Chapter 38

1197 Words
NANLAKI ang mata ni Mari nang mapatingala siya sa taong pumigil sa kamay ni Robert. Hindi niya inakala ang pagdating ni Clarence sa coffee shop. Paano siya nito nakita? Sinundan kaya siya? Iyon ang mga tanong na bumagabag sa isip niya. “Wala kang karapatan na saktan mo muli ang anak mo, Mr. Robert Harrington,” seryosong sabi ni Clarence kaya napataas ng kilay si Robert. Agad na binitawan ni Clarence ang pupulsuhin ni Robert. Napabuga ng hangin si Robert saka marahang natawa sa sinabi nito saka sarkastikong binaling ang tingin kay Mari. “How did you seduce this man, Mari? May tinatago ka bang kamandag na hindi ko alam?” Nanliit ang mata ni Mari saka tinaas nang bahagya ang kanyang labi. “Hindi ko siya inahas. Sadyang—” Biglang sumingit si Clarence. “I like her first, Mr. Robert. Ako ang unang nagkagusto sa anak mo.” Napadilat ng mata si Robert sa sinabi ni Clarence. “What are you talking about, Clarence? Look at her. Wala kang makukuha sa kanya kasi sinira niya ang tradisyon namin. At saka—” Pinutol naman ni Clarence ang sasabihin ni Robert. “She didn’t broke your family’s tradition, Mr. Robert. Ikinasal kami bago nangyari ang one night stand. Hindi ba ‘yon valid?” seryosong sabi ni Clarence rito kaya napalaglag na lang ng panga si Robert nang ma-realize ‘yon. Samantala, hindi rin makapaniwala si Mari dahil may punto nga si Clarence. Tamang ikinasal muna sila bago mangyari ‘yong gabing ‘yon. Hindi makapaniwalang napabuga ng hangin muli si Robert habang nakatingin siya sa malayo. “T-That’s impossible!” sigaw niya sa inis. “Possible ‘yon, Mr. Robert. I heard your company is at the verge of falling and you need Sinclair’s help. We will help you, but in two conditions. . .” Agad na tiningnan nang maigi ni Robert si Clarence as if he’s waiting for that one condition. “Anong kondisyon naman ‘yon?” kunot-noong tanong ni Robert dito. Tiningnan ni Clarence ang mga mata ni Robert. “Una, tanggapin niyo ulit si Mari na maging parte ng Harrington.” Napatingin si Robert kay Mari with his eyes na hindi niya matatanggap ang kondisyon na sinasabi ni Clarence. “I’ll try to convince the boards regarding that,” may alinlangan na sabi ni Robert. “Ano naman ang pangalawang kondisyon?” tanong niya rito. Lumingon si Clarence kay Mari at nagtama ang mata nila sa isa’t isa. Napataas naman ng kilay si Mari sa ginawa ni Clarence at napaturo sa sarili. “Ask your daughter, Mr. Robert,” seryosong sabi ni Clarence. “Ako?” pabulong ni tanong ni Mari kay Clarence. Muling natawa si Robert ngunit may halong kaba. “Bakit naman kailangan na mula pa sa kanya ang pangalawang kondisyon, Clarence? Ikaw naman ang CEO ng Sinclair, bakit hindi na lang ikaw?” “‘Coz she is my wife,” tugon na sabi ni Clarence nang akbayan si Mari. “May karapatan siya lalo na’t isa rin siyang Harrington,” pagdugtong niya. Napalunok na lang si Robert sa sinabi nito. Walang may kung anong salitang lumabas mula sa bibig niya. Kabado siyang hinihintay ang pangalawang kondisyon ni Mari. “Come on, Mari. Ilabas mo ang gusto mong mangyari para mabago ang tingin ng mga Harrington sa’yo,” bulong na pagkumbinsi ni Clarence dito. Napaisip nang malalim si Mari. Iniisip niya kung anong klaseng kondisyon ang sasabihin niya. ‘Yong kondisyon na magbabago sa buhay niya. ‘Yong kondisyon na rerespetuhin siya ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na ang pamilya niya. Huminga nang malalim si Mari nang sasabihin na niya ito. “The second condition is. . .I would like to become a CEO of Harrington Group. Iyan naman kasi ang original plan niyo kay Kate once she got married with Clarence, hindi ba? Sadly on your part na hindi na si Kate ang gagawa no’n, kundi ako.” Natigilan si Robert sa sinabi ni Mari. Para siyang naging estatuwa sa kondisyon na ‘yon. At paulit-ulit na sumasagi sa isip niya na parang sirang plaka. Naririndi siya sa boses ng anak niya. Naiinis siya dahil paniguradong lalakas ang loob ni Mari na paghigantihan siya. Pero paano niya mapipigilan ‘yon? Mukhang kailangan niyang lunukin ang pride niya alang-alang sa kompanya. Seryosong napangiwi si Clarence habang tinititigan niya ang reaksyon ng ama ni Mari. “Look at you, hindi ka na makasagot ngayon. Kung hindi mo gagawin ang dalawang kondisyon, Mr. Robert, I am sorry to say this na hindi ka namin matutulungan sa problema mo sa kompanya.” Umiling si Robert nang hawakan niya si Clarence. He smiled at him ngunit bakas sa mukha niya ang takot na mawala ang kompanya. “No. . . I mean. . . o-okay lang ba na p-pag-iisipan ko nang maigi ‘to? Malaking kondisyon ‘to, Clarence, kailangan ko muna nang approval sa boards. Pagbobotohan pa namin ‘to.” Clarence grinned. “Sure. No problem. You only have one week to decide. Hindi ko forte ang mainip, Mr. Robert. Professional lang tayo kung gusto mo ng tulong ko,” seryosong sabi ni Clarence. Hinawakan ni Clarence ang kamay ni Mari. “Well, excuse us for now, Mr. Robert.” Hinila ni Clarence si Mari palabas ng coffee shop. Samantalang, naiwang tulala si Robert at napaupo na lang ito sa upuan while thinking of what Clarence said earlier. Pagkalabas ng dalawa sa coffee shop ay huminto si Clarence, binitawan ang kamay ni Mari at inis na hinarap ang asawa. “Bakit nakipagkita ka pa sa daddy mo, Mari? Alam mo naman ang ginawa sa’yo do’n sa lamay ng lolo mo,” protesta ni Clarence. “I still respect him as my father, Clarence, kahit gano’n siya,” agad na sagot ni Mari. Pinilig ni Clarence ang kanyang ulo saka sinapo ang noo niya. “Hindi. Hindi ‘yon pagrespeto, Mari. Hinahayaan mong yurakan ka ulit ng daddy mo. Ayokong mangyari ‘yon. So, please promise me na dapat kasama mo ako kapag makikipagkita ka kahit kanino sa mga Harrington. Well, except your Ate Vina and Gabby ‘coz I know close kayo. Pero sa iba, kailangan nando’n ako. Are we clear?” Tahimik lang na tumango si Mari kaya naman ay bigla siyang niyakap ni Clarence. “I was afraid that he would hurt you again. Mabuti na lang on time ko siyang pinigilan.” Hindi maigalaw ni Mari ang sarili niya sa ginawa ni Clarence. Tila bang sasabog ang puso niya dahil sa bilis ng pagtibok nito lalo pa’t sobrang bango ng asawa niya. “C-Clarence. . .” sambit ni Mari rito. Kaya naman nang ma-realize ni Clarence na medyo overacting siya kanina ay agad siyang humiwalay rito. Bigla na lang namula ang pisngi niya nang mangyari ‘yon. Mari is looking at Clarence. May gusto siyang sabihin pero nahihiya siya. Nilakasan niya muna ang loob niya bago siya nagsalita. “Use me, Clarence para mabigyan ng hustisya ang mommy mo.” Nanlaki ang mata ni Clarence sa sinabi nito. Magsasalita sana siya pero biglang bumuhos ang ulan kaya napatakbo sila papuntang sasakyan ni Clarence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD