Abala si Russel sa pakikipag-coordinate sa mga crew na siyang maghahanda sa lahat ng mga kailangan mamayang gabi para sa selebrasyon ng Bagong Taon. Ito ang unang Bagong Taon na makakasama niya si Aica, pati na ang mga kasamahan nila sa proyekto. Wala na yatang mapagsisidlan ng galak sa puso niya. Napasunod siya ng tingin kay Aica habang kumakain sila ng almusal. Kausap nito si Janice. Ikinuwento ang kakaibang ganda ng Old Sarum kagabi. Siyempre hindi nito isinali sa kuwento ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila kagabi. May pakiramdam lang siyang hindi ito katulad ng ibang babae na nagdedetalye ng s****l encounters sa mga kaibigan. Masyado itong pribadong tao lalo na tungkol sa bagay na iyon ang pag-uusapan. Pagkatapos nitong makausap si Janice ay umalis ang dalaga para tawagan na nama