“Owen, ano bang kalokohan mo na yan. Alam mo na walang namamagitan sa ating dalawa at kahit kailan wala akong naramdaman na special sayo. Tanging kaibigan lamang talaga ang nararamdaman ko sayo kaya please itigil mo na ito para hindi na lumaki pa ang gulo. Ayokong bigyan ka pa ng mas malalang problema. Kung darating si Apollo, sasama na lang kami ni Uno anytime naman pwede mo siyang dalawin. Oo natatakot ako kung ano ang kahihinatnan ng lahat pero may kasalanan din naman ako sa pangyayari. Alam ko na karapatan din talaga ni Apollo na malaman ang tungkol sa anak namin. Patawad kong ginamit ko ang kabutihan mo para makalayo ako sa kanya.” Mahabang pahayag niya kay Owen. Pilit na pinapatayo ito mula sa pagkakaluhod sa kanyang harapan pero matigas ito. Kahit na magmukha na itong kawawa na t

