"P-Paanong nangyari ito kay Apollo? Hindi ba at dapat masaya siya ngayon at maayos ang kalagayan dahil kapiling na nito si Sharmaine? Kaya bakit ganito ang itsura niya? Parang pariwara na ewan, nasaan na si Sharmaine na palagi nitong ipinagtatanggol?" Nagugulong tanong niya sa sarili Parang biglang nanghina ang kanyang mga tuhod, tila ba nawalan ng lakas iyon at napaluhod na lamang siya. Ang lahat ng iniwasan niyang makita o mabalitaan man lang , ngayon ay nakaharap sa kanya. Paano niya maipaliliwanag sa bata ang lahat. Napayakap siya nang mahigpit sa anak, halos mangiyak-ngiyak siyang nakatuon pa rin sa screen. “Anak, tara na u-uwi na tayo.” garalgal niyang sambit. Pilit niyang tinatakpan ang TV mula sa mga mata ng kanyang anak. Ngunit huli na dahil nasaksihan na nito ang katotohan

