nang nakatalikod sa kanila. Maliban sa ibang mga kasamahan nilang nag-iinuman pa sa labas, walang tigil din ang mga bantay sa pagroronda sa palibot ng kanilang area. “Why are you here? You’re more comfortable in your camper bus,” paasik na bulong niya sa lalaki, bahagyang ipinihit ang mukha sa lalaki. “With the old professor? I’d rather be here with you,” mahinang sagot din nito. “Or do you want to go there with me?” “What? Are you crazy?” angil niya rito. Ngumiti ito at hinalikan ang kanyang pisngi. “Just rest, luv. We’re still going to have that Phase III later, after w