NAGSALUBONG ang mga kilay ni Kate nang makita niya si Clarence na sinusundan si Mari. Muling namuo sa puso niya ang galit dito dahil napapansin niyang nagkakamabutihan na ang dalawa.
Inis na tumindig si Kate. “That b***h!” giit niyang sabi saka napakuyom ng kamay.
Huminga siya nang malalim at nilapitan ang ina niyang si Silvana. “Mom, we need to talk,” aniya nang hawakan ang kamay nito saka hinila palayo sa mga bisita at kamag-anak.
“What’s wrong, hija?” nababahalang tanong ng ina.
Huminto sila sa likod ng chapel saka humarap si Kate kay Silvana.
“Gusto ko nang magpakasal kay Clarence. Hindi ko na kayang maghintay, Mom!”
Bahagyang napadilat ng mata si Silvana sa gulat. She didn’t expect that Kate would say this. Ngumiti siya rito saka nagsalita, “Why are you being hasty, my dear daughter?”
“Ilang beses ko nang nakikita sina Clarence at Mari na magkasama, Mom. Hindi ko matiis na malayo si Clarence. Baka mamaya niyan ay maagaw pa ni Mari ang dapat sa akin!” desperadang salaysay ni Kate.
Napataas ng kilay si Silvana sa nalaman niya. “That won’t happen, Kate. Don’t worry, mamadaliin ko ang engagement niyo ni Clarence. So please, kumalma ka muna.”
Muling humugot ng malalim na hininga si Kate para mawala ang kaba sa dibdib niya. “Siguraduhin mo lang, Mom. I just don't want to lose him. I love him so much.”
Niyakap ni Silvana si Kate and reassured her, “You won't lose him, my dear. I'll make sure of that. Just focus on building a strong and trusting relationship with him.”
Nababalisa pa rin si Kate but she managed a small smile. “You’re right, Mom. I just need to trust him more.”
Mas lalong niyakap pa ng mahigpit ni Silvana si Kate. “That’s right, Kate. Basta nandito lang ako para sa’yo. Now, let’s go back to your lolo’s wake.”
Tumango si Kate pagkatapos ay bumalik sila sa chapel.
***
TAHIMIK lang si Mari habang pinagmamasdan ang kalsada habang nasa loob na siya ng kotse kasama si Clarence. Gustong basagin ni Clarence ang katahimikan kaya in-on niya ang music. Walang musika ang nagpabasag kay Mari mapa-pop song, reggae at rock song man ‘yon dahil malungkot pa rin siya sa nangyari sa chapel.
Agad na nakutuban ni Clarence na may kinalaman si Kate sa nangyari. Kitang-kita niya kanina ang matagumpay na reaksyon nito habang sinisigawan ni Robert si Mari.
“Gutom ka na ba? Saan mo gustong kumain?” tanong ni Clarence habang nagmamaneho siya ng kotse.
“Kahit saan,” walang emosyon tugon ni Mari dito.
Binaling ni Clarence ang tingin niya kay Mari. Hindi niya alam pero nasasaktan din siyang nakikita niyang nasasaktan ito. Gusto niyang hawakan ang kamay ni Mari pero nagdadalawang isip siya kaya hinayaan niya na lang ito.
“May alam akong masarap na kainan dito sa Manila. I’m sure magugustuhan mo,” wika ni Clarence.
Huminto sila sa tapat ng isang grill house. Unang bumaba ng kotse si Clarence saka pinagbuksan si Mari. Pagkababa ni Mari ay napatingala siya sa signage na Kuya’s Grill. Mausok sa loob at medyo maraming tao.
“May alak ba silang sini-serve?” tanong ni Mari.
“Yes. Wanna drink too?”
Ngumiwi si Mari nang maisip niyang alak lang ang magpapawi sa problema niya ngayon. “That would be great,” aniya.
Pumasok na sila sa loob at nag-order ng grilled pork and chicken. Habang nagsusulat ang waiter sa papel ay nagtanong muli siya.
“Any drinks po?”
“Dalawang beer nga p—”
Agad na pinutol ni Mari ang sunod na sasabihin ni Clarence. “Isang bucket po ng beer, with ice na rin please,” mabilis niyang bigkas.
Tiningnan na lang ni Clarence si Mari, hindi kasi siya makapaniwala sa order nito.
“What? Akala ko ba iinom tayo?”
Napabuga ng hangin si Clarence saka marahang natawa. “Alright. Isang bucket ng po ng beer,” wika ni Clarence sa waiter.
“Noted po, Sir, Ma’am. Pa-wait na lang po ako ng sampung minuto,” sabi ng waiter at saka iniwan ang dalawa.
The atmosphere in Kuya's Grill was a mix of smoky grills, lively chatter, and the faint clinking of glasses. Nasa sulok lang sina Clarence and Mari at tahimik na nakaupo malayo sa crowd. The bucket of ice-cold beer arrived, and they each took a bottle.
“I’m sorry about what happened at the chapel. I had no idea Kate would pull something like that.”
Binuksan ni Mari ang isang beer saka nilagok ‘yon. “Napansin mo rin pala ang reaksyon ni Kate kanina. Halatang siya nga ang may gawa no’n at ginamit lang si Lydia.”
Bakas sa mukha ni Clarence ang frustration niya kay Kate. “I should have known better, but I never thought she’d use your grandfather’s wake para i-set up ka. It’s beyond cruel.”
Napabuntong-hiniga si Mari, napako ang tingin niya sa namumuong foam sa bote ng beer. “I never expected it either. Akala ko gusto akong makita ng mga Harrington after seven years, but it was all a set-up from Kate. Nakalimutan kong itinakwil na pala ako, na hindi na ako parte ng pamilyang ‘yon. Pero grabe lang. . .”
Biglang pumatak ang mga luha ni Mari kaya agad niya itong pinahid. “Sobra-sobra na ito, Clarence. Sobra na ‘yong pagpapahiya sa akin. . . ‘yong ipamukha sa akin ang isang pagkakamali ko. Oo, nakamali ako, pero tao rin ako. Hindi ako perpekto.”
Dama ni Clarence ang hinanakit ni Mari pero hindi niya alam kung paano niya i-ko-comfort ito.
“It’s okay, Mari. I’m all ears, makikinig lang ako,” wika ni Clarence.
Inubos na ni Mari ang natitirang laman ng bote ng beer. Her tears welled up again, ngayon ay nahihirapan siyang magsalita ng diretso.
“I’ve been working so hard to prove myself, to prove that I can rise above the mistakes of my past. Pero ang yurakan ang pagkatao ko na parang wala na akong silbi sa mundo, hindi ko matanggap, Clarence. Lalo na si Kate, ‘yang nobya mo. Nasa kanya na ang lahat pero hindi siya makuntento na hindi niya ako makitang nahihirapan at napapahiya.
Alam mo bang excited ako kanina? ‘Yung hope na naramdaman ko kanina na baka nga gusto nila ako makita muli, but Kate ripped away that hope.”
Hinawakan ni Clarence ang kamay ni Mari para damayan ito. “Mari, you are so much more than your past. You’ve shown strength and resilience that most people can’t comprehend. You don’t deserve to be treated like this.”
Umiling si Mari. “Hindi ko alam, Clarence, naka-set na sa isip ng mga Harrington ang pagkakamali ko. Kaya siguro pag nakikita nila ako, lahat ng kilos ko na ay mali.”
“You are not defined by your mistakes, Mari.” Dinugtungan pa ni Clarence ito sa isip niya. “You're defined by the person you've become—the person I care about deeply. I won't let Kate or anyone else undermine that."
Pagkatapos nila sa Kuya’s Grill ay dumiretso na sila sa kotse. Napansin ni Clarence na nilalabanan ni Mari ang pagod at antok.
“Let’s go to my apartment, do’n ka muna magpalipas ng gabi,” wika ni Clarence.
Umiling si Mari kahit lasing na siya. “No. Gusto kong magpahangin. Please? Kahit ngayon lang?” pakiusap niya.
Huminga nang malalim si Clarence. “Sige pero mabilis lang, ah? Gabi na rin kasi at alam kong pagod ka na.”
Dinala ni Clarence si Mari sa Manila Bay dahil ‘yon lang ang mas malapit sa lokasyon nila. Napangiti si Mari habang pinagmamasdan ang dagat at ang buhok niya ay hinahawi ng malakas na hangin.
“I feel better now,” ngiting sabi ni Mari. Her eyes reflected gratitude and contentment.
“I’m glad. You deserve moments of peace, Mari.”
Lumingon si Mari kay Clarence at tiningnan niya ito nang maigi. “Thank you for being here for me, Clarence. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka ngayon sa tabi ko.”
Dahil sa simoy ng hangin ay iniangat ni Clarence ang kamay niya at dahan-dahang inalis ang hibla ng buhok palayo sa mukha ni Mari. “You don’t have to thank me, Mari. I care about you, and being here for you feels right.”
Clarence gently touched Mari’s face. Mainam niyang tinitigan si Mari, hindi niya alam pero naluluha siyang makitang malungkot ito.
“Nasasaktan din akong makita kang sinasaktan nila, Mari. Gusto kitang protektahan kanina pero hindi ko magawa. Patawarin mo ako.”
Hindi makapaniwala si Mari sa ganitong comfort na binibigay ni Clarence sa kanya. Her heart melted. And for a moment, the problems that even alcohol couldn't erase earlier seemed to vanish.
Bigla niya na lang niyakap si Clarence dahil sa tuwa na nararamdaman niya. “Thank you, Clarence.”
Sa pagkakataong ‘yon ay biglang bumilis ang t***k ng puso ni Clarence. He enjoyed that moment kahit na pulang-pula ang pisngi niya at kinakabahan siya. He felt a sense of ease, knowing that he had managed to comfort Mari, even if just a little.
Pagdating nila sa apartment ni Clarence ay natigilan si Mari na malaman na iisa lang ang kwarto sa loob.
“I-Isa lang ang bedroom?” nauutal na tanong ni Mari.
Clarence grinned. “Yes. Sa kwarto ka at sa sala ako. Nothing to worry, Mari. Unless gusto mong gampanan ang pagiging asawa ko?”
Kaagad na nagsalita si Mari para tumigil si Clarence. “O-Okay na ako sa sala, Clarence, nakakahiya naman, nakikitira lang ako sa apartment mo,” pagtanggi ni Mari saka siya dumiretso sa sofa at umupo.
Lumapit si Clarence rito. “Are you really sure? Mas komportable sa kama kaysa r’yan.”
“Ayos lang. Okay na ako, Clarence. Matulog na tayo,” ani Mari saka siya humiga.
Agad na kumuha ng kumot at unan si Clarence. Pagbalik niya sa sala ay nakatulog na pala si Mari. Iniangat niya nang bahagya ang ulo nito saka nilagyan ng unan, pagkatapos ay kinumutan ito. Binuksan na lang din niya ang aircon sa sala just in case na mainitan si Mari.
Kinabukasan ay papungas-pungas nang bumangon si Mari. Masakit pa rin ang ulo niya pero kailangan niyang gumising para makauwi na siya sa Baguio. Ilang sandali pa’y napakapa siya sa kanyang higaan. Nanlaki ang mata niyang ma-realize na nasa kama na pala siya ni Clarence. Agad niyang inusisa ang sarili at nakahinga ng maluwag nang matantuang may saplot pa siya.
“Ano bang iniisip mo, Mari?” wika niya sa sarili saka ginulo ang buhok.
“Bakit? Ano bang nasa isip mo?”
Napaigtad sa gulat si Mari nang marinig ang boses ni Clarence habang sinusuot ang pulang long sleeve. Hindi niya alam na nasa loob pala ng kwarto ito.
Napatakip siya ng bibig nang makita ang katawan ni Clarence at agad niyang nilayo tingin dito. Marahang natawa si Clarence sa reaksyon ni Mari.
“You can look at me as you want, Mari, walang pumipigil. Remember, you’re my wife.”
Napadilat siya ng mata sa sinabi nito na tila bang sasabog na ang puso niya sa kilig, but at the same time sa embarrassment!
“Tapos ka na ba? Pwede na ba akong umalis ng kwarto?” tanong niya habang malayo ang tingin ay Clarence.
“I’m done, Mari.”
Pagkatapos sabihin ‘yon ni Clarence ay dagli siyang lumabas ng kwarto. Maya-maya pa ay natigilan si Mari nang marinig ang boses ng isang babae sa sala na tantya niyang kararating lang nito.
“Hon? Are you there?” tanong ni Kate. Alam ni Kate ang password ng apartment ni Clarence kaya malaya siyang pumasok anytime.
Mari froze as she heard Kate’s voice. Hindi niya alam ang gagawin niya. Paano kung makita siya nito?! Lagot na!