Note:
This book is intended for self pub, magiging physical book po siya this year. Para maging updated kayo, maaari pong sumali kayo sa F.B Group ko "Ziellanes Stories (Ziesters)" Please don't forget to follow me here on Dreame/Yugto. Salamat po.
***
KABADO nang umupo si Robert sa harap ng mga board member sa mahabang conference table. Harrington Group, once a symbol of success and prosperity, was now teetering on the edge of bankruptcy. Isang hindi mapakali na katahimikan ang sumalubong sa silid. At bakas sa mukha ng kanyang mga miyembro ang pag-aalala dahil pabagsak na ang kompanya.
“Thank you for gathering here today. As all you know, we are facing an unprecedented crisis, and the future of Harrington Group is in jeopardy,” malungkot na salaysay ni Robert.
The atmosphere grew more tense as the board members exchanged worried glances. Hindi napigilan ni Gerald Thompson, the vice president, ang kanyang pagkabigo.
“Robert, we can’t keep postponing the inevitable. Our creditors are breathing down our necks, and if we don’t take drastic action now, we’ll be left with nothing,” pag-aalalang sabi ni Gerald.
Seryosong tumango naman si Cynthia Rodriguez, ang CFO ng kompanya.
“I hate to say it, but bankruptcy might be our only way out of this mess, Robert. We need to protect what assets we have left.”
Robert looked around the room, bakas sa kanyang mga mata ang desperasyon na makaiwas sa malubhang pagsubok. Kung buhay pa siguro ang kanyang ama ay baka nagawan na ito ng paraan.
Ilang sandali pa ay bigla niyang naalala ang sinabi nina Clarence at Marigold. Dahil sa hindi niya matanggap ang mga kondisyon na ‘yon ay napakuyom siya ng kamay. Kailangan na niya ngayon magdesisyon ngayon, kung hindi ay baka tuluyan nang mawala ang lahat ng pinaghirapan ng ama niya.
“I understand you, but we can’t give up so easily,” wika ni Robert.
Muling nagpalitan ng tingin ang mga board members.
"I want Marigold to—" Biglang naputol ang sunod na sasabihin ni Robert nang magsalita si Susan Turner na legal advisor ng kompanya.
“Alam ko na, Robert, alam ko na ang iniisip mo na gusto mong ibalik si Marigold sa Harrington group. Para sa akin ay walang problema ‘yon lalo na’t asawa niya pala si Clarence Sinclair, which is the CEO of Sinclair group,” salaysay na sabi ni Susan Turner.
Biglang bumalot ng isang katahimik ang buong silid. Si Marigold ay itinakwil na ng Harrington at imposible itong ibalik muli ito dahil sa tradisyon ng pamilya.
“Marigold? Are you serious? Don’t you know that she’s the reason why our company is falling, Mrs. Susan Turner?” hindi makapaniwalang sabi ni Gerald.
“Bringing back Marigold won’t be easy, Gerald. Pero si Robert lang ang makakasagot nito kung papayag siya. But for me, maganda siyang plano para sa kompanya,” tugon na sabi ni Susan nang ibaling ang tingin kay Robert.
Huminga nang malalim si Robert saka siya nagsalita. “But the problem is. . . Marigold wanted to be the CEO of this company or else hindi ako tutulungan ng Sinclair Group. Hindi ko alam kung kakayanin ba niya ‘yon. Wala akong tiwala sa kakayahan niya.”
“Well, ayos lang naman sa akin kung makipag-merge tayo sa Sinclair through their marriage. At ayos lang naman kung request talaga ni Marigold na maging CEO ng kompanya. We can train her. Mas mapapalakas natin ang kompanya kung tatanggapin natin ang kondisyon na ‘yon, Robert,” pagsang-ayon naman ni Cynthia.
Napatingin lang sa malayo si Robert habang iniisip niya ang bagay na ‘yon hanggang sa dumating sa puntong nagbotohan sila.
"The board has chosen to welcome Marigold into the Harrington group as well as our future CEO," wika ng isang board member matapos i-calculate ang mga boto.
***
“WHAT did I just hear?! Babalik si Mari sa Harrington and she will be our next CEO?! Are you out of your mind, Dad?!” inis na tanong ni Kate nang marinig niya ang usapan ng kanyang mga magulang na nag-uusap sa sala.
Napalunok na lang si Robert at iniisip ang sunod niyang sasabihin.
“I-Iyon na lang ang tanging paraan para masalba natin ang kompanya, Kate. Please understand and accept the board’s decision.”
“NO! I won’t accept that decision, Dad! Bakit hindi mo sila i-annul? Marami tayong koneksyon at kaya nating gawin ‘yon.”
Napasinghap sa galit si Kate nang umupo siya sa couch. “Ako dapat ‘yon, e. Ako dapat ang kinasal ni Clarence, hindi si Mari! So please, Dad, please. . . hindi ko matatanggap na maging parte pa muli ng pamilya natin si Mari. Please do something!” dagdag pa niyang sabi saka siya huminga nang malalim.
“Kate, I know this is difficult for you, but annulment is not as simple as it seems. The board has made their decision, and I don't have much control over it. We need Marigold's involvement for the merger with Sinclair Group.”
Biglang gumilid sa mata ni Kate ang luha. Mabigat sa loob niyang tanggapin ang desisyon na ‘yon lalo na’t si Clarence ang makakasama ni Mari sa kompanya.
“Dad, there has to be another way. I can't stand the thought of Mari coming back, especially when she's the reason for all our troubles,” naiiyak niyang sabi kaya tumayo si Silvana para yakapin ang kawawa niyang anak.
“Oh my dear Kate,” malungkot na sabi ni Silvana habang yakap ito.
Bumuntong-hininga si Robert bago siya nagsalita.
“I wish there was another way, Kate. But we're running out of options. I'll try my best to make this situation bearable for all of us.”
***
HINDI na pinaabot pa ng isang linggo nang makipagkita muli si Robert kina Clarence at Mari. Katulad noon ay lumipad galing Manila papuntang Baguio ito para ilahad ang desisyon ng board members.
Nakaupo na ang tatlo sa coffee shop. Nilatag na ng staff ang in-order nilang kape sa mesa.
May kung anong kabang naramdaman si Mari kaya nakakuyom siya ng kamay habang inaabangan na magsalita ang ama niya. Nang mapansin ito ni Clarence ay pasekretong hinawakan niya ang kamay nito upang pakalmahin.
Huminga nang malalim si Robert at seryosong tinitigan niya ang dalawa.
“Nakapag-desisyon na ang board members. Tinatanggap na namin ang mga kondisyon niyo,” napipilitang sabi ni Robert.
Nanlaki ang mata ng dalawa at agad na pinigilan ang tuwa sa puso nang marinig ‘yon.
“Well, that’s great, Mr. Robert! We should plan our merger right away,” wika ni Clarence.
Walang emosyong tumango si Robert. “Yeah, we have a lot of work ahead of us to ensure a smooth merger, Clarence.” Tumindig siya sa kanyang kinauupuan. “I’ll be coordinating with your team to finalize the details and address my concerns. I have to go now,” dugtong niya saka nagpaalam na ito sa dalawa.
Naiwang hindi makapaniwala ang dalawa dahil sa magandang balitang narinig nila ngayong araw. Nagtinginan sila pagkuwa’y marahang natawa.
“Tama bang narinig ko?” tanong ni Mari.
Ngumiti si Clarence at muling hinawakan ang kamay ni Mari. He nodded, “Yes, Mari. Magiging CEO ka na ng Harrington soon.”
Pagkalabas nila ng coffee shop ay napansin ni Clarence ang mabilis na pagtakbo ng motorbike papunta sa direksyon ni Mari. Hinila niya si Mari papunta sa kanya dahilan nang maibaon ni Mari mukha niya sa matigas na dibdib ni Clarence. Nanlaki ang mata niya niyakap siya nito nang mahigpit at saka siya tumingala. Nang magtama ang paningin nila sa isa’t isa ay bigla siyang kinabahan kaya napalayo siya nang bahagya rito.
“Uhm, s-sorry may dumaan kasi,” nahihiyang sabi ni Clarence saka nilayo ang tingin niya rito.
“A-Ayos lang, Clarence, salamat.”
Huminga nang malalim si Clarence at binalingan niya ng tingin si Mari.
“I think we should celebrate, Mari. What do you think?”
Tumango si Mari. “Yeah, we can celebrate,” pagsang-ayon niya.
Clarence carefully selected a time and promptly made a reservation at an upscale restaurant for his dinner with Mari. Matiyaga hinihintay si Mari habang nakaupo siya sa table na kanyang ni-reserve, na eksakto para sa kanilang dalawa. Naisip niya na ngayon na ang tamang panahon upang mag-propose kay Mari.
The ambiance of the restaurant was elegant, with dimmed lights casting a warm glow on the surroundings. Soft music played in the background, creating an atmosphere of romance. Clarence checked his watch, counting the minutes until Mari's arrival.
But suddenly, pagdating ni Mari ay halos matumba siya sa kanyang kinauupuan nang makita niyang kasama pala nito sina Mike, Olivia at Lina.
What the heck?!