BIGLANG natahimik sina Clarence at Mari nang umalingawngaw sa apartment ang boses ni Kate. Nag-panic si Mari at natatarantang kinuha niya ang kanyang bag at ginala ang kwarto kung saan siya pwedeng magtago. She could feel her heart pounding in her chest.
Agad na lumapit si Mari kay Clarence. “Sir Clarence? Anong gagawin natin? Saan ako magtatago?”
“Hindi mo kailangan magtago, Mari.”
Namilog ang mata ni Mari sa sinabi nito. “Ha? B-Bakit naman? Paano kung malaman ni Kate na nandito ako sa apartment mo?”
“I don’t usually stay here kapag nasa Manila ako.Umuuwi ako palagi sa mansyon, so I have a reason naman. You don’t have to worry, Mari, ako na bahalang mag-explain.”
Napapikit ng mata si Mari nang sampalin niya ang kanyang noo. Palagay niyang hindi tama ang ginawa niyang nag-stay siya ng isang gabi sa apartment ni Clarence. Mas lalong magagalit si Kate sa kanya. Mas lalong gugulo.
“Clarence, where are you?” Lalong lumakas ang boses ni Kate na may pag-aalala at magpakadismayang tono.
Lumabas si Clarence mula sa silid, umarteng parang normal ang lahat. “Hey, hon, I’m here in the kitchen.” Mas malapit kasi ang kwarto niya sa kusina kaya do’n na lang siya dumiretso.
Dumiretso si Kate sa kusina at saka inilibot ang kanyang mata sa paligid hanggang sa makita niya si Clarence. “There you are. I’ve been trying to reach you all night. Sabi ng maid mo sa mansyon wala ka ro’n, so I expect na nandito ka. Where were you? Hindi ka man lang sumipot sa chapel kagabi?” inis na sabi ni Kate.
Sumagot si Clarence, “Oh, I just had a few drinks with Mike. Nothing to worry about.”
Napataas ang isang kilay ni Kate at nanliit ang kanyang tingin na may pagdududa. “Talaga? Kasi parang may tinatago ka. Nakita kasi kita kagabi na kasama mo si Mari. Talaga bang sobrang kati na ng babaeng ‘yon na palagi ko syang nakikitang dikit nang dikit sa’yo? Ugh! That b***h really getting on my nerves! Ang landi niya talaga!”
Nakaramdam ng pagkatisod si Clarence sa sinabi ni Kate. Napabuga siya ng hangin at sarkastikong nagsalita, “What did you just said? Malandi si Mari?”
“Why? E totoo naman talaga, Clarence. She’s like a leech to you!”
Nagsalubong ang kilay ni Clarence, hindi niya matanggap ang narinig niya mula kay Kate.
“Watch out with your words, Kate!”
Nanlaki ang mata ni Kate kasabay ng paghigit niya ng hininga. “Oh my goodness, Clarence! Don’t tell me you’re defending her? Kita mo naman kahapon na ang lakas ng loob niyang pumunta ng chapel. Para ano? Para makuha niya muli ang simpatya ng Harrington? She is already disowned by her own family because of her mistake! Nakakadiri siya.”
Napakuyom ng kamay si Clarence sa inis. “Ikaw ang nakakadiri, Kate. I know you set her up para mapahiya siya.”
Nagulat si Kate sa sinabi nito. She couldn’t believe that Clarence would really defend her step sister Mari. Napabuga siya ng hangin saka sarkastikong tumawa. Kate’s eyes narrowed habang pinoproseso niya ang narinig niya. Lalong tumindi ang galit niya. Humakbang siya papalapit kay Clarence while her voice dripping with disdain.
“You think I set her up? Are you out of your mind, Clarence? I can’t believe you’re taking her side after what she did to her own family! You’re defending that disgrace of a woman over your own girlfriend, your soon to be your wife?!”
“Disgrace?” Napabuga ng hangin si Clarence. Hindi niya matanggap na disgrasyada si Mari.
“Oo, Clarence. Nagkaro’n lang naman siya ng one night stand, six-seven years ago. She doesn't even know the guy's name.” Kate grinned. “Siguro naging f**k-buddy silang dalawa. Kawawa naman siya. Well, bagay lang naman sa kanya dahil malandi siya.”
Hindi na matiis ni Clarence ang mga sinasabi ni Kate kaya napasigaw siya. “Enough, Kate! Enough! I know what I saw last night. Mari didn’t plan any set up, ikaw ang gumawa no’n. You’re just so blinded by your jealousy.”
Nanlaki ang mata ni Kate sa reaksyon. “Wow! Ang sakit no’n Clarence, ah? I am your girlfriend tapos pagsasalitaan mo ako ng ganyan? At saka ako? Nagseselos?” ani Kate nang ituro ang sarili. “I am not jealous of that woman, Clarence. I’m just disgusted by her actions, and I can’t believe you're falling for her manipulations!”
Behind the door ay rinig na rinig ni Mari ang usapan ng dalawa sa labas. Huminga siya nang malalim dahil sumusobra na si Kate sa pangalalait sa kanya, at dinamay pa si Clarence. Nang umabot sa sukdulan ang tensyon ng dalawa ay naisip niyang lumabas ng kwarto. Pero bago niya gawin ‘yon ay naghanap muna siya ng T-shirt sa kabinet ni Clarence at nagpalit siya ng damit. Saktong umabot ang T-shirt sa tuhod niya kaya pati pang-ibaba niya ay hinubad niya ito para mas lalong inisin si Kate.
Ngumiwi si Mari saka lakas loob na lumabas mula sa kwarto. She confidently walked into the kitchen.
Namilog ang mata ni Kate nang makita niya nang mukhaan si Mari. Her eyes couldn’t believe na mapansin niyang galing ito sa bedroom ni Clarence, lalong-lalo na nang makita ang gray T-shirt ni Clarence. Nagalit ang mga ngipin niyang makita ito. Samantalang si Clarence ay hindi rin makapaniwala but the same time ay napangiti siya dahil bagay dito ang damit niya, she even looked sexier.
“You really have the audacity, Mari. Are you that desperate?” giit ni Kate nang taas-baba niyang tiningnan si Mari.
Tumango si Mari. “Hmm. Audacity. What a big word, Kate. I guess it takes audacity to face the truth head-on, unlike some people who prefer to live in denial.”
Napatingin si Mari kay Clarence at ibinalik niya ito kay Kate. “Hindi ako desperada, Kate. Ikaw lang naman siguro ang desperada sa ating dalawa kay Clarence. Kawawa ka naman,” pakunwaring naaawa si Mari dito kaya napasinghap si Kate.
Namula ang mukha ni Kate sa galit. “You think you’re clever, huh? Wearing his shirt won’t change the fact that you’re just a mistake. Clarence and I have a future together at hindi ka kasama do’n.”
Nakakauyam na tawa ang ginawa ni Mari. Mas lalo siyang naging confident sa harap ni Kate. “Oh, I don’t need to change anything, Kate. But hey, if wearing this shirt bothers you so much, maybe you should talk to Clarence about it. He seems to like the way it looks on me,” aniya nang tingnan saglit si Clarence.
Lumawak ang ngiti ni Clarence dahil sa sinabi ni Mari. Pero si Kate ay namula lalo sa galit at nagpupumilit na makahanap ng maisasagot niya rito.
“Delusional kang babae ka! Kung sa tingin mo na pipiliin ka ni Clarence, nagkakamali ka!” sigaw ni Kate. Hindi na niya kayang makontrol ang emosyon niya.
Bahagyang tumawa si Mari, “I guess we’ll see about that. But for now, marami pa akong gagawin kaysa sayangin ang oras ko sa walang kwentang usapan.” Lumapit si Mari kay Kate saka pilyong ngumiti. “Enjoy your wedding plan, Kate. Oh engagement pa pala. I’m sure it’ll be a blast.”
Napalunok si Mari sa sinabi nito. Hindi mawala sa isip niya ang tanong kung may nangyari ba kina Mari at Clarence. Napansin ni Mari na nagugulumihanan si Kate kaya muli siyang nagsalita, “To clear your thoughts, Kate. Walang nangyari sa amin. Well, depende na lang sa’yo kung maniwala ka o hindi.”
With a final smirk, Mari turned and walked away. Iniwan niya si Kate na nangangalit sa inis.
Galit na humarap si Kate kay Clarence. “I really really can’t believe you, Clarence! Hindi mo man lang ako pinagtanggol sa babaeng ‘yon! May nangyari ba talaga sa inyo? Huh?!” sigaw niyang tanong.
“Walang nangyari sa amin, Kate. Believe me. Pinatuloy ko lang siya sa apartment kasi wala siyang mapuntahan. Sinamahan ko siya papunta rito expecting na talagang pinapunta siya do’n ng mga Harrington,” mahinahong sabi ni Clarence.
Sinapo ni Clarence ang mga pisngi ni Kate habang mainam niyang tiningnan ito sa mata para maniwala ito sa kanya. “Believe me. Okay? Walang may nangyari sa amin,” ani Clarence saka hinalikan niya ito sa noo.
Hinawakan naman ni Kate ang mga kamay ni Clarence. His warm hands on her cheeks makes her heart calm, pero hindi ‘yon sapat para magkaro’n siya ng assurance.
“Gusto mong mawala ang duda ko sa’yo, Clarence?” tanong ni Kate.
“Yes. I will do anything to prove my innocence, Kate.”
Kate smirked. “Then marry me, Clarence. Pakasalan mo ako.”
Nanlaki ang mata ni Clarence. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya, pero ayaw naman niya na masira ang plano niya.
Napatingin na lang si Kate kay Clarence waiting for his response. Napalunok si Clarence pero wala siyang choice. “Yes, I’ll marry you.”