TAHIMIK na nag-iimpake si Silvana pero sa bawat galaw niya ay ramdam niya ang bigat sa kalooban. Pinapalayas na siya ng asawa niyang si Robert dahil sa ginawa niyang panloloko dito tungkol sa DNA test ni Mari. Isa-isa niyang ipinasok sa maleta ang mga family pictures nila. Napaluha na lang siya habang tinitingnan ang masasayang alaala na ngayon ay unti-unti nang mawawala ito. Nang matapos siyang mag-impake ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang notification mula sa bangko—isang milyong piso ang ipinadala ni Robert sa account niya. Ilang saglit pa, may isa pang notification. Nang tingnan niya ay napansin niyang blinock na ni Robert ang lahat ng credit cards niya. Napakuyom ang kamay ni Silvana. Hindi sapat ang isang milyon para magsimula siya. Asawa