Chapter 39

876 Words
"USE me, Clarence para mabigyan ng hustisya ang mommy mo.” Hindi mawala sa isip ni Clarence ang sinabi ni Mari habang nasa byahe sila. Pagdating nila sa tapat ng bahay ni Mari ay agad naman na bumaba ito. “Thank you sa paghatid sa akin, Clarence,” wika ni Mari saka bumaba ito ng sasakyan. “No worries. Basta mag-take ka kaagad ng gamot pagsinipon ka,” habilin ni Clarence saka tumango si Mar. “Salamat, Clarence. Mag-iingat ka,” tugon ni Mari bago isinara ang pinto. Napaisip nang malalim si Mari dahil hindi siya sinagot ni Clarence kanina. May nasabi ba siyang hindi maganda? Nag-o-overthink tuloy siya habang naglalakad patungong bahay niya. Pagdating ni Clarence sa condo niya ay agad siyang kumuha ng wine at isinalin ito sa baso niya. Pumunta siya sa terrace at huminga nang malalim. Iniisip niya ang sinabi ni Mari tungkol sa hustisya ng mommy niya. Halos i-give up na niya ‘yon after that engagement party. But now, he fell in love even more because Mari wanted him to seek justice for her mom. Clarence took a sip of his wine while reminiscing about the time when his mother was still alive. Years ago, no’ng buhay pa si Rosemary Sinclair ay matalik na kaibigan nito ang ina ni Kate Harrington na si Silvana Harrington. Ginawa ni Silvana ang lahat para maging close kay Rosemary noon. Isa si Rosemary Sinclair sa hinahangaan at tinitingalaan ng lahat dahil sa yaman. Tawagin man siya ng lahat na linta ay wala siyang pakialam do’n, basta’t makuha niya lang ang kiliti ni Rosemary para maging sikat din siya katulad nito. Hanggang sa dumating ang panahon na nadala na si Rosemary at naging matalik na kaibigan niya si Silvana. Dumating sa punto na ginamit ni Silvana si Rosemary para sa isang real estate investment nila sa rehabilitation program ng isang new land city na itatayo sana noon. Lahat ng mga kilalang tao sa industriya ay nag-invest dahil sa imbitasyon ni Rosemary. Sa una ay maganda ang flow ng investment nila hanggang sa paunti-unting nalulugi ito. Nilamas pala ni Silvana ang pera ng mga investors ngunit ang sinisi sa pagkalugi ay si Rosemary Sinclair. Umugong ang balita noon at nasira ang pangalan ng Sinclair. They filed for a bankruptcy dahil binayaran ng kompany lahat ng pera ng mga investors kaya nalugi sila. Hindi nakayanan ni Rosemary ang sitwasyon nila noon na pati pagkain nila ay pinoproblema na, swerte na no’n kapag nakakakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Na dati ay nasa malaking bahay sila hanggang sa umuupa na lang ng maliit na apartment. Walang araw na hindi sila nag-aaway ng asawa niyang si Timothy Sinclair. Hanggang sa dumating ang araw na namatay na lang si Rosemary dahil sa depression. Timothy decided to leave the country at do’n na lang muna sila ni Clarence magsimula sa Amerika. Pumasok si Timothy sa isang malaking kompanya bilang assistant ng direktor. Sa una ay nahirapan siya dahil sa past experience niya, but as time passed by, namangha ang mga tao dahil sa kakayanan niya mamuno. His excellent leadership skills enabled him to elevate himself to a prominent position. Mabilis siyang na promote bilang Chief Operating Officer hanggang sa nakaipon na siya nang malaki, at unti-unti siyang nagtayo ng maliit na fashion clothing line business. Dumating ‘yong araw na biglang nag-boom ang negosyo niya dahil nag-trending ang fashion design na gawa niya sa social media. Hindi siya nanghinayang na mag-resign sa trabaho no’ng mangyari ‘yon. He even made Clarence his own model para sa sample pictures sa website at catalog. Dumami nang dumami ang kliyente nila hanggang sa nag-expand ang business niya sa Amerika. Nakapagtayo ng bagong negosyo si Timothy ng isang restaurant. Dahil kilala na siya sa Amerika ay hindi na siya nahirapan pa na i-market ito lalo na’t marami na ring mga artista, models at social influencers ang gustong makipag-collab sa kanya. No’ng sumikat ang restaurant at nagkaro’n na siya ng malaking pera ay binili niya ng malaking share ng isang real estate company na ngayon ay pinangalang The Real Sinclair Trust, at pati airlines na kung tatawagin na ngayon ay Sinclair Airlines. Nang makatapos ng pag-aaral si Clarence sa college, at no’ng makuha na niya ang masters degree sa business course ay siya ang ginawang CEO ni Timothy. Dahil sa success na pinag-igihan ng ama ni Clarence ay bumalik sila ng Pilipinas para i-expand ang negosyo nila. Do’n ay muling napagtanto nina Silvana at Robert ang pag-unlad ng pamilyang Sinclair. At nagsimula naman ang plano ni Clarence na maghiganti laban sa mga Harrington. Mayaman na sila at kaya na nilang lumaban dito. Napakuyom ng kamay si Clarence nang maalala niya ang mga ngiti nina Robert at Silvana no’ng muli niya nakita ang mga ito. Nakita niya sa mga mukha nito na tila bang nilimot na nila ang masaklap na nangyari sa ina niya. Huminga nang malalim si Clarence saka inubos ang wine niya. Alas dose na nang madaling araw ay hindi pa siya dinadaluyan ng antok. Kahit pilitin niyang ipikit ang kanyang mga mata ay hindi niya magawa dahil iniisip niya pa rin ang sinabi ni Mari kanina. Gustuhin man niya pero. . . nababahala siya at baka sabihing talagang ginagamit niya lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD